Chapter 17: Last Preparation

51 0 0
                                    

Theo's P.O.V

"Ano Brad, okay na ba lahat ng mga gamit mo?" Tanong sa akin ni Marvin. He's now at my place. Nag-volunteer siyang tulungan ako sa pag-impake ng mga gamit ko para sa trip. At ngayong ready na ang mga gamit ko ay umayos na ako sa pagkakaupo para makaharap siya.

"Brad, bakit nga kasi ayaw mo pang sumama? Trip for two naman 'to diba?" Tanong ko sa kanya.

"Di pwedi Brad, may aasikasuhin pa kasi ako dito eh." Sagot naman niya sa 'kin. Sus! If I know babae lang aatupagin ng kumag na 'to dito.

Kahapon kasi nung tinanong ako ni Master Jae Min kung sino ba isasama ko sa trip, tinignan ko lang si Marvin. Umiling siya kaya sinabi ko na lang kay master na wala akong maisip na pweding isama sa trip. But since, nagpupumilit sumama sa trip si Master Min Suek eh di na ako nag-iisa sa trip. Pero di ko din feel yung Min Suek na yun. Nakakainis kasi. Masyadong madaldal katulad ko. :D

Tok tok tok!

Nagkatinginan lang kami ni Marvin nang may kumatok sa pinto. Wala naman akong ini-expect na bisita eh. Tumayo na lang ako at tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay biglang bumungad ang mga mukha ng mga kasamahan namin. O.o

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanilang lahat. Hindi ko pa kasi sila pinapasok eh.

"Ihahatid ka namin!" Sabay-sabay nilang sagot habang nakatayo lang sa labas ng pinto.

"Hmm. Okay! Teka kukunin ko lang mga gamit ko." Pag-excuse ko sa kanila. Di ko nalang sila pinapasok kasi paalis naman na kasi kami ni Marvin eh.

After kong kunin ang mga gamit ko ay tumungo na ako sa pinto. Ni-check ko saglit yung looban tsaka lumabas.

Habang nasa loob ng kotse ay di ko mapigil ang ngiti sa aking labi. Puro kasi kalokohan lumalabas sa mga bibig nila.

Pagkadating namin sa airport ay nabigla ako nang nakita kong kompleto lahat ng gang. Pati sila Masters Jae Min, Daryll, Jojo, Flynn, Glynn at syempre si Master Min Suek na kasama ko sa trip. Nagkapaalaman lang kami saglit saka na tumungo sa airplane na nakalapag sa semento. Nagwave lang kaming dalawa ni Master Min Suek sa kanila at agad na ding pumasok sa loob.

Jae Min's P.O.V

Nakaalis na ang dalawang makukulit sa grupo. Medyo naging tahimik ang mga kasamahan namin. I sighed and decided to talk.

"Okay lang yan. Isang linggo lang silang mawawala. At saka mag-eenjoy yun for sure." Sabi ko sa kanila bilang comfort sa kanila at pati na din sa sarili ko. Dalawa ding kalog ang mawawala sa amin pansamantala kaya nalulungkot din ako. Ni-compose ko ang sarili ko saka nag-announce.

"Kailangan na nating magseryoso sa paghahanda kasi 2 weeks from now magsisimula na ang Grand Battle." Nakita kong nagtanguhan sila kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Tara na muna sa tambayan. Mag-uusap tayo about sa plano natin para sa upcoming battle."

Umaksyon naman sila kaagad at ilang minuto lang ang nakalilipas ay nandito na din kami sa tambayan. Sinimulan na namin ang pagpaplano.

"Jojo, ano ang ma-i-sa-suggest mo sa pagpapangkat?" Ang tinutukoy ko dito ay yung class A at class B sa rules. Kung naaalala niyo yung letter na binigay ni Jojo sa akin na galing sa administration ng Grand Battle.

"What do you think, Daryll? Ikaw lang nakakapag-analyze ng kakayahan ng mga tawo diba?" Pagpapaubaya ni Jojo kay Daryll.

Well, he's right. Magaling talagang mag-analyze si Daryll pagdating sa mga ganyang bagay. Naisipan ko lang si Jojo ang tanungin kasi siya yung nakakapag-isip ng mga maaayos na strategies pagdating sa mga battle battle.

"I propose to divide the original member into 2 groups para naman hindi tayo mahirapan sa battle." Pagsa-suggest ni Daryll.

"Pero diba sabi dun sa rules na 5 strongest among the group?" Pag-o-oppose naman ni Flynn kay Daryll.

"Ay oo nga pala. I forgot about that." Sagot ni Daryll habang kinamot-kamot ang ulo niya.

Natahimik kami saglit at maya-maya'y nagsalita ako nang may maisip akong ideya.

"Diba anim naman tayong original members ng gang na 'to? Edi yung isa sa atin ang mag-le-lead ng class B. Isama na din natin sina Lenard, Red at Zayn." Suhestiyon ko sa kanila. Natahimik naman sila at nag-isip saglit.

Sa kalagitnaan ng katahimikan ng grupo ay biglang tumunog ang phone ni Jayson.

" Eksngoys me ngo. Sasangutin ngo mo muna 'to." Ani ni Jayson. Tinanguhan lang namin siya bilang pagbibigay permiso. Habang papaalis si Jayson ay nakatutok naman si Lenard sa kanya. Kaya tinapik ko siya.

"Brad, what's with that look?" Nabigla naman siya sa tanong ko.

"A-ah w-wala po Master." Sagot niya sa akin habang nakayuko ang ulo niya. Hindi ako nakumbinsi sa sagot niya kaya tinanong ko siya ulit.

"I know you're lying. Tell me, what's on your mind?" Tanong ko sa kanya with authority kaya wala na siyang nagawa kundi ang aminin sa akin ang totoo.

"Master, nakita ko kasi minsan si---

Hindi niya naituloy ang pagsasalita niya kasi nakabalik na sa upuan si Jayson. Feeling ko may kailangan akong dapat malaman dito. Kakausapin ko nalang si Lenard later.

Someone's P.O.V

Malapit na ang Grand Battle. Kailangan ko ng gumawa ng plano. Kinuha ko kaagad ang phone ko at ni-scan ang contacts ko. Nang makita ko na ang numero ng kailangan kong tawagan ay agad kong ni-press ang call button. Nag-ring ito ng limang beses bago ito sinagot.

"Hello, boss." Mahina niyang bati sa 'kin. Halos pabulong na itong magsalita. Siguro'y kasama niya yung grupong iyon.

"Ano nang balita?" Tanong ko sa kanya.

"Boss, tatawag na lang po ako mamaya baka po kasi magtaka sila. Okay lang po ba?"

"Oh, sige. Balitaan mo 'ko kaagad."

"Yes, Boss. Sige po." At ni-press ko na ang end call button. Ni-scan ko ulit ang contacts ko at may tinawagan.

"Hello po, Boss." Bati sa kin ng kausap ko sa kabilang linya.

"May ipapagawa ako sa 'yo." Sabi ko sa kanya.

"Ano po iyon, Boss?"

"I want you to observe them during the battle." Sabi ko sa kanya.

"Opo, Boss. Ah, Boss, ano na po palang plano natin sa GB?" Nag-isip ako saglit saka nagsalita.

"Tipunin mo sila bukas sa hideout natin. Doon natin pag-usapan ang plano natin sa GB." Utos ko sa kanya.

"Sige po, Boss." Sabi niya then I ended the call. I laugh harder and said, "Everything's ready, I guess." *evil laugh*

*************
Jae Min's P.O.V

Nang matapos na ang meeting namin ay agad kong tinawag si Lenard. Lumapit naman siya kaagad pero hindi pa ako nagsalita hanggang sa kami nalang talaga dalawa sa loob.

"Ituloy mo na." Sabi ko sa kanya. Nakuha naman niya yung ibig kong sabihin.

"Master, I overheard him once. Nung ni-tour namin sila sa lokasyon kung saan ginanap yung ultimate race. Napansin ko pong nakakapagsalita siya ng pormal. Hindi ko lang sigurado kung totoo ba yung narinig ko o naghahallucinate lang ako dahil sa pagod." Pagkukwento niya.

"Kaya pala tinignan mo siya kanina hanggang sa makalabas siya ng room." Tumango lang siya sa 'kin.

"Okay. I want you to observe his actions and give me reports every now and then." Utos ko sa kanya. Tumango lang siya ulit. Pinaalis ko na siya kaagad para makapagpahinga.

Shit! Isa pa naman siya sa napili ko. Paano kung spy siya? Malalagot talaga siya sa 'kin pag totoo yun.

----------------------------------
Ayan na guys. :) next chapter ay tungkol na po sa Grand Battle. :)


The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon