Chapter 25: Her Plan

77 0 0
                                    

This chapter is again, dedicated to ReyzzaLeahPats. Keep voting dear readers :)

Vyeil's P.O.V

Isang linggo na ang nakalipas mula nung pagpapakyut na ginawa ni Jae Min sa akin doon sa club. At isang linggo na din ang nakalipas but still, kinukulit pa din niya ako gaya nung English class namin.

Flashback

Limang minuto. Limang minuto na ang nakakaraan pero wala pa din si Teacher Yna. Papasok pa kaya yun? So far ngayon pa lang kasi siya na late eh. Isasalpak ko na sana yung earphone ko sa tenga ko ng may asungot na tumabi sa akin.

"Good morning, babe." Ngiti niyang bati sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Tuluyan ko nang sinalpak yung earphone ko sa tenga ko ng hinablot niya ito.

"Ano ba? Ang aga aga nang-iinis ka na!" Inis na baling ko sa kanya.

"Alam mo kasi babe, isang linggo na akong nagpapakyut sa 'yo pero binabalewala mo lang." Sabi niya.

Tinignan ko lang siya sa mga mata niya at sinabing, "Ano ngayon? Get lost." Walang kabuhay-buhay na sagot ko sa kanya.

"Babe, never pa akong tinanggihan ng mga babae kaya alam kong...bibigay ka din *smirk*" Confident niyang sabi sa 'kin. Kaya ang ginawa ko, sinampal ko siya at saka ko tinalikuran. Sinalpak ko ulit yung earphone sa tenga ko at nagpa-music kaagad ng nasa maximum ang volume. Naasar siya sa ginawa ko kaya umalis siya sa tabi ko at saka sumigaw, "Bibigay ka ding babae ka. Shit!"

Pagkatapos nun ay umalis na siya kaagad ng room.

End of flashback

Tingnan lang natin kung sino'ng mananalo sa ating dalawa Jae Min. Hindi na ako ang Vyeil noon na mahina at nagpapaapi lang. Malakas na ako ngayon. Malakas pa kaysa sa inaakala mo. *smirk*

Patungo ako ngayon sa garden na tambayan naming magkakaibigan. Second period sana namin ngayon pero since wala ang mga teachers ngayon dahil may nagaganap na conference with the board members at pati na din ng chairman ng school na ito.

Malapit na ako sa garden. At tanaw na tanaw ko na sina Sandara, Bom, Minzy, at Dae Eun. Kumaway agad na ako sa kanila at nagmadaling lumapit sa kanila.

"Saya mo ata ngayon ah?" Bungad na tanong sa akin ni Sandara.

"Wala lang. Masaya lang talaga ako ngayon." Pagsisinungaling ko sa kanila. Pero knowing Sandara, alam kong alam niyang nagsisinungaling lang ako sa kanila.

"Talaga girl? Parang may iba pa atang nangyari eh. Ano ba yon?" Sabi na eh. Wala talaga akong kawala sa babaeng 'to. Tinignan ko lang siya ng ikukwento-ko-sayo-mamaya look. Gets naman na niya iyon kaya hindi na niya ako ulit tinanong.

Tinignan lang kami ni Dae Eun. At maya-maya'y nagtanong na din siya.

"Ginugulo ka na naman ng gagong yun? Sabihin mo lang gugulpihin ko yun kaagad." Concern na tanong sa akin ni Dae Eun.

Napapatawa lang ako ng palihim kapag ginagawa niya yun sa akin eh. Feeling ko safe ako pag and'yan siya. At saka masaya ako kapag kasama ko siya.

At para naman mabawas-bawasan na yung pag-aalala niya sa akin ay sinagot ko na lang yung tanong niya.

"Hindi na masyado." Pagsisinungaling ko ulit.

"Yung totoo?" Tsk! Panira talaga tong si Sandara paminsan-minsan eh. Alam na alam kung kailan ako nagsasabi ng totoo.

"Sige na nga. Oo, kinukulit pa din niya ako pero wag na kayong mag-aalala may plano na ako. *smirk*" tinignan lang nila ako na parang sinasabi nilang 'Hoy ano yang balak mo ha?'

"Malalaman niyo din soon. Pero for now may gagawin lang akong game na alam kong ikasasaya niya sa ngayon." Sabi ko habang panay ang smirk ko sa kanila.

"Eh, bakit ngayon lang siya masisiyahan?" Tanong sa akin ni Minzy. Sasagot na sana ako kaso may idinagdag pa siya sa tanong niya.

"Bakit di mo na lang itodo at pasayahin siya forever?"

"Aray! Ano ba oppa? Nakakilang batok ka na sa 'kin ngayong araw ha? And to think na morning pa lang ngayon. Mamaya niyan mawalan na ako ng ulo sa kakabatok mo." Pagrereklamo niya kay Dae Eun habang hinimas-himas yung ulo niya. Kawawang bata. Tsk3x

"Ngayon lang niya iyon ikakasiya kasi sa kalaunan magiging mitsa na yan ng buhay niya." Pagpapaliwanag ko sa kanya habang nag-i-smirk.

"Ah, kaya pala." Tumango-tango lang si Minzy.

"So ano ang ibig mong sabihin diyan sa sinabi mo?" Curious na tanong ni Dae Eun sa akin.

Hindi ko muna siya sinagot, bagkus ay nag-hum lang ako para suspense. Haha!

"I will make him fall in love with me." Seryoso kong sabi sa kanila. Bigla namang umurong ng konti si Dae Eun at umiiwas din siya ng tingin. I'm sorry Dae Eun pero ito lang 'yung pwedi kong gawin sa kanya ngayon, sa paghihiganti ko.

"Papa'no naman si Dae Eun niyan, Vyeil?" Bull's eye na tanong ni Bom sa akin. Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Dae Eun, revenge lang ito. Kaya wag kang mag-aalala. Sa'yung-sayo lang ang puso't isip ko." Seryoso kong sabi sa kanya. Hoping na gagaan kahit papaano ang nararamdaman niya ngayon.

"Wala na ba talagang ibang paraan, Vyeil? Delikado yang ginagawa mo eh." Dae Eun

Tinignan ko lang muna siya at saka sinagot. "Isa lang 'to sa mga plano ko. Habang hindi nagagawa yung isa ko pang plano, edi ito na muna yung gagawin ko sa ngayon."

"Pwedi kang mapahamak diyan sa gagawin mo. Alam mo yun di ba?" Tanong ulit sa akin ni Dae Eun.

"Mag-iingat naman ako eh. Tsaka planado naman na itong lahat eh. Kaya wag ka ng mag-alala, okay?" Pag-aasure ko sa kanya.

"Okay sige, basta pag nagkaproblema itawag mo sa akin o sa amin kaagad ha?" Kinuha niya yung kamay ko at hinigpitan niya pa lalo yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tinanguhan ko lamang siya at maya-maya'y nagsalita na si Sandara.

"Bro, don't worry kaklase ko siya sa lahat ng subjects kaya mababantayan ko 'yan at saka hindi ako papayag na hindi kayo ang magkatuluyan." Pag-aasure ni Sandara sa kapatid niya. Ngumiti lang sa kanya si Dae Eun.

"Alam mo ang adik mo talaga." Pinalo ko ang braso ni Sandara. Agad naman siyang napa 'ouch' sa ginawa ko.

"Hmm. Gutom na ba kayo? Tara snack na muna tayo sa cafeteria." Pag-aya ni Dae Eun sa amin.

Tumayo naman kami kaagad kasi gutom na din kami at para matakasan na din namin ang awkward na aurang nakapalibot sa amin ngayon dito sa garden.

-----------------------------------------
May naisip lang ako kagabi kaya dali-dali ko 'tong na-type. Haha! Keep reading, voting, and commenting about my story. :)

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon