@ Dark Nemesis' Tambayan
Vyeil's P.O.V
Malakas kong sinipa yung pinto. Nagulat sila sa ginawa ko. I smirked.
"Lady V, anong problema? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong nila sa akin. Akala kasi nila na may problema ako kasi hindi naman nila ako nakitang nag-smirk kanina. Well, magkakaproblema talaga ako kung di nila ako tutulungan. Kaya nga ako nandito para humingi ng tulong.
"Sa ngayon, wala pa. Pero kung hindi niyo ako tutulungan, that's the time na magkakaproblema talaga ako. So..." Sadyang di ko tinuloy yun para naman mas convincing di ba?
"So?" Tanong naman ni Dae Eun. I just roll my eyes. Napaka talaga ng taong 'to. Sarap halikan eh. :D Malandi na kung malandi pero crush ko yan dati pa. :)
"So, tulungan niyo na ako para wala akong maging problema ^-^ " Masigla kong sabi sa kanila.
"Okay. In ako diyan. :)" Sabi ni Kim
"Ako din."
"Me, too." Ayan nakisali na silang lahat except kay Dae Eun. Napataas naman ang kilay ko kasi wala siyang imik. Hindi niya ba ako tutulungan? Akala ko ba susuportahan niya ako sa lahat lahat? Bakit ganito na ngayon?
"P're, ayaw mo sumali?" Tanong sa kanya ni Kim. Napabuntong-hininga siya saka nagsalita.
"Vyeil, ano na naman ba 'to?" Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko parang pagod na siya base sa tono ng pananalita niya. Bakit? Nagsisimula pa nga lang ako eh.
Parang naiiyak ako. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Nararamdaman kong tutulo na ang luha ko kaya tumakbo na ako paalis sa tambayan. Agad akong sumakay sa kotse ko at tumungong mag-isa sa bar. Umorder ako ng alak at saka nag-iinom doon. Nakatatlong bote na ako ng alak pero nararamdaman ko pa din ang sakit. Kaya umorder pa ako ng isang bote. Itutungga ko na sana iyon nang may kumuha nito sa kamay ko. Nilingon ko kung sino ang kumuha ng alak ko.
0.0
"Dae Eun?" Nagulat ako. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?
"Akin na yan." Sabi ko sabay abot nung bote na kanina'y kinuha niya galing sa 'kin.
"Tama na, Vyeil." Pag-awat niya sabay taas nang kamay niya na may hawak na bote.
"Ayoko! Akin na 'yan sabi." Pagmamatigas ko. Pilit ko pa ding kinukuha yung bote na hawak niya.
"Tama na sabi! Halika na. Iuuwi na kita." Nilagay niya ang bote saka niya ako inalalayang tumayo. Hindi na ako umalma kasi nararamdaman ko nang unti-unting umiikot yung paligid.
From bar to his car ay inalalayan pa din niya ako. Dahan-dahan niya akong pinaupo sa kotse niya. At nang masigurado na niyang okay na ako sa kinauupuan ko ay saka pa siya sumampa sa driver's seat. Akala ko paaandarin na niya ang kotse pero nag-sigh lang ito saka ako hinarap. At ako naman na wala na sa katinuan ay humarap din sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...