Dae Min's P.O.V
Alas diyes na ng umaga nang makarating ako sa training area 3. Agad akong sinalubong ng lima. Papasok pa lang sana ako nang bigla akong binati ng mga baguhan. Pati na yung 3 pa naming kasamahan na sina Lenard, Zayn, at Red. Tinanguhan ko lang sila at saka nagsalita.
"Karamihan sa inyo ay bago lang sa lugar na 'to. Di ko alam kung saan kayo nakuha at kung paano kayo kinumbinsi ng mga kasamahan ko. Kahapon ay hindi tayo pormal na nagkakilalang lahat dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Tatlo lamang sa inyo kahapon ang nakapagpakilala sa kanilang sarili. At para lubusan nating makilala ang isa't isa, dapat munang magpatuloy sa pagpapakilala yung mga hindi nakapagsalita kahapon. At magsisimula tayo doon sa katabi mo kahapon Jayson Reyes." Maawtoridad kong sabi at utos sa kanila. Maya-maya ay humakbang na yung katabi kahapon ni Jayson Reyes.
"Good morning po sa inyong lahat. Ako po ay si Marvin Garcia, 17 years old and I'm from Cebu City."
"Sherwin Estregan, 15 years of age from Marikina City."
"I'm Geovy Obnimaga, 14 years of age from Mindanao."
Hahakbang na sana yung kasunod niya pero napaatras ito kaagad ng magsalita pa siya.
"Isa po akong nerd sa school namin pero they didn't know that I'm a gangster." Dagdag niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Narinig kong nagbulungan sila. Tila'y nagtataka din sa sinabi niya. Alam kong iisa lang ang katanungan naming lahat. At yun ay kung bakit siya nagpapanggap na nerd sa school nila kung gangster naman pala siya sa totoong buhay?
"Alam kong naguguluhan kayo sa sinabi ko pero yun talaga ang totoo. May rason ako kung bakit ko ginawa yun." Dugtong pa niya na parang alam na alam niya yung mga pinag-iisip namin.
"Kung ganun, ano naman ang rason mo kung bakit mo iyon ginawa?" Tanong ko sa kanya. Ni-grab ko na yung opportunity na tanungin siya kasi alam kong tulala pa din yung mga kasamahan namin.
"May kaibigan akong babae. Kaisa-isang kaibigan kong babae. Nung gabing nasaksak siya may binanggit siyang pangalan bago siya nalagutan ng hininga. Noong una, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang ideya. At yun ay ang imbestigahan ang taong binanggit niya sa akin. At para makapag-imbestiga ako ng walang nakakaalam ay minabuti kong pumasok sa school nila bilang isang nerd. Napag-alaman ko kasi na nilalapitan niya ang mga nerds sa school nila para ipagawa sa kanila yung mga project at assignments niya." Pagpapaliwanag niya sa amin. Pero habang nagsasalita siya, may nakita akong lungkot sa mga mata niya.
"Tapos anong nangyari sa imbestigasyon?" Tanong ko pa ulit sa kanya. Na-curious na kasi ako sa story niya.
"Nabigo ako. Wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa pagkamatay sa kaibigan ko. Hindi siya ang pumatay sa kanya. Kahit anong imbestiga at pag-aaral ko sa krimen na iyon ay wala pa rin akong nakakalap na impormasyon. Nawalan ako ng pag-asa kaya ako lumuwas ng Maynila para makalimutan yung tungkol sa kaibigan ko. At kaya din ako pumayag sa alok ni Zayn at Lenard." Pagpapaliwanag niya. At dahil humakbang na siya pabalik sa kanilang hanay ay minabuti ko ng sinenyasan yung katabi niya para sumunod nang magpakilala.
"Good morning po. I'm Jeffrey Uriarte from Mindanao din po. Katulad din ni Geovy, lumipat din po ako dito sa Maynila. For good. Andito kasi yung business ng family ko kaya ako nandito."
Tinanguhan ko lang siya. Sumunod na din yung katabi niya.
"I'm Lesther Soliva, 14 years old at nakatira sa kapareho niyo pong subdivision." Ngumiti lang siya sa amin at humakbang na paatras.

BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...