Chapter 28: Her first move

41 0 0
                                    

Para sa iyo ang chapter na 'to LizaSoberanoGil :)
Vyeil's P.O.V

Simula nung niyaya ako ni Jae Min ng date ay araw araw na itong nagbibigay ng bulaklak. Noong isang araw binigyan niya ako ng isang bouquet ng rosas. Kahapon naman ay tatlong piraso ng tulips. At ngayong araw naman ay may biglang nagbigay sa akin ng limang piraso ng white roses. Ang sabi ng lalaking nagbigay sa akin ay nanggaling daw ito kay Jae Min. Agad sumilay sa aking mukha ang isang pilyang ngiti.

"Ganyan nga Jae Min. Just fall in love with me." Mahinang bulong ko sa sarili ko habang hinahaplos-haplos ang mga petals ng rosas.

"From him again?" Tanong ni Sandy sa akin habang naka-smirk. Tinignan ko siya habang naka-smirk din.

"Yeah." Tipid kong sagot sa kanya.

"So, ano nang plano mo ngayon?" Pasimpleng tanong niya. Napa-isip muna ako sa isasagot ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam kung effective ba 'tong naiisip ko ngayon." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

Nakakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Bakit? Ano bang plano mo?" Nakakunot pa din ang noo niya habang ako naman ay nag-inhale exhale muna bago siya sinagot.

"Alam kong magugustuhan mo 'tong naiisip ko. Pero kailangang-kailangan ko ng tulong niyo para maisakatuparan ang planong ito." Bakas pa din sa mukha niya ang ang pagkalito sa sinabi ko. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at saka ko binulong sa kanya ang plano ko. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang plano ay bigla na lang kumislap ang kanyang mga mata at kitang-kita sa mga ngiti niyang excited siya sa planong sinabi ko sa kanya. Agad kaming nag apir at nagtawanan.

Jae Min's P.O.V

"Ano? Naibigay mo na ba sa kanya?" Kausap ko ngayon ang taong pinakisuyuan ko para ibigay kay Vyeil yung white roses.

"Yeah." Tipid niyang sagot.

"Anong sabi niya? Anong reaksyon niya?" Medyo may excitement sa tanong ko na iyon. Simula nung nakipag-date ako sa kanya ay araw araw ko na siyang binibigyan ng bulaklak. Hindi ako ganito sa mga babae. Sa kanya ko lang ito ginawa. Hindi naman kasi siya easy girl kaya nag-effort akong ligawan siya. Isa lang naman ang gusto ko. Ang makuha ko ang loob niya. Yun lang at wala ng iba.

"Ngumiti po siya't nagpasalamat." Bigla akong natigilan doon sa sinabi ng lalaki. Yun lang yun?

"Yun lang?" Tanong ko ulit.

"Opo. Yun lang po."

"Wala siyang sinabi na kahit ano?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala po." Tipid niyang sagot.

"Sinabi mo bang galing sa akin ang mga yun?" Medyo tumaas na ang tono ng boses ko dahil sa naiinis na talaga ako.

"Opo. Sinabi ko pong galing sa inyo yun. Kinuha niya lang po ito at saka ako pinaalis na wala man lang sinabi." Paliwanag ng lalaki sa akin.

Naaasar na ako sa babaeng yun. Ilang araw ko na siyang sinusuyo tapos wala man lang reaksyon o sinabi? Di ko na 'to kaya!

"Sige, makakaalis ka na." Umalis naman ang lalaki habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Okay. That's it! Ayoko na! Sino naman siya para suyuin ko pa ng todo? Huh! Di ko to palalampasin. Malalagot na talaga siya sa 'kin. Arghhh!" Pinagtutumba ko ang mesa at upuan dito sa tambayan namin sa school.

"Uy P're tama na yan." Saway sa akin ni Jojo.

"Oo nga, Dude. Sumuko ka na lang kasi!" Biglang sambat naman ni Flynn.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon