Chapter 13.3: U.S' Training

112 5 0
                                    

Jae Min's P.O.V

5:30 pa lang ng umaga nang makarating ako dito sa T.A 3. Nag-stretching na muna ako habang hinihintay ang mga kasama ko.

After 15 minutes ay unti-unti nang nagsidatingan yung iba. Agad naman silang nag-stretch ng katawan nila. Yung iba naman nag-jogging lang sa loob ng training area.

Nang makompleto na ang lahat ay agad na akong nagsalita.

"At dahil kompleto na tayo pwedi na tayong magsimula. But before that, I would like to divide you into 4." Paunang salita ko sa kanila.

"Sherwin, Jeffrey, Yenox and Theo, you are going to train with Ju In So."

"Yes Master!" Sagot naman nilang apat.

Nagtipon-tipon naman kaagad ang lima sa gilid.

"Edwin, Jason, and Geovy. The three of you will join Daryll and Min Suek."

"Yes Master!" Sagot naman nilang tatlo.

Hinintay ko muna silang magtipon-tipon at saka nagsalita ulit.

"Shawn, Marvin, and Lesther. Doon kayo sasali kina Glynn and Flynn."

"Yes Master!" Sabay-sabay nilang sagot sa akin.

"Lenard, Zayn and Red. Come with me."

"Yes Master!"

Paalis na sana kaming apat ng may bigla akong naalala.

"Wait! May tatlong oras lang pala kayo sa pag-te-train. Afterwards, we'll have sparring. Got it?" Sigaw ko sa kanila.

"Yes Master!" Sabay-sabay nilang sagot sa akin at saka na kami umalis para magensayo.

*************
Sa loob ng tatlong oras, tinuruan ko lang sila ng mga techniques. Na-master naman nila ito kaagad kaya naging madali lang sa amin ang training.

Pagkatapos ng tatlong oras ay agad na kaming nagtipon-tipon sa gitna ng area para mag-sparring.

"Nabanggit ko sa inyo kanina na magkakaroon tayo ng sparring, right?" Tanong ko sa kanila.

"Yes Master!" Sabay-sabay namang sagot nila sa akin.

"Sa puntong ito, hindi lang ordinary sparring ang magaganap dito." Huminto muna ako sa pagsasalita para suspense. Haha!

Nakita ko namang nakakunot-noo ang lahat maliban kay Jojo. Alam kong nakuha niya yung gusto kong iparating sa kanila. Kaya nagpatuloy na ako sa pagsasalita.

"Kailangang maglaban-laban ang lahat ng teams. Ibig sabihin, makakalaban ninyo ang lahat ng team, kabilang na doon ang team ko." Nakita kong napasinghap ng hininga yung ngongo at si Theo. Lihim naman akong napangiti ng dahil dun. Nababasa kong takot silang kalabanin ako kasi ako yung leader nila. Well, galingan na lang nila kasi hinding-hindi ko sila uurungan. *evil laugh*

"Dapat nating hatiin sa dalawang bracket ang grupo. Ju In So and the twins' team will be in Bracket A. Darryl and Min Suek together with my team will be in Bracket B." Huminto muna ako sandali kasi hinihingal na ako sa kakasalita. :D

"Lahat ng mananalo sa Bracket A at Bracket B ay dapat na maglaban sa isa't isa. Isa lang ang dapat n'yong gawin para manalo. Kailangan niyo lang mapatumba ang kalaban. Kaya, let the battle begin." Masiglang sabi ko sa kanila.

Agad namang nagsipili yung mga leader ng team ng unang ipapalaban nila.

At nang makapili na sila ay agad na silang nagpunta sa ring.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon