Chapter 24: I think I like her

75 0 0
                                    

Jae Min's P.O.V

First day of school ngayon at wala akong ganang pumasok sa school. Babalik na sana ako sa pagtulog nang may biglang sumipa sa pintuan.

"Ano ba? Gusto mo bang ipatapon kita sa Mindanao?" Pasigaw na tanong ni Daddy sa akin.

"Ano ba Dad, gusto ko pang matulog eh. Tsaka first day ngayon kaya hindi pa official ang class namin." Babalik na sana ako sa pagtulog ng hilain ng dalawang bodyguard ni Daddy 'yung dalawang paa ko at dinala ako sa banyo.

"Pag hindi ka pa tapos diyan after 10 minutes ay ipapatapon na kita sa Mindanao." Banta sa akin ng Daddy ko.

Shit! Sakit ng puwet ko. Hinimas-himas ko 'yung puwet ko saglit at saka nagsimula ng maligo.

**********
Pagdating ko sa classroom ay agad akong umupo sa paborito kong pwesto. Pinakagilid ng bintana 'yung paborito kong upuan. Bakit? Secret. Haha!

Ilang minuto ang nakalipas ng biglang nagsalita ang teacher namin sa english 11. At sabi pa niya ay magpapakilala daw kami sa sarili namin in a unique way. Ide-describe daw namin 'yung characteristics ng bola o 'di kaya'y magsabi lang ng kung anu-ano tungkol sa bola na hawak niya. Una niya itong binigay sa estudyanteng nasa front ko. Naghintay pa kami ng ilang segundo.

"Tagal naman! Madami pang nakapila oh!" Pagrereklamo ko. Binato ko siya ng nilukot na papel. Nagtawanan kami. Sinaway ako ng guro namin pero sinagot ko lang siya ng pabalang.

"Bakit Ma'am? Totoo naman po 'di ba?" Napa-irap lang ang guro namin.

Maya-maya ay may tumayo na babae sa likuran. Maganda siya at sexy. Pero sa oras na ito ay parang galit ata siya. Mukha kasing nag-uusok na 'yung ilong niya eh.

"Yah! Ano ba kayo? Mga high school student? Umayon nga kayo sa edad niyo! Ang tatanda niyo na para mang-bully! Ni hindi niyo inaalala kung anong mararamdaman nila! Ni hindi niyo man lang ginalang ang guro natin! Mga wala kayong kwenta!" Nagulat ako dun sa babae. Ngayon pa lang may naglakas ng loob na sigawan at ipahiya sa klase ng ganyan. Sayang maganda pa naman siya. Ah! Alam ko na! *evil grin*

"Hoy! Pakialam mo ba sa gagawin ko? Sino ka ba para sigawan ako ng ganyan? 'Di mo ba ako kilala?" Ngumisi pa ako pagkatapos kong sabihin niya. Pero ang ipinagtataka ko, nung nilingon ko siya para siyang nabato na napatulala? Iba't ibang ekspresyon ang nakikita ko sa mukha niya. Teka? Kilala niya ba ako? Pero ngayon ko lang siya nakita dito eh. Ah! Gwapo nga pala ako kaya niya ako kilala.

Ilang saglit pa'y tumakbo siya papaalis ng room. Sinisi naman ako ng mga kasama ko.

"Shut up!"

**********
(2nd day of school)

Pagdating ko sa classroom ay agad kong nakita ang magandang mukha ni Miss Beautiful. *smirk*

Ilang sandali pa ay nagsimula nang magturo ang guro namin sa english 11. Pero napatigil ito nung hinanap siya ng Assistant Dean ng department namin. Binilin niya lang sa amin na sagutan yung activity na sinulat pa niya sa board bago siya umalis. Nilingon ko si Miss Beautiful. Busy siya sa pakikipag-usap sa weirdo niyang kaibigan. Nilapitan ko siya. Nung nasa harap na niya ako ay inisip ko kung kakausapin ba ako ng babaeng ito kung tatanungin ko siya tungkol sa nangyari kahapong pagsasagutan namin. Kaso di ako makapagsalita kaya nung lumingon siya ay automatic kong nahampas yung arm chair niya.

"Ano ba?" Nagulat ako nung sumigaw siya pero di ko pinakita sa kanyang nagulat ako sa ginawa niya.

"Kailangan mo?" Bagot niyang tanong sa akin.

Grabi 'tong babaeng 'to. Kung hindi sisigaw, kakausapin ka naman ng may pagkabagot na tono.

Wala akong maisagot kaya umisip na lang ako ng ibang magandang gawin.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon