Chapter 9: The Prank Part 2

125 3 0
                                    

Vyeil's P.O.V

"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Nagsisigaw ako patungong fire exit. Sinusundan pa din ako nung lalaki.

Takbo lang ako nang takbo. Nang makarating na ako sa fire exit. Napahagulgol na lang ako nang iyak nang makitang wala ng hagdan ang fire exit ng building.

"Wala ka nang takas sa 'kin. *evil laugh*" -lalaki

Di ko maaninag yung mukha niya. Dim lang kasi yung light na nandoon sa fire exit.

Dahan-dahan siyang lumalapit sa kinatatayuan ko. At ako naman ay dahan-dahan ding napapaatras.

"Lord, help me po." Naiiyak kong dasal kay Papa God.

"Magdasal ka na habang may oras pa." Sabi nung lalaki habang humahakbang papalapit sa 'kin.

Napapaatras din ako hanggang sa wala na akong mahakbangan pa. Napasandal na yung beywang ko sa metal.

"A-anong kailangan mo sa 'kin? B-bakit mo g-ginagawa sa 'kin 'to? May nagawa ba akong kasalanan sa 'yo?" Nauutal kong sabi sa kanya habang mahigpit akong napahawak sa metal--yung hinahawakan natin pag pumapanik-panaog tayo sa hagdan.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay humakbang pa siya papalapit sa 'kin habang kinakapa niya yung likuran niya.

Nabigla na lang ako nang bigla niyang tinaas yung kanang kamay niya na may hawak na kutsilyo. Namutla ako bigla nang makita ko yun.

He swing his hands in a diagonal position.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Jae Min's P.O.V

"Nagawa mo na ba?" Tanong ko sa lalaking sinuhulan ko.

"Oo boss. Tapos na." Sagot naman niya.

"Good! Now, you may go." Pagtataboy ko sa kanya.

Napasandal ako sa swivel chair ko at pinatong yung mga paa ko sa table. Napangiti ako nang todo nang maalala ko si Min Suek.

"Akala niya mauuto niya ako. *evil laugh*"

Flashback

Naglalakad ako patungong tambayan namin nang tinawag akong bigla ni Min Suek.

Hinihingal pa siya nung humarap siya sa 'kin.

"What now?" Cold kong tanong sa kanya.

Inayos niya muna yung buhok niya at saka siya nagsalitang muli.

"May pinapasabi si Ate Principal sa 'yo." -Min Suek

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa malayo.

"Kita daw kayo sa lumang building mamayang 5pm. May ipapagawa daw siya sa'yo."

At ano na naman kaya yun? Tanong ko sa sarili ko.

"Ewan? Di niya sinabi eh. Geh una na ako sa tambayan."

Tinalikuran niya ako agad at dali-daling tumakbo patungong tambayan.

Ano na naman ipapagawa niya sa 'kin this time? Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis.

Nagsimula na akong maglakad ng may maisip akong idea. *evil grin*

End of flashback

------------------------------------------------------------------
Ayan na po yung part 2. Hope na magustuhan niyo. :)

Anyways, I want to announce that I can't update this week kasi po busy ako. Mag-uupdate lang po ako pag tapos na yung midterm examination tsaka pag tapos na akong mag-report sa Physics. I hope matatapos ko na 'tong story na 'to before magpasukan this June. Kasi mag-o-OJT na po ako. :)

After mag-OJT, pag nakapasa po ako, balak kong magsulat ng another story. Pero that time it'll be a fantasy/fantastic story. :)

P.S
Sa mga silent readers jan, vote lang po nang vote :D pag di kayo nakakapag-comment just go to my official page RitaJaneRodriguez - rjane510 or http://www.facebook.com/rjane510 :)


The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon