Dedicated to @christianmaeb and Mrcl2ne1 , 2mizka , maryclaireclaire24, @secret_0820, Rheahnn, at kay baddestinfiknight na matagal nang naghihintay sa update ko.
Vyeil's P.O.V
"Okay ka na ba?" Malambing na tanong ni Jae Min sa akin.
"Yeah." Kaswal na sagot ko sa kanya. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Nag-usap ang aming mga mata at naunawaan naman nila kaagad iyon.
"Jae Min, iuuwi na muna namin 'tong kaibigan namin. Salamat sa concern." Paalam ni Sandy sa kanya. Tumango lang siya kaya umalis na kami.
Nang makalayo na kami sa kanya ay agad naman sila nagsalita.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Bom.
"Mamaya ko na lang sasabihin. I want to go home first." Naunawaan naman nila iyon kaya inuwi muna nila ako.
***********
@ Lee's Residence"Oh, anong nangyari sa 'yo princess?" Tanong ni Daddy sa akin.
"Wala po 'to Dad." Mahinahon kong sabi sa kanya. Nakayuko ako ngayon para di niya makita ang mukha ko. Narinig kong nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay naramdaman ko nang nasa tabi ko na siya.
"Princess, alam kong hindi ka okay. Ano ba talagang nangyari?" Tanong niya sabay hagod sa likod ko.
Hindi ako sumagot. Sa halip ay nanatili pa din akong nakayuko at naglalaro sa dalawa kong kamay. Mayamaya ay narinig kong hinampas niya nang malakas ang mga paa niya.
"Okay. You won't tell me anything. How about me going to your school? Or shall I say, 'Our School'?" Biglang nanlaki ang aking mga mata. Kasabay nito ang pagtataka ko sa sinabi ni Daddy. Tinignan ko rin yung mga kaibigan ko. Kung ano ang reaksyon ko sa puntong ito ay mas doble pa ang inakto nilang tatlo.
Nilingon ko ang Daddy ko sabay sabing, "What?"
Isinilid niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya habang nakatingin sa ibang direksyon.
Take note: sumisipol pa siya.
"Dad!" Pagtawag ko sa atensyon niya.
"Hmm?" Aba! Bagets mode Daddy ko! Sipain ko kaya 'to? Pero syempre, a big NO NO yan. Love ko Dad ko eh hehe.
"Dad, paki-explain nga sa aming apat kung ano yung sinabi mong 'Our School.'" Tumayo na din ako para di ako magka-stiff neck.
"Hmm. Our School. Sa tagalog, 'Ating Paaralan'" patay malisya niyang sagot.
Lalong sumingkit ang aking mga mata.
"Fine. Pshh. Atin na ang school na pinapasukan niyo ngayon." Kaswal na sabi ng Daddy ko.
"At paano naman yun naging ATIN?" Capslock para intense! XD
"Simply lang. Binili ko iyon." Walang kautal-utal na sagot ni Daddy.
"Wehh?? Dad, sa pagkakaalam ko at ng buong bayan ay hindi basta bastang pinabibili ang mga ari-arian ni Mr. Cha kaya imposible yang sinasabi mo."
"Nabili ko na nga, nak."
"Dad, imposible nga."
"Nak, ang kulit mo. Nabili ko na nga."
BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...