Chapter 13.1: Meet The New Recruits

169 6 0
                                    

Gusto ko lang pong mag-sorry kasi matagal , po akong walang UD. Busy po talaga ako sa paggawa ng mga school requirements kaya pasensya na po talaga. At tsaka I have announcements to make pala. Yung chapter 13 po ay nadagdagan ng tatlo pang parts. Nagdesisyon po akong ipagsama yung 4 chapters kasi napag-isip-isip kong part lang din pala ng preparations yung 3 chapters kaya ginawa ko nalang po ay pinagsama yung 4 chapters. Yun lang po :)

Jae Min's P.O.V

*sniff*

*sniff sniff*

*sniff sniff sniff*

*sniffffffffffffffffffffffffffff*

Ahhhhhhhhhhhhhhh!

"Yummy!"

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko at sinisinghot ang napakasarap na amoy ng pagkaing di ko naman alam kung ano. Sinundan ko lang ito sa pamamagitan ng pag amoy-amoy lang.

Pagkadating ko sa kusina ay agad akong nakita ni yaya Bening at inanyayahan akong mag-almusal. Naglagay siya ng place mat at ipinatong ang plato, kutsara, tinidor at table napkin. Kinuha ko ang table napkin at inilagay ito sa lap ko. Kasunod niyon ay nilagyan niya ng ulam at kanin ang aking plato. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya. Nginitian niya lang ako bilang tugon sa sinabi ko.

Si yaya Bening ay isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay. Siya din yung nag-alaga sa 'kin nung bagong panganak pa lang ako. Namatay kasi ang mama ko nung iniluwal niya ako. Ang Daddy ko naman ay busy sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo kaya si yaya Bening na lang ang nag-alaga sa 'kin.

Kahit marami kaming maids dito sa bahay, si yaya Bening lang ang ni-a-allow kong magluto ng mga pagkain ko. Pati na rin sa paghahanda ng mga gamit ko. Siya lang at wala ng iba. Itinuring ko na siyang parang Mama ko at ganun din siya sa akin. Itinuring na din niya akong parang tunay niyang anak.

"JaeJae, anak. Ubusin mo 'tong niluto ko ha? Para sayo lang lahat nang ito." Sabi niya sa 'kin.

Nagtataka kayo kung bakit JaeJae ang tawag niya sa 'kin? Yun lang yung gusto niyang itawag sa 'kin. Okay lang naman sa 'kin yun kasi siya lang naman tumatawag sa kin nun. At tsaka masarap pakinggan pag tinatawag niya ako sa ganyang pangalan.

"Opo, yaya. Uubusin ko po 'tong lahat." Masigla kong sagot sa kanya.

"Wag po kayong mag-alala, yaya. Kahit na masira pa tong abs at biceps ko sa katawan ay okay lang, basta ikaw ang nagluto. *raising my thumbs up* Walang problema." I added.

Nag-smile lang siya sa 'kin nun sabay sabing, "Nako ikaw na bata ka binobola mo na naman ako." Pagkatapos nun ay ni-pinch niya yung left cheek ko. Natigilan lang kami nung may biglang sumugod sa mesa.

"Oo nga yaya Bening. Super sarap kasi ng mga niluluto niyo kaya nawawala abs ko eh. ^____________^" Sabat naman ni Min Suek.

Tsk! Kahit kailan talaga 'tong si Min Suek. Kapag pagkain na ang pinag-uusapan 'di talaga nagpapahuli. Tsk3x.

Habang tinitignan kong lumalamon si Min Suek, biglang tumunog 'yung phone ko.

Agad ko itong sinagot nung nakita ko na si Daryl pala ang caller.

"Oh Daryl? Aga mo namang tumawag? What's up?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Wala. Ipaparemind ko lang sanang ngayon ang araw ng meet up natin sa mga baguhan." Daryl

"Psh! Ni-reremind pa ba 'yan?" Ako

"Asus, if I know kakagising mo nga lang siguro." Daryl

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon