Chapter 10: Who's Mom and Dad are what?

173 7 0
                                    

Dae Eun's P.O.V

Kanina ko pa hinihintay dito sa labas ng bahay nila si Vyeil. Na-miss ko na siya agad eh. Mahigit 20 minutes na akong nakaupo dito pero wala talagang Vyeil na lumalabas. Kanina ko pa siya tinitext at tinatawagan pero operator lang yung sumasagot sa 'kin. Nagsisimula na akong kabahan. Pinindot ko yung doorbell. Agad akong pinapasok ng maid nila. Hinanap ko sila Tito at Tita. Pagkasabi ko sa kanila ay agad na akong nagpunta sa school.

Nilibot ko na ang buong school. Inisa-isa ko na rin yung mga rooms, comfort rooms, library, cafeteria, at pati na din sa gym pero wala talaga siya doon. Palabas na sana ako ng school nang biglang tumunog yung phone ko. Tinignan ko saglit yung screen. Kumunot agad yung noo ko nang makita ko sa screen ang pangalan ni Prime.

"Hay! Kung kelan nagmamadali ako saka naman 'to sumisingit. Tsk!" Pagmamaktol kong sabi.

Di ko naman kasi pweding balewalain yung tawag ni Prime kasi siya yung leader namin at malilintikan talaga ako pag di ko in-accept yung call niya. I don't have any choice kaya ni-accept ko yung call.

"Hello, Prime. What? Teka, asan kayo ngayon? Okay. Coming." Pinatay ko kaagad yung call at dali-daling nagpunta sa kinaroroonan nila.

"Vyeil, I'm coming."

A/N: Para di kayo malito, si Jerrick Shin at si Prime/Black Dragon ay iisa. Pangit naman kasi kung Prime's P.O.V diba? So binigyan ko na lang siya ng name. :)

Jerrick Shin's P.O.V

Nagpunta ako sa Skylight University para manmanan ang Unmercy Smites sa mga plano nila para sa nalalapit na ground battle. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako pa mismo ang nagmanman sa kanila eh madami naman akong pweding utusan? Well, bored ako kaya ako na lang mismo ang magmamanman sa kanila. At saka gusto ko na ding malaman ang update sa pagco-convince ni Dae Eun kay Vyeil na umanib samin.

Ala ninja akong naglalakad sa likuran ng school na 'to nang may marinig akong sigaw ng isang babae. Agad akong nagtago sa mga naglalakihang lata na nakakalat dito likod ng abandoned building na 'to. May naaninag ako ng dalawang figure ng tao sa taas ng building. Tinignan ko lang silang dalawa at maya-maya'y nahulog yung isang tao sa ground. Hinintay ko munang umalis yung taong nasa itaas.

Nang makaalis na yung tao ay agad kong pinuntahan yung taong nahulog kanina sa building.

Nagulantang ako sa nakita ko. Si Vyeil pala yung nahulog kanina sa building. Di ko kasi maaninag yung itsura nila kasi madilim dito sa likod ng school. Pinulsuhan ko siya. Napanatag ako nang maramdaman ko ang pagpitik ng pulse niya. Agad kong tinawagan si Dae Eun at sinabi sa kanyang puntahan kami dito sa abandoned building.

Maya-maya'y nakita ko nang may nagtatakbo sa hallway. Si Dae Eun iyon. Agad niyang sinuri ang katawan ni Vyeil kung may mga sugat o baling buto sa kanya. Pinasalamatan niya ako at saka niya binuhat si Vyeil na parang pang-bride ang style. Sumama ako sa kanila papuntang ospital.

***************
--Sa ospital--

Dae Eun's P.O.V

Pagkadating namin sa ospital, agad kong tinawagan si Tito para ipaalam sa kanila na andito na si Vyeil sa ospital.

Kanina pa akong paikot-ikot sa hallway malapit sa emergency room. Di ako mapakali. Nag-aalala ako sa sitwasyon ni Vyeil. Kainis! Di ko man lang siya natulungan. Kung sinundan ko lang siya kanina pagkatapos ng klase namin sana wala siya ngayon sa ospital. Sana naman okay lang siya. Napapitlag ako nang may tumawag sa pangalan ko. Sila Tito! Agad akong tumakbo sa direksyon nila. Niyakap muna ako ni Tita bago siya nagsalita.

"Asan ang anak ko? Okay lang ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Tita sa akin.

"Nasa loob po siya ng emergency room, Tita. Sorry po. Di ko po naprotektahan si Vyeil." Naiiyak kong sabi sa kanya. Wala naman kasing ibang pwedi i-blame dito kundi ako lang. Ako lang kasi yung palagi niyang kasama. Ako lang din yung friend niya.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon