Chapter 19: The Grand Battle Part 2

41 0 0
                                    

Jae Min's P.O.V

Kanina ko pa pinagmamasdan si Min Suek sa pagkakapa niya sa mukha ng mga leaders na nakahanay. Kanina pa din akong naghihintay na makarating siya sa kinatatayuan ko ngayon kaso parang ang slow talaga ng taong 'to. Tagal niya kasing maka-determine ng tao eh! Dali-dali lang kaya akong mahanap. Ako kaya yung pinakagwapo sa lahat. Tsk! Narinig kong 25 seconds nalang ang nalalabing oras sa paghahanap niya sa 'kin. Kanina pa akong kinakabahan dito. Di ako mapakali. Kung bakit ba kasi hindi kami pweding sumigaw eh. Tsk! Sumigaw ulit yung facilitator. Sabi niya 10 seconds nalang daw. Ano ba yan! Nasa pang pitong tao pa siya nagkakapa eh baka di niya ako maabutan. 5 seconds nalang ang nalalabi nang kinapaan na niya yung pang siyam na tao sa hanay. Arghh! Sana maabutan pa niya talaga ako. 3 seconds nalang yung ako naman yung kinapa niya. Shit! Nag-murmur pa siya ng kung ano-ano nung kinapa niya yung mukha ko. Nung pagsigaw ng facilitator ng 1 bigla din siyang sumigaw ng "Hey! Hey! Hey!" Hayy! Salamat. Napanatag naman ako kasi nakaabot pa din siya sa time. Nung kinuha na niya yung nakatakip sa mata niya hindi pa niya agad binigay sa akin yung susi instead kinamusta pa niya ako.

"Uy! Tol musta ka naman diyan?" Gago 'tong taong 'to eh. Alam niyang nagmamadali kami gusto pang makipagkamustahan. Tsk3x.

"Anong okay! Kanina pa ako naghihintay sa inyo dito. Bagal mo!" Agad kong kinuha yung susi. Akmang magsasalita na naman siya kaya inunahan ko na.

"Diyan ka na nga." At unalis na ako kaagad. May sumundo sa aking lalaki, facilitator na naman ata 'to, tinanong ko siya kaagad.

"Anong susunod kong gagawin?" Ngumiti lang muna siya sa akin tsaka niya sinabing 'Relaks lang. Atat ka naman.' Kaya biglang uminit ang ulo ko.

"Ano ba? Sasabihin mo ba o hindi?" Ni-kwelyuhan ko siya kaya initaas niya yung kamay niya at sinabing 'wait'.

"This way." Ni-guide niya ako sa isang kwarto. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sandamakmak na vaults.

"Kailangan mong makahanap ng anim na puzzle pieces para makuha mo yung medalyon. Ang medalyon lang ang susi mo para sa next stage." Anak ng tokwa naman oh! Pwedi bang suntukan na lang? Antagal eh!

"Ilabas ang apat na kasama nito. Unmercy Smites yung group name." Utos niya doon sa dalawang bouncer. Nilabas naman nila yung mga kasama ko. Nagsalita ulit ang facilitator.

"Ibigay mo sa kanila yung ibang susi. Anim lang sa mga susi na yan ang makakapagbukas ng vault. Dapat mahanap ninyo ang anim na puzzle pieces sa loob ng isang minuto." Takte! Isang minuto? Paano namin makikita yun eh ang dami nitong vaults na nasa harap namin?

"Your time starts now!" Dali-dali kong binigay sa kanila yung susi. Yung iba sa kanila ang tig dadalawang susi ang dala. Nagsimula naman akong buksan yung mga vaults. Shit! Ang hirap kasi dumudulas sa kamay ko ang susi. Medyo basa na kasi yung mga kamay ko dahil sa tensyon. Pinahid ko sa jeans ko yung dalawang kamay ko at saka sumubok ulit sa pagbubukas ng vaults. Sampung vaults na ang ni-try ko pero wala pa ding nabubuksan ni isa sa mga yun. Tinignan ko sila kung may nakakuha na ba ng puzzle piece. Shete! Wala pa din. Arghh! Binilisan ko yung pagbubukas. Naka labinlimang vaults na ako nang sumigaw si Jojo.

"Nakita ko na yung isa." Lumuwag naman yung pakiramdam ko sa balita si Jojo. Pero hindi pa din ako nagpakampante kasi isa pa lang yung nakita. Kailangan pa naming hanapin yung lima. Nung ni-try ko yung pang 25 na vault ay bumukas iyon kaya natuwa ako at ibinalita kaagad sa mga kasama ko.

"3 puzzle pieces to go!" Sigaw naman ni Daryll. Nakuha na pala niya yung isa pang puzzle piece.

"30 seconds to go!" Sigaw ng timer/facilitator. Shit! Asan na ba yun? Ni-try ko na yung iba pero wala na akong mabuksan. Ni-try ko naman yung sa ibaba na part ng vaults. Nasa pang 27 vaults na ako. Wala pa din. Umabot na sa 35 vaults pero wala pa din.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon