Chapter 20: The Vault

48 0 0
                                    

Jae Min's P.O.V

Pinagmasdan ko ang lahat ng vaults. Iba't ibang kulay. Iba't iba din yung hugis. Pagkatingin ko sa gold na vault ay di na nagawang maalis ang tingin ko sa vault na iyon. Parang hinihigop niya lahat ng atensyon ko. Siguro ito na nga yung vault. Tinapat ko na sa circle yung medalyon. After 5 seconds...

5

4

3

2

1

Click!

Agad na bumukas ang vault.

"Wooh! Ang galing niyo po Master!" Halos naiiyak na sabi ni Theo. Biglang nangatog yung mga tuhod ko. Hindi dahil sa kaba o takot o kung ano paman, kundi dahil sa relief na nararamdaman ko ngayon. Akala ko hindi ko na makikita yung pinapahanap sa amin.

"Congratulations, Sir. You made it." Bati sa akin ng announcer. Iniabot naman niya sa akin ang kamay niya. After a few seconds ay inabot ko din ang kamay niya at saka tumayo.

"Salamat." Tangi kong nasambit. Di pa din kasi ako makapaniwalang nagawa ko iyon. 50 vaults, 3 tries. Nilingon ko kaagad ang mga kasama ko. Dinumog nila ako at inihagis-hagis nila ang katawan ko sa ere. Nanalo kami! Executive 2 wins! Damn! I can't believe this.

Ibinaba na nila ako. Ginulo naman ni Daryll yung buhok ko. Papaalis na sana kami nang tinawag kami ng announcer.

"Sir! Yung prize niyo po. Baka makalimutan niyo." Iniabot niya sa akin ang scroll at isang envelop. Binuklat ko muna ang scroll. Nagulat ako sa nabasa ko. Totoo talaga 'to? Napaatras ako at napansin iyon ni Min Suek.

"Dude, anyare?" Pinasa ko sa kanya yung scroll para mabasa niya yun ng mabuti. Kung gaano ako ka-shocked ay ganun din ang naging reaction niya. Dalawa na kaming hindi makapaniwala. Kinuha naman ni Jojo ang scroll at binasa niya ito silently. Biglang lumaki ang kanyang mga mata. Nabitawan niya ang scroll at napahawak sa kanyang dibdib.

Singhap

"I'm gonna..." Napaatras siya at medyo tumihaya ang katawan niya ng mga 20 degrees.

Another gasp...

"I'm gonna..." Tumihaya na naman siya ng mga 45 degrees sabay sabing...

"I'm gonna...die!" Tuluyan na siyang tumahaya sa floor.

Pfft..

Pfft...

Pfffffttttt...

"Ahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!" Biglang tumawa sina Theo, Min Suek at Glynn. Habang kaming lahat ay nakatitig lang sa kanilang apat na parang nababagot.

"Okay na sana Brad eh." Biglang humikbi si Red.

"Oo nga, Brad! Okay na dana yun eh!" Humikbi na naman si Zayn.

"Brad, sana hindi ka nalang unakto ng ganun? Nawala respeto namin sa 'yo eh." Tinapik-tapik ni Lenard yung balikat ni Jojo.

Binatukan ko silang walo.

"Mga baliw! Para kayong mga tanga." Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad. Biglang sumigaw si Min Suek.

"Brad! Alam mo? Ang KJ mo." Sinundan niya ako at inakbayan. Sumunod naman sa amin ang iba pa naming mga kasama.

*********
(Sa loob ng Mimp Bar)

Jae Min's P.O.V

Kasalukuyan kaming nag-pa-party party dito sa Mimp Bar. Suki na namin ang bar na ito. Dito kami kadalasang naglalasing pag may napanalunan kaming mga battle. At dahil nga ay nanalo kami sa Grand Battle ay nag-celebrate kami.

"Wooh! 2 years in a row! Congrats sa ating lahat!" Sigaw ni Theo. Ang hilig talaga nitong magsisisigaw. Pero hinayaan ko na lang. Today is our day.

"Bukas na bukas din ay sisimulan na nating linisin yung warehouse na napanalunan natin." Oo! Warehouse ang premyo namin. Hindi lang isang warehouse kundi tatlong warehouse. Kung tutuusin pwedi naman kami bumili ng maraming warehouse eh, kaso iba tong warehouse na ibinigay nila. Ito yung nga warehouse na ni-surrender ng ibang mga gang groups. Ibig sabihin, unti-unti nang lumalaki ang teritoryo namin. Hindi na kami mahihirapang magtago sa kung saan.

"Pare, pwedi bang sa susunod na araw na lang? Malamang half-day pa tayong may hangover bukas." Ay oo nga nu? Hindi ko naisip yun. Natamaan na siguro ako sa iniinom namin. Haha!

"Okay sige, the day after tomorrow we will going to clean all the warehouses that the admin. Gave us."

"Yun oh!" Nagsigawan naman lahat.

"Inom pa tayo!" Sigaw ko.

"Waiter! Waiter!" Agad namang lumapit sa amin yung waiter. "Isa pa ngang tower diyan." Utos ko sa kanya.

"Yes, sir. Right away, sir." At umalis ito agad sa aming harapan.

Sa kabila ng pag-pa-party party namin ay may lumapit sa aking tatlong babae.

"Honey, kanina pa kita tinatawagan di mo naman sinasagot." Nag-pout siya sa akin at saka pinulupot yung kamay niya sa braso ko.

"Wooh! Honey pala ha?" Nagsitawanan naman silang lahat. Anak ng pusa! Ba't andito 'tong mga to?

"Dude, pakilala mo naman kami sa kanila." Sabi ni Flynn. Hay! Napakababaero talaga ng lalaking ito.

"Guys, si Sharlene Kang." Pakilala ko sa kanila. I don't mind introducing my men to her, kilala naman na sila sa school kasi palagi kaming bida doon.

Biglang hinila ni Daryll yung isang kasama ni Sharlene. Napaupo ito sa kanyang lap at saka pa ito kinausap. Langya! Aksyon agad eh!

"I don't need to know your name as long as tonight, your my babes." Malanding sabi ni Daryll doon sa babae.

"Wooh! Ang korni mo Brad! Umuwi ka na. Uwi!" Sabi ni Min Suek. May pagka-bitter kasi 'to palibhasa walang pumapatol na babae sa kanya. Epic lumandi eh. :D

"Tol, ikaw ka'mo yung umuwi kasi hanggang ngayon wala pang nagkamaling pumatol sa 'yo." Daryll retorted. Naghiyawan naman silang lahat at kinantsawan si Min Suek. Kawawang nilalang. Tsk tsk tsk.

"P're uwi na ako." Pamamaalam ni Jojo. Kung ako ang KJ, mas KJ 'to. Haha!

"Super KJ mo naman Jojo. Maya ka na umuwi. 2 AM pa oh!" Binatukan naman siya ni Jojo at saka sinabing 'F*ck you, dude!' Uuwi na din sana ako kaso palagi naman akong hinihila nitong si Sharlene.

"Oppa, wag ka munang umalis. Dito muna tayo." Naka-pout pa siya habang nagsasalita. Kinuha ko ang kamay niya para kumalas na siya sa pagpupulupot ng kanyang kamay sa braso ko.

"I'm sleepy. Kung gusto mo dito, maiwan ka." Akmang tatayo na sana ako ng hinila na naman niya ang kamay ko. Hinimas-himas niya yung daliri niya sa braso ko

"Your place or my place?" Ngumisi naman ito at saka ni-bite yung lower lip. Napa-smirk ako sa ginawa niya. It's time to party harder baby! Haha!

----------------------------------
Hanggang 6 chapters lang po update ko for now, wala na po kasi akong maisip eh hehe. Next time na lang po yung iba. Sisikapin kong makapag-update ng 3-4 chapters. Abangan niyo po ang next chapter. May babalik po. Promise :)


The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon