Chapter 18: The Grand Battle Part 1

66 0 0
                                    

Jae Min's P.O.V

Eto na ang pinakahihintay naming lahat. Ngayong araw na magsisimula ang Grand Battle. Andito na kaming lahat sa warehouse na pag gaganapan ng event. Andito na din lahat ng mga grupong sasali sa GB. I think 7 groups yung maglalaban ngayon including our group.

Nagsalita na ang announcer. Nakinig lang kami ng maigi sa kanya. Sa kalagitnaan ng kanyang speech ay ni-recognize niya isa-isa yung groups na kasali sa event. Una na niyang tinawag ang limang grupo. Sunod niyang tinawag ay yung nakakuha ng second place last year. Tinignan naman nila kami ng masama. At dahil wapakels yung grupo ko, lahat kami ay nagbigay lang sa kanila cold stares. Nang tinawag na nila yung grupo namin ay agad na nagready ang lahat. Kaso, nagsalita ulit ang announcer.

"Okay guys. The last but not the least, our 8th participant, the Dark Nemesis." Nagulat ang lahat nang i-announce yun ng announcer. Nagsipasok naman yung miyembro ng Dark Nemesis sa warehouse. Ang aangas ng mga dating nila. Akala mo kung sino. Huh? Kung makaasta naman sila kala mo sila yung pinakamalakas sa lahat. >,>

"Dude, kala ko ba di sila sasali sa GB this year?" Tanong sa 'kin ni Flynn. Ni-shrug ko lang yung shoulders ko as an answer to his question. Hindi ko din naman kasi inakalang sasali sila this year kasi ang bali-balita ay nagpunta sa ibang bansa yung ibang miyembro nila.

"Hayaan mo na lang yan sila. Basta concentrate lang tayo sa battle." Sabi ko kay Flynn. Nag-nod lang siya kaya nakinig nalang ulit ako sa announcer.

"Sa puntong ito, kailangan munang mabuwag ang grupo. Lahat ng Class A ay mag-i-stay muna sa isang warehouse, 20 kilometers from here. Lahat ng Class A ay sumunod na sa kanya." Tinuro niya yung lalaking nasa left side niya. Nagpaalam lang ako sa iba naming mga kasamahan at sumunod na din kami sa lalaking tinuro ng announcer kanina.

Min Suek's P.O.V

3

2

1

Go!!!!

Agad kaming nag-unahan doon sa mga vehicles na dapat naming gamitin para sa task. Papasok na sana ako sa van nang may humablot sa braso ko. Sinuntok ko siya kaagad pero nakaiwas lang siya. Sinuntok ko siya ulit gamit ang left hand ko. Yumuko lang siya kaya naman sinipa ko siya ng malakas. Napahandusay naman yung lalaki kaya sumakay na ako sa van. Tinawag ko silang lahat para sumakay na sa sasakyan. Binilisan ko ang pagmamaneho kasi may nauna na sa amin. Pagkadating namin sa may forest ay agad naming hinanap yung susi. Kailangan lang naming makakuha ng sampung susi. Ni-divide ko ang group namin into 3 groups para madali naming mahanap yung mga susi.

Pagkatapos naming makuha lahat ng susi ay agad na naming tinungo yung ware house kung saan nakatambay yung class A.

After 30 minutes ay narating na namin sa wakas yung warehouse.

Pagkababa namin sa sasakyan ay agad kaming sinalubong ng isang lalaki--yung facilitator ata tawag dun.

"Isa lang dapat sa inyo ang pweding pumasok sa loob. Kaya pumili na kayo ng miyembrong papasok doon." Sabi nung lalaking nag-facilitate sa amin.

Pagkalingon ko sa mga kasamahan ko ganito lang yung itsura nila.

>.>

<,<

(_,_)

"Aish! Ano ba? Akala ko ba TEAM WORK? Ba't kayo lang ang TEAM at akin lang yung WORK?" T__T ano ba 'tong mga hunghang na 'to? Hindi man lang ba sila naawa sa akin?

"Ikaw kasi yung nag-iisang Master dito sa grupo Master Min Suek, kaya ikaw na lang po ^____^" Ayy, walang hiya! Ba't ba kasi ako yung naiwan dito sa mga kumag na 'to? Bakit? T___T

"Master! Bilis na po! Andyan na po yung ibang grupo oh!" Tinuro pa ni Theo yung ibang grupo. Hay! Wala na talaga akong ibang choice kundi ang sumama na lang sa facilitator. Bago pa ako makalayo ay tinignan ko lang sila ng masama. Humanda kayo sa 'kin mamaya! Sigaw ko sa isip ko.

Bago ako makapasok sa loob ng warehouse ay pinasuot ako ng telang itim sa mata. Shit! Ano kayang gagawin ko kung wala akong makita? Arghhh!

"Kailangan mo lang hanapin yung leader niyo sa pamamagitan ng pagkapa sa katawan o mukha nila. Pag nahulaan mo na ang leader niyo, sigaw ka lang ng 'Hey' 3 times at saka mo ibigay sa kanya yung mga susi na nakuha niyo. You only have 1 minute to do that." Sabi nung facilitator.

"Ano? Hirap naman niyan! T___T pwedi naman silang sumigaw diba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pwedi. Naka-line up lang naman silang lahat doon kaya di ka mahihirapan. Kaso lang 5 meters ang layo nila kaya galingan mo nalang."

"Ano? Pusang gala! Ba't ang layo naman ata niyan?" Reklamo ko pa sa kanya.

"Ano ba? Gagawin mo o magpapatalo na lang kayo?" T_T wala na talaga akong ibang choice kundi ang galingan ang paghahanap sa kanya. Good luck nalang talaga sa akin :(

"Your time starts now!" Dali-dali akong lumapit sa unang tao sa hanay.

Kapa! Kapa!

"Ay hindi 'to si Jae Min. Pangit ng mukha eh!"

Kapa ulit

"Ay hindi din 'to si Jae Min. Madaming craters yung mukha eh. Tsk3x"

Kapa pa din ako ulit.

"Hala! Ang kinis ng mukha parang kay Jae Min. Siya na kaya 'to?" Kinapa ko ulit yung mukha niya. Parang hindi naman katangusan yung ilong niya. Proceed nalang muna ako sa iba. Balikan ko nalang 'to mamaya. Kinapa ko naman yung mukha ng isa pa. Aba! Makinis din, matangos yung ilong, pero nung kinapa ko yung damit niya parang nagduda ako na hindi siya yun kasi parang ang baduy ng suot niya eh. Nagpunta nalang ako sa iba kasi may feeling ako na hindi talaga yun yung suot ni Jae Min kanina. Nung kinapa ko yung mukha ng lalaking nasa harap ko ay bigla akong napamura. Shit na malagkit! Ang lagkit ng mukha! Eww! Agad kong ipinahid yung kamay ko sa damit nung lalaki at saka tumakbo sa kasunod na nasa hanay.

"25 seconds na lang." Damn! Iilan pa lang yung nakapaan ko ng damit at mukha eh! T_T

Tumakbo ako ulit para kapain yung kasunod. Hay! Ang hirap nito eh! Wala bang madaling task diyan? T_T

"10 seconds." Letse! Talaga 'tong buhay na 'to oh! Kinapa ko nalang yung damit nila kasi parang mas kabisado ko pa yung damit niya kesa sa mukha niya eh. T_T

5

"Shit! May dalawa pa. Tsk!"

4

3

Kinapa ko na yung last na tao sa hanay. Teka! Makinis yung mukha, matangos yung ilong.

2

Yung damit! Si Jae Min na 'to.

1

"Hey! Hey! Hey!" Kasabay kong nasigaw yung hey3x sa 1, meaning counted pa din yun! Yes!

"Hoy! Dali na! Ibigay mo na sa 'kin yung mga susi." Kinuha ko muna yung nakatakip sa mata ko bago ko binigay sa kanya yung susi. Nagsiguro na ako nuh! Kesa naman maibigay ko pa yung mga susi sa iba. Edi lamang pa sila. Galing ko talaga mag-isip (^o^)

"Uy! Tol musta ka naman diyan?" Tanong ko sa kanya. Aba! Concern din ako sa kanya nuh kasi naman ang hirap kaya pag nakatayo ka ng mahabang panahon.

"Anong okay! Kanina pa ako naghihintay sa inyo dito. Bagal mo!" Aish! Kinakamusta lang galit na agad. Buti nga kinamusta ko pa siya. Sungit talaga nito T_T

"Diyan ka na nga!" At iniwan na niya talaga ako. T_T Ganun na ba nila ako kamahal? Grabi naman yun! T__T

----------------------------------
Hi po! Kailangan ko pong putulin yung chapter na 'to kasi nag-ha-hang na po yung phone ko eh :( naaawa na po ako sa phone ko :) anyways, sana po ay nagustuhan niyo po ang chapter na 'to :) comment na po kayo o 'di kaya'y i-vote niyo po :)


The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon