Before niyo po 'to basahin, I just want to clarify 1 thing. Kung napapansin niyo po na yung mga surnames nila ay nasa dulo wag po kayong magtaka, sinadya ko po yan kasi andito po tayo sa Pinas. Nasanay na kasi tayong mga pinoy na tatawagin tayo by our names except kung ayaw niyo talagang tawagin kayo sa tunay niyong pangalan. Yun lang po :)
Jae Min's P.O.V
Saturday ngayon. Wala kaming pasok kaya tatambay nalang muna ako sa tambayan namin. Boring kasi sa bahay eh walang magawa.
Pagpasok ko sa hideout place namin agad na sumalubong sa 'kin si Ju In Sung.
"P're para sa 'yo ata to?" Inabot niya sa akin yung black envelope na may nakaguhit na may dugong skull. Galing pala 'to sa administrator ng Grand Battle. Pinapadalhan kasi kaming mga leader ng letter every year para sa annual Grand Battle. Baka iniisip niyong elementary pa lang kami kasali na kami dito ah? Elementary kami nung binuo namin 'tong grupong ito. Hanggang sa nadiscover nila yung grupo nami noong minsang may nakaaway kaming isang grupo sa may bodega malapit lang sa subdivision namin. Tapos nakita nila kami tsaka sila nagtanong about sa grupo namin. Nasali lang kami sa battle na 'to nung 1st year pa kami. Ibig sabihin, pang 2nd time namin ngayong taon. Gets?
Nabuo lang ang Grand Battle nung mga panahong rampant yung riot sa lansangan. Sabi ng administrator ng GB na kaya nila ito binuo para maging legal at maayos yung paraan ng labanan. Sumang-ayon naman ang lahat ng mga leader para na din sa kapakanan ng lahat.
Binuksan ko at binasa yung nilalaman ng letter. Kahit 5 years na 'tong Grand Battle, binabasa pa din namin yung letter na binibigay ng admin dahil paiba-iba kasi ng venue 'tong event na 'to eh. Di ko din alam kung bakit. Pauso naman kasi admin nito. Tsk!
Pagkatapos kong basahin yung mga important details sa letter ay agad ko itong inilatag sa table ko. Isinandal ko nalang yung ulo ko dalawa kong kamay habang nakapatong naman yung mga paa ko sa mesa. Lumapit sa mesa ko si Jojo o si Ju In Sung. Jojo tawag namin sa kanya kahit maikli naman yung pangalan niya. Trip lang namin eh. Pakialam niyo ba? >.>
Tinignan ko lang siya habang binabasa niya yung letter. Maya-maya lang ay nakita ko nang nakakunot ang noo niya. Kaya ako na nakatitig sa kanya, ay napakunot din ng noo.
"Huy! Napa'no ka dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Nabasa mo na ba 'tong rules kanina?" Pabalik niyang tanong sa kin while tinuturo yung letter na hawak niya.
"Hindi. Ba't ko pa babasahin eh katulad lang naman yan ng dati." Bagot kong sagot sa kanya. Nagtataka na din ako sa sinasabi nitong si Jojo. Every year, same rules lang naman yung nakalagay sa mga letters. May nagbago kaya sa mga iyon?
"Dali. Tingnan mo 'to." Iniharap niya sa akin yung letters at itinuro yung nakasulat na mga rules. Binasa ko naman ito agad.
"Wala namang nagbago ah. Yun pa din naman yung rules." sabi ko sa kanya.
"Hindi. Basahin mo kasi hanggang sa huli." Tinuro pa niya yung huling part ng rules. Binasa ko naman ito at napakunot-noo ako sa nabasa ko.
"Rule #6. Groups should have 15 members including the leader."
"Rule # 7. Each group will be classified into 2 classes - class A and class B. Class A will be having 5 members including the leader. The 5 strongest among the groups belong in this class and the rest belong to Class B."
Nagtitigan lang kami ni Jojo sa letter hanggan sa nagdatingan na yung iba pa naming kasama.
"Oi P're! 'No problema niyo? Baka masunog yang card sa kakatitig niyo diyan." --Daryll
BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...