Hi po sa lahat. Before niyo po to basahin. Ipapaalala ko lang po sa inyo na si Prime at si Jerrick Shin ay iisa lang. Sa bakbakan lang o sa place kung saan involve ang mga gangster lang po sila pweding tawagin sa screen name nila. Yun lamang po :) Enjoy reading :)
Dae Eun's P.O.V
Pangalawang araw na mula nang ma-confine si Vyeil sa dito sa ospital. Wala pa din siyang malay. Nakatingin lang ako sa kinaroroonan niya nang bigla akong kinalabit ng doktor. Doktor ba talaga to? Parang hindi eh. Nangangalabit kahit di kami close. >•< pero sige palalampasin ko na muna ginawa niya para kay Vyeil.
"Hijo? Asan na yung parents ng pasyente?"-doktor
"May binili lang po saglit sa baba. Ano na pong kalagayan ng pasyente ngayon Doc?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"Mamaya ko na lang sasabihin kung andito na yung parents ng pasyente." Sagot niya sakin habang nakatitig lang dun sa parang record book---yung laging dinadala ng nurse pag nag-ro-roam around sa wards. Itiniklop ito ng doktor sabay sabing, "Puntahan mo na lang ako sa nurse station pag andito na yung parents niya."
"Opo Doc. Salamat po."
"Sige hijo."
"Sige po."
Tiningnan ko lang ulit si Vyeil. Maya-maya ay dumating na si Kim na galing banyo.
"Bla-- ay Da Eun! Asan sina Tita?"
"Nasa baba may binili lang. Bantayan mo muna si Vyeil. Puntahan ko lang sina Tito't Tita may importanteng sasabihin si Doc eh."
"Geh ako nang bahala dito."
"Salamat." Agad akong nagtungo sa may canteen. Doon kasi pinaalam nila sa 'kin bago bumaba. Gumamit ako ng elevator para mas mapadali yung paghanap sa kanila.
Kasalukuyan akong naghahanap sa kanila pero naunahan nila akong mahanap sila.
"Dae Eun! Dito." Ni-wave ni Tito yung right hand niya. Agad akong nagtungo ron at sinabing hinanap sila ng doktor. Pagkatapos nilang bayaran yung mga in-order nila ay agad kaming umalis at nagpunta sa nurse station.
"Doc, ano na pong balita sa anak ko?" Hinihingal na tanong ni Tito.
"Mr. And Mrs. Lee, gusto kong malaman niyo na kailangan niyong ilipat yung pasyente sa America para maobserbahan ito ng mabuti. May mga facilities kami dito pero andun kasi yung mga doktor na mas bihasa pa sa amin. She needs to undergo surgery. Base kasi sa CT Scan result niya, may crack yung skull niya malapit sa left ear. Kaya I suggest na dalhin na lamang siya sa America."
"O-okay po Doc. K-kailan po siya pweding dalhin dun?" Nauutal na tanong ni Tita
"As soon as possible. Safe naman siya to travel kaya pwedi niyo na siyang dalhin dun this afternoon. Nakausap ko na din yung head nila kaya you don't need to worry."
"Doc, saang ospital po siya dun dadalhin?" Tanong ko sa kanya
"Doon sa khagayuwhgsiqha ospital."
(A/n: pasensya na po kayo. Wala po akong maisip na pweding i-name sa ospital eh :) )
"Okay po, Doc. Salamat po."
Ako nalang yung sumagot sa doktor kasi halata pang nagulat sina Tito sa balita. Hinawakan ko yung shoulder ni Tito at sinabing magtungo na muna doon sa room ni Vyeil. Tinanguan nila ako kaya nagtungo na kami doon.
Pagkarating namin sa labas ng kwarto ni Vyeil agad akong inutusan ni Tito na papuntahin dito sina Jerrick. Agad ko naman silang tinawagan. Pagkatapos nun ay tinawag ako ni Tito.

BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...