Chapter 16: The Winner Takes It All

64 1 0
                                    

Jae Min's P.O.V

Habang pauwi ako sa bahay, di ako mapakali kasi lagi akong kinukulit ng aking isipan. Di talaga ako makapaniwalang magaling pala si Theo sa car racing. Di naman kasi halata eh. Noong una, na-knocked out niya si Geovy. Ngayon naman, huh! Wow! May tatlo na akong napili isasama ko sa Grand Battle.

Napansin kong nag-vibrate ang phone ko. Ni-slide ko ito at ni-loud speak.

"Dude, ngayong nakita mo na'ng mga ability nila may napili ka na bang isama natin sa GB?" Tanong ni Daryll sa 'kin.

"May naisip na ako pero kulang pa din ng tatlo. Pag-iisipan ko pa yung tatlong isasama natin." Sagot ko naman sa kanya.

"Okay! So, ano nang susunod nating gagawin?" Tanong niya ulit.

Napaisip ako saglit saka nagsalita.

"Pahinga muna tayo. Call them all. Sabihin mong pumunta sila sa Mimp Bar at exactly 7pm." Magpapakasaya muna kami sa ngayon kasi mahirap na ang pagdadaanan namin sa mga susunod na araw.

"Got it!" Sabi ni Daryll at saka pinatay ang call.

Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan para naman makapagpahinga ako saglit.

*************
Ju In So's P.O.V

(Now jamming at the Mimp bar)

(Background music: Goin' Down For Real by Flo Rida)

Kasalukuyan kaming nag-iinuman dito sa Mimp bar kasama lahat ng miyembro ng gang. Ang ilan sa kanila ay nagsasayaw na sa dance floor, ang iba naman ay nakikipaglandian sa mga sossy chics, at ako naman ay nandito lang sa gilid ng couch at nagmamasid lang sa paligid. Alam ko namang mag-enjoy pero wala ako sa mood ngayon. Nilibot ko lang ang aking paningin hanggang sa may napansin akong isang lalaki na nakatingin sa direksyon namin. Di ako nagpahalata at nagpatuloy lang sa pagmamasid. Nilingon ko siya saglit at nakikita kong nakatingin pa din siya sa 'min. Hindi ako nahahalatang nagmamasid lang kasi medyo dim dito sa kinauupuan ko.

"Guys, let's toast again for Theo. Dahil sa ipinamalas niyang galing sa mga nakaraang araw." Sabi ni Daryll habang nakataas ang kamay niya na may hawak na basong may lamang alak. Nagsigawan naman ng "kampai" itong mga kasama ko. Hayy, lasing na ang karamihan sa amin. Tinignan ko lang sila at nagpatuloy na naman sa pagmamasid. Nakita ko ulit na nakatingin pa din yung lalaki sa kinaroroonan namin. Hindi na ako nakapagpigil pa. Pinuntahan ko siya sa may counter.

"Dude, napansin kong kanina ka pang nakatingin sa amin. May problema ba?" Straight kong tanong sa kanya.

"H-hah? A-ah wala yun. Naaaliw lang kasi kayong tignan." Tumawa siya ng mahina. Halatang kinakabahan siya.

"Ow. So, why not join us? Total ikaw lang naman mag-isa dito. I mean, kanina pa kitang nakikitang nag-iisa lang dito." Pag-aya ko sa kanya. Pinilit ko lang ang sarili kong maging cool para iwas na sa gulo.

"Ah, wag na. Okay na ako dito." Sagot naman niya sa kin habang nakangiti. Pipilitin ko nga sana siya ulit kaso dumating naman si Jason at sumingit sa aming usapan.

"Baster, a-ano pog nagyayari dito?" Sambat ni Jayson. Di ako agad nakasagot kasi inalisa ko pa ang sinabi niya. Di ko kasi agad maintindihan. Ngayon lang naman kasi ako nakapag-usap ay nakasama ang isang taong ngongo.

"Ah, wala. I was just inviting him to join us since siya lang naman dito mag-isa sa counter." Sagot ko sa kanya. Finally, naunawaan ko din yung sinabi niya.

"Ah, Baster, by da way, siya po si Eric kaibigad ko. Eric, siya si Baster Jojo, kasaba ko sa gag." Pagpapakilala ni Jayson sa amin.

Hindi naman ako kaagad nakapag-react sa sinabi kasi ina-analyze ko pa kasi. Naintindihan ko lang yung sinabi niya nung inabot ni Eric yung kamay niya para makipag-shake hands. Inabot ko naman ito at nagpaalam na sa kanila. Bumalik ako kaagad sa kinauupuan ko at uminom na ng alak.

Jason's P.O.V

"Pare, ano ka ba? Mapaghahalataan ka na niyan eh." Kinausap ko na nang maigi 'tong kaibigan ko kasi kanina pa pala siyang nakatingin sa amin. Sinabi din kasi niya sa akin na pinapapunta siya ni Boss dito para magmasid. Hindi ko naman sukat akalain na ganito pala ang paraan niyang magmasid. Arghh! Maloloka ako sa kaibigan kong 'to.

"Oo na, sige na. Di na ako titingin sa inyo sa malapitan. Doon nalang ako sa bobong magmamasid." Sabi niya sa akin.

"Paano ka makakamasid niyan kung nasa bubungan ka? Baliw ka talaga." Paglelecture ko sa kanya.

"Eh bobo ka pala eh!" Bigla niyang sabi sa 'kin.

"Ano?! Ako? Bobo? Sapak gusto mo?" Aba ginagalit na ako ng isang to eh. Uupakan ko na 'to pag di 'to tumigil.

"Shh! Lower your voice! Baka nakakalimutan mong ngongo ka sa paningin nila!" Pagsasaway niya sa akin.

"Eh, ikaw kasi eh!" Pagsusumbat ko sa kanya.

Tumawa siya ng kaunti at sinabing, "Joke lang yun. Ano ka ba? Nadala lang ako kanina." Pagpapaliwanag naman niya.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Sige na, balik na ako dun. Mag-iingat ka." Pagpapaalam ko.

"Bye, Bibi." At tumawa siya nang nakakaloko. Naiwan naman akong napanganga.

Ju In So's P.O.V

Habang nag-uusap ang dalawa ay di ko napigilang tignan sila. Para silang nag-aaway na ewan. Pero isa lang ang masasabi ko kay Jayson. May something talaga sa kanya na mali. Di ako titigil hanggang di ko napapatunayang isa siya sa amin. Nawaglit saglit sa isip ko ang pinag-iisip ko nang magsalita si Jae Min.

"Guys, naalala niyo ba yung time na pumusta ako kay Theo?" Tanong ni Jae Min sa amin. Oo! Sa amin. Kasali din ako. Di nga lang halata dahil sa pagmumukmok ko dito.

"Nanghingi si Theo sa akin ng balato. Sabi ko sa kanya na kung ano yung mapapanalunan ng winner ay siya ring sa kanya. Pumayag siya. Pero ngayong siya din yung nanalo, napag-isipan kong ibigay iyon lahat sa kanya. He deserve it after all. Right?" Sabi niya habang nakataas ang kamay na may hawak na isang baso ng alak at nakaakbay naman ang isang kamay kay Theo. tsk! Lasing na nga talaga ang mga ito.

"Toast tayo dahil panalo ako!" Sigaw ni Theo habang nakataas ang dalawang kamay. Nagsigawan naman silang lahat. Hay! Mga baliw!

Napakunot ang noo ko nang napalitan ng old music ang kanina'y up beat music. Pinatugtog ng dj ang isang music entitled, "The Winner Takes It All" by Abba. *sigh* Napailing nalang ako.

Nagulat naman ako ng biglang may humablot sa kamay ko at dinala ako sa dance floor. Napansin kong nasa dance floor na din pala lahat ng kasama namin. Kahit nagsasayaw sila ay di ako nadala. Nakatayo lang ako sa dance floor habang halos pagulong-gulong na sa kalasingan itong si Min Suek at Glynn sa sahig. After nang pagwawala nilang lahat sa bar ay nakauwi naman nang maayos kaming lahat. Ewan ko kung paano nila minaneho ang sasakyan nila basta ako ayos lang akong nag-drive sa sasakyan ko.

Habang nakahilata ako sa kama ko, nag-iisip ako ng mga bagay-bagay tungkol sa nalalapit naming GB. Di pa din sapat yung training na ginawa namin nung nakaraang mga araw. Malaking battle ito at kailangan talagang paghandaan.

Sa pag-iisip ko ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

----------------------------------
Guys, I don't know kung naiisip niyo ba o di kaya'y nagtaka kayo kung bakit nakakapag-bar at nakakapag-inom ng alak ang mga karakter sa story ko? Well, fiction naman ito kaya okay lang naman siguro kung magpakamatay sila sa pag-inom nu? Haha. Ang sama ko. Pero seryoso, fiction po ito kaya wav na po kayo magtaka okay? :)


The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon