Chapter 29: Deja Vu

55 1 0
                                    

Vyeil's P.O.V

Andito kami ngayong magbabarkada sa tambayan namin. Recess ngayon kaya nagkayayaan kaming apat na tumambay na lang muna dito sa garden.

"Hoy, sabihin niyo nga sa aming dalawa kung ano talaga yung eksaktong nangyari kahapon? Kasi ako'y kating-kati na sa kung anumang mga tsismis na narinig namin kanina." Walang kasing sabik na sabi niya sa akin. *insert sarcasm here*

"Oo nga!" Pagsang-ayon naman ni Bom habang naka-pout siya at halatang nagtatampo dahil sa paglilihim naming dalawa ni Sandy sa kanila.

"Ganito kasi yun, kahapon binigyan na naman siya ni Jae--"

"Wag mo na ngang isali yan sa usapan. Wala namang connect yan sa nangyari kahapon." Inis na sabat ko. Inungusan lang ako ni Sandy at nagpatuloy na din siya sa pagkukwento.

"Ganito talaga kasi yung nangyari." Inismiran niya muna ako bago siya nagpatuloy.

"Biglaan lang kasi yung plano. Naisip lang bigla ni Vyeil na gumawa ng move--"

"Anong move yun?" Nakakunot-noong tanong ni Bom habang nilapit niya ng kaunti yung mukha niya kay Sandy.

"Patapusin mo muna ako pwedi ba?" Inis na saway ni Sandy kay Bom. Bigla namang tumahimik si Bom nang dahil dun.

"Move niya para makapagsimula na siyang maghiganti." Nagsitanguhan naman yung dalawa. Ako naman ay nanahimik lang habang hinahayaan si Sandy na magkwento sa kanila.

"Naisipan ni Vyeil na papinturahan yung sasakyan ni Jae Min." Dugtong niya habang iniiling yung ulo niya pataas at pababa. Kumbaga nafe-feel niya na proud siya sa nagawa namin doon sa lalaking yun kahapon.

"Ahh, kaya pala." Sagot nina Bom at Minzy habang tumango-tango na parang aso.

"Teka! Sinong gumawa ng plano mo Vyeil?" Nagtatakang tanong ni Bom sa akin.

"Tauhan ni Sandy. Pati na din yung paint na ginamit kay Sandy din yun." Kaswal na sagot ko sa kanya.

"So ano nang next move mo?" Tanong naman ni Minzy sa 'kin. Nagkibit-balikat lang ako. Di ko pa naman kasi alam kung ano yung susunod na plano.

"Ano kaya kung, i-entertain mo muna siya habang kami naman ang gagawa ng susunod mong move? What do you think?" Napatigil ako sa suggestion ni Minzy. Actually, kaming dalawa ni Sandy ang napahinto sa sinabi niya.

"Sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sandy.

"Oo naman. Tatlo naman tayong gagawa tsaka may mga tauhan ka din naman eh." Wika ni Minzy. Nagulat naman si Sandy at halatang naguguluhan sa sinabi ng aming kaibigan.

"Oo nga. Akala mo di namin malalaman na nanggulpi ka nung isang araw para may utus-utusan ka diyan sa kamalditahan mo?" Mataray namang pagsang-ayon ni Bom. Tinignan ko lang si Sandy. Pero ang loko eh naka-peace sign habang nakangisi.

"Sige. Payag ako sa suhestiyon mong yan Minzy. Mamaya nalang tayo mag-uusap-usap tungkol diyan. Tapos na ang time for recess." Nagsitayuan naman sila at agad namang naglakad na. Tatalikod na sana si Sandy nang hilain ko ang kanang kamay niya.

"Kamusta na pala siya?" Tanong ko.

"Ayun, gabi-gabing nasa bar at nag-iinom doon ng mag-isa." Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Bigla ding lumungkot ang ekspresyon ni Sandy.

"Alam mo nasasaktan na ako sa ginagawa ngayon ni Dae Eun. Ngayon lang siya nagseryoso sa babae." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon