Chapter 22: I'll see you later babe

84 1 0
                                    

Vyeil's P.O.V

Habang naglalakad kaming apat sa hallway ay may biglang humarang na isang babae sa harap namin.

"Kayo po ba yung 2NE1?"

O.O

"Kilala mo kami?" Tanong ni Minzy sa kanya habang ni-wave niya yung hintuturo niya sa aming apat.

"Oo naman. Sikat kaya kayo." Nakangiting sabi niya.

Kami? Sikat? Umabot na ba dito sa Pilipinas yung tungkol sa group namin? Para namang na-gets niya yung nasa isip ko kaya nagsalita na siya.

"Medyo hindi pa kayo ganoong kasikat dito sa Pilipinas pero lahat ng K-pop lovers dito sa Pinas alam na ang tungkol sa group niyo." Ah. Kaya pala niya kami kilala. Nginitian naman namin siya.

"Ah. P-pwedi po bang pa-o-o-autograph?" Medyo nahihiya pa niyang sabi habang inilahad niya sa amin yung maliit na poster naming apat. Kinuha ko naman yun at saka naghanap ng permanent pen sa bag ko. Kaso sa kamalas-malasan ko ay di ko mahanap yung permanent pen sa bag ko. Iniabot naman niya sa akin yung permanent pen niya. Agad ko namang pinirmahan yung poster. Nagsipirma na din yung tatlo. Pagkatapos nun ay nagpasalamat na siya sa amin at umalis na kaagad.

Napalingon ako nang magsalita si Sandy.

"Wuaa! Totoo ba yun? Totoo bang ganoon na tayo kasikat?" Manghang tanong niya sa amin. Nginitian ko lang siya at inakbayan.

Ni-check ko muna ang phone ko habang wala pa yung teacher namin. Habang busy ako sa phone ko ay may nagsalitang lalaking announcer sa speaker na nagkalat sa campus.

Attention to all students. Tonight, we'll be having a party to welcome all the freshmen in this institute. The said event will start not later than 7pm. And you are allowed to wear any kind of clothes. That's all. Good day to all of you.

"It looks like school hours will be shortened this time huh?" Andito na pala si Teacher Yna. Wala man lang nakapansin sa kanyang pagpasok sa loob ng classroom. Agad namin siyang ni-greet. And she greeted us back. At nagpatuloy na siya sa pagtuturo hanggang sa natigil siya nang may kumatok sa pinto ng classroom. Parang nagulat pa si Teacher Yna nung nakita niya yung lalaking kumatok sa pintuan. Sumenyas muna si Teacher Yna sa kanya na parang sinasabi niyang 'Just wait for a second' at saka humarap sa amin.

"Okay class, I'll be out for about 30 minutes and I will leave an activity for you to work on." May sinulat siya sa board at pagkatapos ay nagbigay siya ng instruction at saka umalis.

Ang activity namin ay by pair. Kaya nilingon ko si Sandy. Pagkalingon ko ay nagulat ako dahil nakapikit ito habang nakasalpak yung earphone niya at saka ito naghe-headbang. Ano na naman bang espiritung sumapi dito sa babaeng 'to? Ganito 'to lagi eh. Buti na lang wala siyang bangs kundi para na talaga siyang baliw kung titignan.

"Oh, Vyeil. May sinasabi ka?" =_= ewan ko sa'yong babae ka di ka nakikinig sa klase eh.

"May activity tayo oh." Sabi ko sa kanya sabay turo doon sa sinulat ni Ma'am sa board.

("=_=) Ganyan lang yung mukha siya habang tinitignan yung nakasulat sa board. For sure meron 'to kaya hate niya sa ngayon yung mga activities.

"Wala akong papel." Bagot niyang sabi. See? Meron nga 'to kaya siya ganyan. Haha! Palaaral naman talaga itong si Sandara, nangunguna nga yan sa pagsagot sa mga activities na binibigay sa amin ng teacher namin eh. Hindi lang yan nagiging active sa mga activities kapag meron siyang 'alam mo na'. Haha!

Kumuha na ako ng papel sa bag ko. Kaso napapitlag ako sa gulat nang may biglang humampas sa arm chair ko.

"Ano ba?" Sigaw ko sa kanya. Pagkalingon ko ay nagulat ako nang makita ko ang mukha ng kinaiinisan ko. Ano na naman kaya kailangan nito? Nakita ko siyang nag-smirk. Argh! I so hate this guy.

"Kailangan mo?" Bagot kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa akin. Kinabahan ako kay umatras ako ng bahagya. Hinaplos niya naman ang buhok ko kaya napasinghap ako. Awtomatikong napalingon ako sa gawing kaliwa ko upang iwasan ang napakagwapo----este napakapangit niyang mukha. Bigla naman siyang tumawa. Aba! Buang pala to eh. Bigla-biglang tumatawa kahit wala namang katatawanan.

"See you later babe." The he wink at me. Haha! Hindi lang pala siya may sayad, may sakit din pala siya sa mata.

Umalis na yung mokong at ni-poke naman ako ni Sandy.

"Vyeil, ano yun ha?" Tinignan niya lang ako na parang tingin na pang Daddy. Yung tipo ng tingin na 'Wag kang ma inlab dun, playboy yun' yung ganun?

"Wala akong pakialam dun nuh! Siya lang yung lumapit-lapit dito kanina eh." Pagdedepensa ko sa sarili ko. Totoo naman yun diba? Siya yung unang lumapit sa akin kanina.

"Di yun. Ang ibig kong sabihin, ano yung sinabi niya kanina na 'see you later babe'. Bakit? Kayo ba?"

"What? No way! You know that he's my enemy." Halos pabulong kong sabi sa kanya. Nag-shrug lang siya ng shoulders niya at sinalpak ulit ang earphone niya sa kanyang tenga at saka natulog.

Lumipas ang ilang saglit ay nag-ring na ang bell. Hudyat iyon na kakain na ng pananghalian ang mga tao. Kaya sinundot ko sa tagiliran si Sandy. Tinignan niya lang ako ng ano-na-naman-ba look. Kaya sinabi ko sa kanya na lunch break na. Mabuti naman at sumunod agad siya sa akin patungong cafeteria.

Pagdating namin dun ay pahirapan ang paghahanap ng mesa dahil sa dami ng mga estudyante na kakain dito. Buti na lang at nakita kami ni Minzy kaya kinaway niya yung kamay niya na agad ko namang nakita kaya pinuntahan na namin yung table kung saan sila nakaupo.

"Oh, Dae Eun, andito ka din pala." Nakangiti kong bati sa kanya. Nag-pout pang ito tsaka nag-sigh.

"Oh, anong problema mo diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Parang ayaw mo yatang andito ako. Geh alis na ako." Loko 'tong taong 'to. Pa-emo effect eh.

"Uy, drama mo eh. Upo ka nga." Hinila ko ang braso niya para di siya tuluyang makatayo.

"Uiiiii! Ang sweet niyo naman. Inggit ako sa inyo. Framesh." At nagtawanan silang tatlo. Adik eh. Friend lang kaya kami. Friend lang ba kaya? Sa tuwing katabi ko siya, nagpa-palpitate yung puso ko. Love na kaya yun?

"Ayiiieee. Kain na kayo diyan. Shortened pa naman yung class hours natin ngayon." Sabi ni Sandy.

"Oo nga pala nuh? Muntik ko nang makalimutan. Hihihi." Sabi naman ni Bom. Makakalimutin din 'to gaya ko eh.

Ringggg...ringgggg..

Sabay-sabay kaming lima na napatingin sa isa't isa. Maya-maya pa'y hinanap na namin yung phone na nagri-ring. And I found out na sa'kin pala yung phone na kanina pang tumutunog. Tinignan ko muna yung caller at saka ko sinagot.

"Hello?"

"Sino yan?" Pabulong na tanong ni Minzy.

"Si Papa YG." Pabulong ko ding sagot sa kanya. Pero parang di pa rin nakontento itong si Minzy. Nagtanong na naman kasi eh, kita namang may kausap ako.

"Ano sabi niya?" Pabulong niyang tanong sa akin ulit. Di ko na ma-explain sa kanya kaya ni-loud speak ko nalang.

"Vyeil, are you still there?" Hala. Di ko kasi narinig sinabi niya. Ito naman kasing makulit naming maknae (youngest sister) eh.

"Yes, I'm here Papa YG. What is it all about?" tanong ko sa kanya.

"Your school administrator requested your group to perform tonight at the party. Is it okay with you?" Tinignan ko muna silang tatlo at nung nagtanguhan naman sila ay sabay-sabay na kaming sumagot sa kanya.

"YES!" Kaming apat.

"Okay, good luck girls. Bye." pagpapaalam niya sa amin.

"Bye, Papa YG." At ni-end ko na ang call. Tinignan ko silang tatlo saka sinabing 'it's showtime girls'. Nagtawanan na kaming apat at saka nag apir. Napa-smirk naman ako bigla. We're gonna blow the party.

----------------------------------
Ayun oh! Another update. Haha! Naka-connect kasi sa wifi. Haha. Maraming salamat sa 'yo BonaparteReambonanza 😘

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon