Chapter 33: Party

39 0 0
                                    

#Vyeil's P.O.V#


Sumasayaw kami ngayon sa kalagitnaan ng mga tao. Hinanap ko si Kim para magbigay na ng senyales.


Sinusubukan kong agawin ang atensiyon ni Jae Min na ngayo'y parang nagmamasid sa paligid. Todo indak ako sa dance floor para mahatak ko ang kanyang atensiyon. Nang masigurado ko nang nasa akin na talaga nakatuon ang mga mata niya ay agad ko nang binigyan nang binigyan ng senyales si Kim. Agad naman siyang nawala. Siguro'y pinuntahan na niya sila doon.


Kringggg...Kringggg....


"Wait lang babe. I need to pick this up. I'll be right back." Tumango na lang ako at naupo sa tabi. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Di ako mapakali. Di ko ma-explain kung anong nararamdaman ko ngayon. Tinignan ko yung cellphone ko. No texts and calls from anyone. I tried to connect with Dae Eun pero di ko siya makontak. Nitry ko ding kontakin yung iba hanggang sa...


Bang...Bang...


Bigla akong kinabahan. Tinungo ko kaagad  kung saan yung ingay nagmula.


Parang akong binuhusan ng mainit na tubig na may halong yelo. Lumuluwang mata at nakaawang na bibig. Yan ang makikita mong reaction sa mga mukha namin ngayon. 1 segundo... 2 segundo... 3 segundong nakalipas nakatayo pa din ako dito sa kinatatayuan ko. Di ko halos maigalaw yung kamay at paa ko. Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas. Agad kong tinungo ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Si Prime.


"Prime!"


"Prime!" Sigaw din ng karamihan sa amin.


Binuhat ko ang kanyang ulo at sinigaw ang kanyang pangalan. Akay-akay ko ngayon ang mahina nang si Prime.


"Prime, gising. Wag mo naman kaming iwan agad. Please." Mahina at maiyak-iyak kong sabi sa kanya.


Hinaplos niya ako sa kanang pisnge ko, gamit ang kanyang duguang kamay. At pilit niyang sinabi, "I-ikaw ang p-papalit sa 'kin. Y-yan sana ang s-sasabihin ko sa'yo noon. A-alam kong kaya mo. I-ingat, Vyeil."


"No! Prime, please."


"P-Paalam."


"Prime! arghhh!" Inilapit ko sa 'king mukha ang mukha niya. Sabay bulong, "Ipaghihiganti kita." Nihagkan ko ang pisnge niya at dahan-dahang inilapag sa sahig ang duguan niyang mukha. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking may gawa nito.


"Wala ka talagang puso! Ba't mo nagawa sa kanya yun?"


Walang siyang tugon sa sinabi ko. Nilapitan ko siya at tinulak ng buong lakas ko.


"Bakit mo siya pinatay? Napakawalang hiya mo talaga!"


"Ahhhhh!" Napaupo na lang ako dahil sa nangyari. Patay na ang taong tumanggap sa kin at tumulong sa 'kin. Isang minutong katahimikan ang namagitan sa aming lahat.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon