Chapter 26: Love Letters

66 0 0
                                    

I just want to dedicate this chapter to beautiful_krissy for adding this story to her reading list :)

And of course sa lahat ng mga bumasa at bumabasa sa story na 'to, sa mga nag-vote at tsaka sa mga silent readers diyan, lablablab u :)

Vyeil's P.O.V

Bad mood. Yan yung unang bumungad sa akin ngayong umaga. Hindi kasi ako nakatulog ng mabuti kagabi dahil sa assignment namin sa college algebra. Kainis. Di ko masagot sagot yung nag-iisang problem sa notebook ko. Lintek na subject yan. Di pa tuloy ako nakakain sa kakamadali ko. And aside from that, pinagtripan na naman ako ng baliw kong kaklase. Sino pa nga ba? Edi si Jae Min. Habang nakikinig ako kay Teacher Yna nung nag-discuss siya ay bigla na lang niya akong binato ng isang crumpled paper. Pinandilatan ko siya dahil doon sa ginawa niya. Natawa lang siya nung pinandilatan ko siya. Dahil sa inis ko ay nilukot ko yung maliit na piraso ng papel at pinitik ito sa kanya. At shoot, na-shoot ko yung maliit na papel sa bunganga niya. Inuubo ubo siya ng dahil dun. Nalunok siguro niya yung papel na binato ko sa kanya. Huh! Serves him right. Nakakainis na kasi eh.

Nung dismissal na ay ini-stretch ko muna yung dalawa kong kamay. *yawn* Inaantok pa talaga ako. Ipapatong ko na sana sa desk ko yung ulo ko para makapag-nap kahit na sandali lang. Kaso kinalabit ako nitong kyut at makulit kong katabi na si Sandy kaya napalingon ako kaagad sa kanya. Nagtaka ako nung ngumuso siya sa sahig malapit sa paanan ko. Napalingon naman ako dun.

"Aanhin ko yung garbage te? Lulunukin tapos sisigaw ako ng darna? Ganun?" Pilosopong tanong ko sa kanya. Agad namang nag-roll ang mga mata niya.

"Ibig kong sabihin, kunin mo yung papel. Mukhang may nakasulat kasi sa loob eh." Sagot naman niya sa akin at nag-roll ulit ng kanyang mga mata.

"Oww? Hiyang-hiya naman ako sa malilinaw mong mga mata girl. Talagang napansin mo pa yung papel na may nakasulat sa loob." Inirapan niya lang ako. Kinuha ko yung papel na binato sa akin ni Jae Min.

O.o

"May nakasulat nga! Aba! Ang nga talaga ng mga mata mo Sandy. Galing!" Pagpupuri ko sa kanya. Akalain mo nga namang super linaw nga ng mga mata niya. Totoo nga kasing may nakasulat sa papel. Binuklat ko naman ito kaagad at nagulat ako sa nabasa ko doon.

"Hoy, girl, ano nakasulat? Sabihin mo na dali." Inalog-alog pa ni Sandy ang kaliwang braso ko nung sinabi niya yun.

"Girl, diba malinaw mga mata mo? Paki-examine naman nito oh." Iniabot ko sa kanya yung papel. Pagkabasa niya ay agad siyang napatutop sa labi niya.

"Girl, he must be joking. Right?" Paniniguro niyang tanong sa akin.

"Siguro nga." Wala sa sarili kong sagot sa kanya.

***********
(Lunch break @ the cafeteria)

"ANO?" Sabay-sabay na sigaw nina Bom at Minzy. Pati nga sila ay hindi din makapaniwala sa nabalitaan nila.

"Oo nga girls, nakita ko din yung papel eh kaya I can say that it's true." Sambat naman ni Sandy sa kanila. Tinignan nila ako at tila naghihintay silang magsalita ako. Yumuko lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng inorder kong leche flan.

"Kailan naman kayo mag-de-date na dalawa?" Tanong sa akin ni Bom. Magsasalita na sana ako ng biglang dumugtong sa pagtanong itong si Minzy.

"At saan?" Inirapan ko lang si Minzy. Yumuko ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Hoy! Sagot na." Hay naku, di talaga nila ako balak na tantanan? Kitang kumakain pa yung tao oh. Grabi to sila. Tsk!

"Hindi ko pa alam. Yun lang naman yung nakasulat sa papel eh." Sagot ko sa kanila at yumuko ulit para kumain.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon