Chapter 23: Who You?

72 0 0
                                    

Ang chapter na ito ay dedicated to @ReyzzaLeahPats, @aisukie, @PhinaiiCute.

Vyeil's P.O.V

Alas tres pa lang ng hapon ay pinauwi na kami kaagad ng mga instructor namin sa kadahilanang may magaganap na party mamayang alas siete ng gabi doon din mismo sa function hall ng school namin. At dahil sa ni-request daw ng school administrator namin na mag-perform kaming apat ay nandito kami ngayon sa dressing room namin sa mismong residence house namin syempre. Pinasadya talaga ni Daddy na gawan kaming apat ng dressing room para hindi na kami mahirapan pang maghanap ng room para mag-ayos sa sarili namin. At saka minabuti na din kasi ni Daddy na ipagsama kaming apat sa iisang house para naman daw may kasama na ako palagi at para hindi na daw ako maglalalabas para lang makipagkita sa kanila. At sa mga oras na 'to nga'y sobrang busy kami sa pag-aayos sa sarili namin. Bihis dito. Bihis doon. Make-up dito. Make-up doon. At ngayong ready na kami ay tinawagan ko na si Dae Eun na pumunta na dito sa bahay para sabay-sabay na kaming pumunta sa function hall.

"Mga sis, picture2x muna tayo." Tumayo naman kami kaagad at saka pumuwesto na sa harap ng camera. Nag-set kami ng timer para hindi na kami mahirapan pa sa pag-pi-picture. Nung naka 20 shots pa lang kami ay may biglang kumatok sa pinto.

"Sino yan?" Tinanong ko lang kung sino 'yung kumatok kasi tinatamad akong pagbuksan kung sino man yun. Hindi din sila nag-abalang tumayo para silipin kung sino 'yung kumatok sa pintuan. Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa sumagot 'yung taong kumatok.

"Manang ikaw ba yan?" Tanong ko ulit doon sa kumatok sa pinto. 5 seconds. 15 seconds. Hindi pa din sumasagot 'yung taong kumatok. Kinabahan ako bigla. Baka may nakapasok na magnanakaw? Pero kung magnanakaw 'yun, bakit pa kakatok 'di ba? Baka naman tauhan lang namin? Pero kung tauhan namin 'yun, bakit 'di siya sumasagot? Lalo tuloy akong kinabahan. Nag-pa-panic na din 'yung mga kasama ko dito. Napagdesisyunan kong buksan 'yung pinto. Kinuha ko 'yung bakal na nakasandal sa gilid ng wardrobe namin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sinilip ko 'yung gilid ng dressing room namin. Walang tao. Pinuntahan ko isa-isa 'yung kwarto naming apat. Pero wala pa din akong nakikitang tao. Shit! Kung sino ka mang bwisit ka humanda ka talaga sa 'kin. Babanatan kita hanggang sa mawala na yang mukha mo. Dahan-dahan kong pinihit 'yung door knob ng kwarto ko. Pumasok na ako hanggang sa may bumulaga sa akin na isang lalaking nakamaskara. Kaya binanatan ko na siya ng palo.

"A-aray! Vyeil, t-tama na. Ah! S-si Dae Eun 't-to!" Napatigil ako sa paghahampas ng marinig ko ang pangalan na sinambit niya. Hinila ko ang kamay niya para makasiguro akong hindi siya makakatakas. Hinablot ko 'yung maskara at napamura ako nung makita kong si Dae Eun nga 'yung taong nakamaskara.

"Ano ba? Aatakihin ako sa puso niyan eh." Sigaw ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako.

Nag-blush naman ako nung hinila niya ako papalapit sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata.

"You look gorgeous tonight, Vyeil." Anak ng tupa! Biglang uminit yung mukha ko. Feeling ko nag-ba-blush na ako. Siguro sobrang pula na ng mukha ko? Kaya agad akong napayuko para 'di niya makitang nag-blush ako. Inangat niya ang mukha ko at tinignan ulit ako ng diretso sa mata ko. Seryosong-seryoso 'yung mukha niya. Parang may sasabihin siya pero 'di niya lang masabi.

"Ehem! Anong ka-sweet-an 'to? Paki-explain!" Napatayo ako ng matuwid saka ako humarap sa kanila. Nakatayo silang tatlo sa labas ng kwarto ko. Shit! Kanina pa ba 'to sila dito? Naku naman! "-_-

"Lab yu!" Sigaw naman ni Sandy. Nagtawanan lang silang tatlo. Napa-iling nalang ako dahil sa kahihiyan.

"I guess you're all ready. So, let's go?" Tanong niya sa amin habang nakapamulsa siya at nakatingin sa kanilang tatlo.

*********
(At the function hall)

Pagkapasok namin sa loob ay agad kaming sinundan ng tingin ng mga tao. Kahit siyam na buwan na kaming nag-pe-perform sa stage ay naiilang pa din ako sa ganyang mga tingin ng mga tao. Lalo na dito sa Pinas kasi hindi pa kami ganoon kakilala tapos ang ilan pa sa kanila ay mapanghusga. Dapat ko na talagang sanayin ang sarili ko sa mga titig nila. Kaya Vyeil, inhale ahhh, exhale hoohh. Kaya ko 'to. Iisipin ko na lang na ako lang mag-isa dito sa silid na 'to.

Ni-escort-an naman kaming apat patungong back stage. Nang matapos nang magsalita yung guest speaker ay tinawag na kami ng emcee sa stage.

"A big round of applause please for 2NE1." Nakita ko pang nagsipalakpakan ang mga tao. Una naming kakantahin ay 'Go Away' at kasunod nu'n ay ang kasalukuyan naming kanta, yung 'Falling in love'.

Nung matapos na kaming mag-perform ay agad kaming pinuntahan ni Dae Eun, ni-lead niya kami sa table na ni-reserve niya para sa amin.

Kumuha siya ng pwedi naming inumin at pagkain na rin. Nagulat lang ako ng may umupo sa tabi ko.

"Hi babe." Ngumisi siya at saka nag-wink. Ayan na naman yang mata niya, napuwing kaya 'to? Matanong ko nga 'to.

"May sakit ka ba sa mata? O napuwing ka lang?" Bagot kong tanong sa kanya.

"Oo, napuwing ako." Sabi niya tapos kumindat na naman siya.

"Ahh. Ganun ba? Okay." Tanging sagot ko sa kanya.

"Napuwing ako. Napuwing inlab with you." Kinanta pa niya yung huling linya katunog nung falling in love with you ng F4.

"Gago!" Nainis na ako sa taong 'to. Bwisit siya. Grrr.

"Gago na kung gago basta inlab ako sa 'yo. *wink*" yuck! Super yuck! Wala pa akong kain, wala pa din akong nainom pero nasusuka na talaga ako dito kasi kaharap ko na naman 'tong gagong 'to. Hindi na lang ako nagsalita baka kasi may sasabihin na naman siyang nakakasuka.

"Babe." Tawag niya sa akin. Nilingon ko lang siya at saka siya tinignan sa mata.

"Love you. *wink*"

"Gago! Who you?" Napamura na talaga ako nung sinabi niya yun. Kumunot lang yung noo niya. Magsasalita pa sana siya pero inunahan na siya ni Dae Eun.

"Pare, excuse lang no? Pero sa pagkakaalam ko, reserved na 'tong table na 'to. So pwedi ba, distansya ka?" Tinignan lang siya ni Jae Min at saka niya tinaas ang mga kamay niya at tuluyan nang nilisan ang aming munting mesa. Napa-wooh lang kaming apat kay Dae Eun. Akalain mo yun? Napaalis niya si Jae Min na walang ibang sinasabi? Haha! Amazing! (^,^)>

Sumayaw lang kami ng kunti, inom lang din ng kunti at saka kami umuwi ng bahay. Maaga lang kaming inuwi ni Dae Eun baka daw kasi mag-alala si Daddy sa amin.

Nung nasa bahay na kami at nakapagbihis na kami ng pantulog namin ay napagdesisyonan nilang tatlo na doon na muna sila matutulog sa kwarto ko. Nag-tsi-tsimisan lang kaming apat hanggang sa nakatulog na talaga kami.

-----------------------------------------
Anong gusto niyo? Vyeil & Jae Min? Or Vyeil & Dae Eun? Haha!

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon