Chapter 32

34 0 0
                                    

Supposedly, part 2 po 'to nang chapter 31: The Plan. But I decided to fused this chapter and chapter 33. Kasi feeling ko, ang haba na nang story na 'to. Nakakabagot basahin XD.

#Vyeil's P.O.V#

"Ang plano ko ay..."

Sinabi ko na sa kanila ang kabuuan ng plano ko. Hindi iyon perpektong plano kaya inayos yun nina Prime at Dae Eun. Ang plano namin ay gaganapin pa sa makalawa. Birthday iyon ng isa sa kasambahay namin, pero ipapalabas naming birthday yun ng pinsan ko para hindi sila maghinala. Pinapakalat na din namin iyon at inimbita ang dapat na imbitahin. Abala ang lahat sa pag-aayos ng mga gagamitin namin para sa planong ito, pero sa paghahanda ng mga ito ay hindi ako kasali. Noong una ay sumalungat ako sa ideyang ito. Pero sinabihan nila akong mas hindi nila mahahalata kung wala akong gagawin. Kaya napasang-ayon na lamang ako. Ang gagawin ko na lang sa ngayon ay magmasid, at bantayan ang grupong Unmercy Smites. Sisiguraduhin kong hindi nila ito mahahalata para maisasakatuparan na namin ang aming plano.

May nakita akong taong papalapit sa direksyon ko ngayon. Mag-isa lamang ako kasi nga busy sila sa paghahanda. Ilang segundo ang nakalipas ay nandito na sa aking harapan nakatayo ang isang matangkad, maputi, matangos ang ilong, gwapo at machong nagngangalang Jae Min Cha. Ang taong nang-api noon sa akin na ngayo'y balak ko ding apihin. *evil grin*

Ano kaya ang iniisip ng isang 'to ngayon?

"Vyeil, anong ginagawa mo dito?"

"Di ba dapat ako ang magtatanong niyan sa 'yo? Ano ang ginagawa mo dito?" Mataray pero kalmadong tugon ko sa kanya.

"Tinatanong ka kung anong ginagawa mo dito." Pasimple niyang sabi sa akin. Sa tingin ko, mang -iinis to.

"Huh! Ikaw 'tong lalapit-lapit sa akin tapos ikaw tong magtatanong nang ganyan? Nang-iinis ka ba?" Kung yun ang pakay niya, pwes, panalo siya. Naiinis na ako ngayon sa kanya.

"Hey, chill lang. Pwedi ba?" Hindi ako nagsalita. Instead, inirapan ko lang siya.

"Hindi, kasi, nakita kitang nag-iisa ka lang dito. Nasaan yung mga alipores mo?" What?

"Ano? Alipores? Sinong nagsabi sa 'yo na alipores ko silang tatlo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Ah, naririnig ko lang sa iba. Per---"

"Mga kaibigan ko sila at hindi alipores! Magkaibang-magkaiba ang meaning ng kaibigan sa alipores. Kaya wag na wag mong sasabihin sa aking mga alipores ko sila. Kasi ni minsan, hindi ko naisip ang salitang iyan para ilarawan sila!" Galit na galit at walang pakundangan kong sinabi iyon sa kanya. Pagkatapos nun ay iniwan ko siya sa bench na inuupuan namin.

Huh? Kung ganyan ang turing nila sa mga kaibigan nila, edi ang sasama nga talaga nila. Ang kaibigan, nagtutulungan sa lahat ng bagay, nagmamalasakit at inaalala ang bawat isa hindi katulad ng alipores na kaibigan mo lang kapag may kailangan ka. Lalo na kung di mo kaya, sila ang pinapagawa mo instead na ikaw. Oh di ba, magkaibang-magkaiba ang meaning nilang dalawa?

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Ni hindi ko alam kung saan ako patungo. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo sa kanya. Isang minuto nga lang kaming nagsama kanina, eto kami ngayon nagbabangayan na. Paano na lang kaya kung 2 minutes onwards di ba? Malapit na ako sa may library. Yun kasi yung unang pumasok sa isip ko na pagtataguan ko, since hindi naman siya pala-aral o tumatambay sa library kaya dito ko napili na pumunta.

Papasok na ako nang may biglang humawak sa kanang braso ko.

"Aray! Ano ba? Bitiwan mo 'ko!" Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya pero mas malakas siya at hindi ko din pweding labanan siya dito sa loob ng campus kasi baka mahalata niyang hindi ako ordinaryong estuyante dito sa paaralang ito. I mean, baka mahalata niyang gangster ako.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon