Chapter 21: Her Comeback

111 1 0
                                    

Thank you sa mga nag-add ng story na 'to sa kanilang mga reading list at sa mga nagpatuloy sa pagbabasa ng istoryang ito.

Dae Eun's P.O.V

"Dae Eun, tapos na ba kayo diyan?"

"Opo, Tito. Saglit lang po ah?"

"Sige, bilisan niyo na diyan."

"Opo."

"Oh, princess, tapos ka na ba diyan? Tinatawag na tayo ng Daddy mo." Andito ako ngayon sa kwarto ni Vyeil at kasalukuyang kong hinahakot yung mga gamit naming dalawa palabas ng kwarto niya. Iniwan ko lang kasi dito yung mga gamit ko kagabi para di na ako mahirapan pang bumalik sa tinutuluyan kong bahay para kunin yung mga gamit ko. Ngayon na ang alis namin kasama ang kapatid kong si Sandara. Tsaka pati na din yung bandmates nilang sina Bom Park, at Minzy Gong. Actually, kami lang talaga dalawa ni Vyeil yung babalik sana sa Pilipinas kaso nagpupulit sumama itong tatlo. Ayaw daw nila mapahiwalay sa sisteret nilang si Vyeil. Wala naman akong magawa kasi naglulumpasay sila sa sahig nung di ako agad pumayag na isama sila. At napag-isip-isip ko din na mabuti na lang siguro na isama 'tong mga 'to para may kasama na si Vyeil na pumasok sa school. Bukod kasi sakin ay wala ng ba pang kaibigan itong si Vyeil.

"Dae Eun, ipabuhat mo nalang kasi yan kay manong Miko. Pabalik-balik ka nalang kasi dito sa kwarto eh." Andito na pala siya. Di ko man lang napansin.

"Nasaan na yung mga kaibigan mo?" Naalala ko lang sila kasi kanina pa ako pabalik-balik dito sa kwarto pero ni isa sa kanila di ko pa nakita eh. Nag-aalala lang ako baka kasi ma-late kami sa flight namin. Tinawag ko na lang si manong Miko para madala na 'tong mga gamit namin doon sa sasakyan.

Nasa tapat na kami sa gate nila nang biglang sugurin siya ng mga kaibigan niya. Nag-beso-beso sila't agad na pumasok sa sasakyan. Pinaandar naman ito agad ng driver nila patungong airport.

***********
"Vyeil, ready ka na ba?" Andito ako sa loob ng bahay nila para sunduin sina Vyeil papasok sa school. First day of school namin ngayon as college students except nina Minzy at Bom. High school pa kasi sila. Fourth year high school to be exact.

"Oo naman! Ako pa." At ngumisi lang ito pagkatapos niyang sumagot.

"Are you sure? Baka---" hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Agad na siyang sumagot eh.

"Ready na ako, Dae Eun. Don't worry about me. I can now handle myself." She said it with confidence. Tinignan niya ako sa mata.

Medyo okay na nga siguro siya ngayon. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Nang makarating na kami sa school ay agad na silang pinagtitinginan ng mga estudyante. Confident namang naglakad ang mga ito sa hallway. Hindi ako agad sumunod sa kanila. Hinayaan ko lang muna silang mauna sa akin. Di nga maikakailang mga model sila. Napapangiti na lang ako sa tuwing may pumupuri sa kanila.

"Wuahhhhh. Sino sila?" Girl 1

"Ewan best pero ang gaganda nila. Promise." Girl 2

"Girls, wala bang nakakakilala sa kanila?" Girl 3

"Wow! Pare chics oh." Boy 1

"Oo nga dude, saang department kaya sila nabibilang?" Boy 2

"Wuahhh. Grabi ang kikinis ng mga balat nila." Gay 1

"Oo nga sis, waley yung skin natin eh." Gay 2

Napangiti ako sa mga komento ng mga estudyante sa kanilang apat. Totoo namang magaganda, matatalino, sexy, at makikinis yung balat nila. Ang hindi nila alam ay may tinataglay na kabaliwan yang apat na yan.

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon