Chapter 7: Acting Strange Part 2

208 2 0
                                    

Dae Eun's P.O.V

"Wag mo nang alamin pa Black Nemertine. Sige na hanapin mo na si Vyeil." Utos niya sa 'kin saka nagbaba ng telepono.

Napakamot na lang ako nang malakas sa ulo ko sabay sigaw.

"Nakakainis!" Inis kong sabi at nagsimula nang maghanap.

Tumalikod na ako para hanapin si Vyeil pero nagulat na lang ako ng may biglang sumulpot na babae sa daraanan at dahan-dahang naglakad--yung way ng paglakad na parang nagnakaw ka ng pagkain niyo sa reef--patungong pasilyo.

Hala! Sino kaya 'yun? Narinig kaya niya lahat ng naging pag-uusap namin ni Prime?

Bago pa ako makapag-isip ng sagot sa katanungan ko, walang ano-ano'y sinundan ko 'yung babae doon sa pasilyo.

Napatigil ako sa may intersection.

Lingon sa may bandang kanan >,>...wala siya!

Lingon sa may bandang kaliwa <,<...wala din siya. Asan na kaya 'yun?

Hay! Sino kaya 'yun? Sana naman di niya narinig 'yung usapan namin ni Prime. Ang bilis naman niyang tumakbo. Runner ba siya? Iniling-iling ko na lang ang ulo ko at saka nag-proceed na sa silid-aralan.

Vyeil's P.O.V

Dumating na 'yung teacher namin sa PE (Physical Education). Nagtilian naman agad 'yung mga kaklase kong babae at binabae.

"Ayan na si Sir Yvanni! Witwiw!"

"I love you Sir! Please be mine -3-"

"Kyyyyaaaaaaahhhhhhh!!"

'Yung iba naming classmates kumanta pa ng "Akin Ka Na Lang" ng Itchyworms.

Hayyyy! Nagtakip na lang ako ng tenga. Kawawa na kasi eardrums ko.

Booooogggsssshhh!

Napatigil 'yung mga classmates ko at napatingin doon sa nasalampak na door.

Dae Eun? Jae Min?

Bigla akong kinabahan. Pero sinikap kong itago 'yung nararamdamang kaba ko ngayon. Baka kasi mahalata pa 'yun ni Dae Eun.

"What do you think you're doing?" Singhal na sabi ni Sir Yvanni sa dalawa.

"I'm sorry Sir Yvanni. May unggoy lang pong nagtulak sa akin eh." Sabi ni Dae Eun at saka tinignan ng matalim si Jae Min.

Teka? Nag-away ba 'tong dalawang 'to?

Nagtataka siguro kayo ngayon kung bakit andito si Jae Min sa classroom namin. Well, kaklase ko lang naman siya.

"Sige. Umupo na kayo dun."

Nagulat ako nung may umupo sa harapan ko.

"Bastos talaga 'tong taong 'to. Di man lang niya pinatapos si Sir Yvanni sa sinabi niya." Bulong ko sa sarili ko.

O.O

"May sinasabi ka?" Tanong niya saka ako tinitigan sa mata.

"H-ha? W-wala. Sabi ko gutom na ako." Utal kong sagot sa kanya.

Tinignan niya lang ako tapos tumalikod na.

"Whew! Buti na lang nakalusot ako dun." Sa isip ko.

"Hoy" ni-poke ako ni Dae Eun sa pisngi.

"Oy!" Sabay tingin sa kanya.

"Ano iniisip mo?"

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon