This chapter is dedicated to @ellezirorase, @kaihun70 and especially to you @crayon_pop87
"Hello?" Bati ko sa kanya. Pero hindi ito sumagot.
"Hello!" Medyo inis kong sabi sa kanya. Hindi pa din ako sinasagot kaya naisipan kong ibaba nalang yung phone kaso natigilan ako nung may narinig akong boses sa kabilang linya.
"Hey, Vyeil." Nabato ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako nagkakamali. Sa kanya talaga ang boses na yun.
"Babe, labas ka muna dito oh. Nasa labas ako ng gate niyo ngayon." Hala? Ba't niya alam address ko? Shit!
"Wait bababa na ako." Ni-end ko agad ang tawag at dali-daling lumabas ng gate.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya.
"Isn't it obvious? I want to see you, babe." Sabi niya sabay lakad papalapit sa akin. Umatras naman ako dahil sa ginawa niya.
"Teka! Saan mo nakuha number ko?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Sources, babe." Tipid niyang sagot habang nakangiting nakakaloko. Lumapit na naman siya sa akin. Tatangkain niya sanang haplusin ang buhok ko kaso iniwas ko ang mukha ko tapos tinabig ko yung kamay niya.
"Bakit napakailap mo sa akin ha? May nagawa ba ako sa 'yo?" Nakakunot-noo niyang tanong sa akin.
"H-ha?" Nauutal kong sagot sa kanya. Takte! Ano bang nakain ng taong 'to?
"Bakit napakailap mo sa akin? May nagawa ba ako? Ha? Babe?" Oo! Marami kang nagawang kasalanan sa aking gago ka! Nang dahil sa 'yo lalo akong ni-bully ng mga kaklase ko. Nang dahil sa 'yo naging impyerno ang buhay ko. At nang dahil sa 'yo, na-comatose ako ng mahigit tatlong taon! Paghihimutok ng isip ko. Pero di ko iyon nagawang isigaw sa pagmumukha niya sa kadahilanang gusto kong makapaghiganti sa kanya.
'Sorry Dae Eun. Kailangan ko na 'tong simulan.'
"Babe?" Malambing na pagtawag niya sa akin. Halos makalimutan ko ng sagutin siya.
"Eh, ikaw naman kasi eh. Binato mo yung kaklase natin. Ayokong may nakikita akong binubully. Kaya ayon." Pagdadahilan ko sa kanya although totoo naman talaga yung sinabi kong ayokong may nabubully. Kasi nakikita ko sa kanila ang dating ako.
"Oww. Is that so?" Tumango nalang ako sa kanya.
"Okay. From now on, hinding-hindi na ako mang-aaway ng kahit na sino." Seryoso niyang saad sa akin.
"Bakit mo ba 'to ginagawa Jae Min?" Out of the blue na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo talaga nahahalata?" Tanong niya sa akin.
"Ang alin?" Patay malisya kong tanong sa kanya. Kahit alam kong may gusto siya sa akin tinanong ko pa din yon sa kanya para makompirma ko yung nasa isip ko.
"I like you." Seryoso niyang sabi sa akin habang tinitignan niya ako sa mata. Ang nakikita ko lang sa mga mata niya ay lust.
'Ganyan nga Jae Min. Gustuhin mo ako. Fall hard bastard.' Sabi ko sa isip ko.
Nag-smirk muna ako bago nagsalita.
"You like me? Why?" Tinignan ko lang siya habang naka-evil grin.
"Babe, you're pretty and I'm damn hot." Natatawa pa niyang sabi na parang sinasabi niyang 'Hindi pa ba obvious?'.
"Really?" Hindi ako makapaniwala sa rason niya. Huh! Ba't di mo sinabing gusto mo lang pala ng pang-display? Sana binilhan na lang kita ng isang life-sized barbie doll.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...