Chapter 15: The Ultimate Race

88 2 0
                                    

Jae Min's P.O.V

Nagpunta na sa loob ng ring ang dalawa. Ang tinutukoy ko ay sina Jason at Yenox. Malaki ang expectations ko sa dalawang 'to. Bagamat mga baguhan lamang sila ay nakikita kong malalakas sila. Ngayon kailangan lang naming masubaybayan ang kanilang laban para malaman kung sino talaga ang pinakamalakas sa lahat ng mga baguhan at kung ano pa ba ang pwedi nilang maipakita sa amin. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako sumali sa pustahan. Naka-focus lang ako sa kanilang dalawa.

Umabot sa 7 rounds ang bakbakan nilang dalawa. At ang nanalo ay si Jason. Agad naman silang nagpahinga sa couch. Mag-a-announce na sana ako pero nakita kong busy pa sila sa pangungolekta ng perang napalunan nila sa pustahan. Naalala kong nakipagpustuhan nga pala ako sa kanila nung naglaban sina Theo at Geovy kaya pinuntahan ko sila at hiningi na din ang parte ko. At dahil ako lang mag-isa ang pumusta kay Theo, nakuha ko lahat ng pera nila. 350,000 pesos lang naman ang napanalunan ko sa pustahan namin. *evil laugh*

"Grabi Master anlaki ng napanalunan niyo. Balato naman diyan." Pagsusumamo ni Theo.

Tiningnan ko muna siya. Balato? Hmm. Pagbibigyan ko na lang siya kasi siya naman ang dahilan para makakuha ako ng 350,000 thousand pesos.

"Balato 'ba kamo? Eto piso oh." Nilagay ko sa kamay niya ang piso at tumalikod na kaagad. Narinig ko namang ngumawa ang gago kaya napalingon ulit ako.

"Ssshhh. 'Lika ka dito." Kinaway ko pa ang kanang kamay ko habang nakapamulsa ang kaliwang kamay ko. Lumapit naman ito kaagad sa akin. Tinignan niya lang ako maawa-ka-naman-master look. Anak ng tupa naman oh! Tsk!

"At dahil ikaw ang nagpapanalo sa akin babalatuhan nalang kita." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Talaga Master? Hehe sige po. Magkano po?" Masayang sagot ng kumag sa 'kin.

"Ha? Anong magkano?" Takang tanong ko sa kanya.

"Yung balato niyo po kung magkano ibibigay niyo sa 'kin." Paliwanag naman niya.

"Ahh" Sabi ko sabay tango.

Hinimas-himas ko ang aking baba habang nakasingkit naman yung mga mata ko na parang nag-iisip.

"Hmm. Ganito na lang. What if same na lang kayo ng makukuha ng winner? Kung ano ang mapalunan ng winner, yun din yung sa'yo? Okay ba?" Sabi ko sa kanya habang himas-himas ko pa din yung baba ko.

Napakunot ang noo ko sa ginawa ko. Ginaya niya din ako. Hinimas-himas din niya ang kanyang baba habang super singkit na ng mata niya.

"Hmmm. Okay na din yun Master." Sabi niya habang himas-himas yung baba niya.

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya dun? Na kulang yung ibinigay ko sa kanyang premyo? Aba naman! Parang ang garbo naman ng isang 'to?

"Sabagay, parang mag-e-enjoy naman din ako dun." -Theo.

"Teka! Ano bang gusto mong palabasin? Na lugi ka pa sa premyong yun?" Sabi ko sa kanya. Medyo mataas na ang boses ko nito.

"Ay, hindi po. Okay na po ako dun Master. Okay na po. Hehe" Sagot niya sa 'kin.

"Akala ko kulang pa yun sa'yo." -ako

"Ay, okay na po talaga ako dun Master." Sagot niya sa akin na nakangiti habang nagkakamot ng ulo niya.

"Good! Kasi kung di ka pa kontento eh wala akong choice kundi ipalapa kita sa alaga kong aso." -ako

Nakita ko namang nanigas siya sa sinabi ko. Huh! Good for you. Mas malaki pa ngang value yun kesa sa napanalunan ko eh. Pasalamat ka mabait ako.
Sabi ko sa sarili ko.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon