Dae Eun's P.O.V
Nasa classroom namin ako ngayon at nagmamasid lang sa tabi-tabi. Habang hinihintay ko si Vyeil bigla na lang tumunog 'yung telepono ko.
"Aiissshhhh! Ano na naman kaya kailangan nito?" Inis na bulong ko sa sarili.
Lumabas muna ako saglit at naghanap ng lugar-- kung saan walang makakarinig sa pag-uusap namin.
Nang matiyak ko na wala na ngang tao na pwedi makarinig sa 'kin saka ko sinagot 'yung telepono ko.
"Hello, Prime? Napatawag ka?" Tambad ko sa kanya.
"Gusto ko lang malaman kung ano nang update dun sa pinagawa ko sa'yo." Malumanay pa niyang sabi sa 'kin.
"Inaabangan ko pa siya dito sa school namin. Wag kang mag-alala Prime malapit nang mangyari 'yung gusto mo." Bagot kong sagot sa kanya.
"Siguraduhin mo lang Black Nemertine. Ayokong pinaghihintay masyado. Alam mo naman siguro 'yun di ba?" Diniinan pa niya 'yung pangalan ko--screen name ko sa grupo--para masiguro nga niyang gagawin ko talaga 'yung gusto niya.
Nagtataka lang ako kung bakit nga ba si Vyeil 'yung gustong-gusto niyang i-recruit ko sa grupo namin eh alam na alam naman niyang hindi nakikipag-away si Vyeil? Siya nga 'yung palaging inaaway dito sa school.
Hindi na ako nakatiis. Humugot muna ako ng lakas para tanungin siya tungkol sa bagay na 'yun.
"Prime, bakit ba gustong-gusto mong ma-recruit si Vyeil sa grupo natin? Eh, alam naman nating lahat na hindi siya lumalaban."
"Wag mo nang alamin pa Black Nemertine. Sige na hanapin mo na si Vyeil." Utos niya sa 'kin saka nagbaba ng telepono.
Napakamot na lang ako nang malakas sa ulo ko sabay sigaw.
"Nakakainis!" Inis kong sabi at nagsimula nang maghanap.
Vyeil's P.O.V
Papunta pa lang sana ako sa silid-aralan nang masagap ng mga mata ko ang isang lalaki na palingon-lingon sa paligid niya. Na para bang chine-check niya kung may tao ba na malapit sa paligid niya.
Nagtago sa ako sa isang malabong halaman sa 'di kalayuan. Inaninag ko 'yung mukha ng lalaki.
Napasinghap ako nang makita kong si Dae Eun pala 'yung lalaking may kausap sa telepono.
"Sino kayang kausap niya? At bakit parang ayaw niya na may makarinig sa pag-uusap nila?" Mahina kong tanong sa sarili.
Baka ayaw niya lang talaga na may nakakarinig na ibang tao pag may kausap siya sa phone?
Tama! Baka nga ayaw niya ng ganun? Tinango-tango ko pa 'yung ulo bilang pagsang-ayon sa sagot ko sa sarili ko.
Pero parang may mali eh. Di ko matanto kung ano pero parang---ay ewan!
Tatayo na sana ako nang marinig ko 'yung pangalan ko.
Huh? Ba't napasali ako sa usapan nila? Dali-dali akong pumuwesto ulit para mag-eavesdrop.
Pero di ko marinig masyado 'yung pinag-uusapan nila kasi 'yung humina ulit 'yung boses ni Dae Eun eh. Para na tuloy siyang bubuyog sa boses niyang iyon.
Tinignan ko na lang 'yung galaw niya. At ilang sandali pa lang ay nakita ko siyang nagkakamot sa ulo niya na parang inis na inis.
Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo para di niya ako makita.
At nang makarating na ako sa may dulo, dun ko na naisipang magtatakbo papunta sa classroom namin.
Dali-dali akong umupo sa upuan at inayos agad ang sarili na parang normal lang na gawain.
Naiwaksi ko din kaagad sa isip ko 'yung nangyari kanina sa may hardin nang dahil sa kasipagan ng mga kaklase ko. Ang kasipagang magpalaganap ng tsismis dito sa mundo.
Tahimik lang akong nanonood sa mga kaklase ko hanggang sa nagsi-uwian na kaming lahat.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...