Chapter 11: Her Condition

151 3 0
                                    

Hi po sa inyong lahat! :) pasensya na po kayo kung maiikli yung mga naunang chapters, hayaan niyo po at hahabaan ko na po yung chapters na isusulat ko. Binasa ko po kasi yung story na 'to. And i realized how short those chapters were. Kaya sorry po talaga. From this chapter until sa last chapter asahan niyo pong mahahabang chapters na ang mababasa niyo. Well, anyways, sana po magustuhan niyo tong chapter na 'to. Medyo boring po 'to for me pero need ko po talagang iinclude tong chapter na 'to para di magmukhang chop-chop yung story. :)

Robert Lee's P.O.V

Halos tatlong oras na kaming naghihintay dito sa labas ng emergency room. Hindi pa din kasi lumalabas 'yung doktor. Nakayuko lang ako habang hinahagud-hagud naman ng asawa ko ang likod ko. Batid niyang sobra na talaga akong nag-aalala para sa anak naming si Vyeil. Alam ko din na nag-aalala siya pero sa aming dalawa ako talaga 'yung grabi kung mag-alala para sa anak namin. Alam kong iniisip niyo na para akong bakla sa mga iniisip ko. Sabihin niyo na'ng lahat ng pwedi niyong sabihin pero ganito talaga ako kapag si Vyeil na ang pinag-uusapan. Nawawala ang tapang ko. Nag-iisa lang namin siyang anak at ayokong mawala siya sa amin. Kaya nung nag-offer si Jerrick ng tulong ay tinanggap ko na lang iyon para mas madagdagan pa yung seguridad ni Vyeil. Di ko lang alam kasi kung anong pweding mangyari sa hinaharap. Mas mabuti na yung handa. Napatingin ako sa mga kasama ko. Apat lang kami dito sa labas ng emergency room. Pero hindi na namin kasama si Jerrick. Nag-iwan lang siya ng isa pa niyang tauhan para magbantay sa amin. Nagpaalam siya sa akin kanina na pupunta daw muna sila sa hideout place nila para pag-usapan yung tungkol sa balak niya. Si Dae Eun naman ay nagpa-iwan lang dito sa ospital para bantayan si Vyeil. Napapansin kong may tinatagong feelings si Dae Eun para kay Vyeil. Nararamdaman ko yun. Isa din akong lalaki kaya alam ko ang mga bagay na yan. Talagang concern siya sa anak ko. Kanina ko pa kasi siya nakikitang pabalik-balik ng lakad dito sa labas ng ER. Mas atat nga siyang malaman ang resulta mula sa doktor kaysa sa akin. Kaya ko siya pinagkakatiwalaan kasi alam kong mahal niya ang anak ko di lang sa may naramdaman ito kundi dahil din sa kaibigan niya si Vyeil. Naputol ang mga iniisip ko nang lumabas mula sa ER yung doktor. Agad ko siyang pinuntahan. Ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.

"I bet you are the parents of the patient." Tinitigan niya kami ni Lea bilang pagkumpirma kung kami nga ba ang mga magulang ng pasyente. Napakapit si Lea sa braso ko. Tinignan ko lang siya saglit. Nakikita ko yung pagkabahala sa mga mata niya. Well, ganun din ako kaya tumingin ulit ako sa doktor. Bumuntong-hininga muna ang doktor bago ito nagsalita.

"Didiritsahin ko na kayo mister at misis. Maraming sugat ang natamo niya at marami-rami ding dugo ang nawala sa kanya. Nasa kritikal po ang anak niyo. At na-comatose po siya." Napalanghap ako sa sinabi ng doktor. Napaiyak naman ang asawa ko. Pareho kaming nagulantang sa balita at ngayo'y nanginginig na ang buong katawan namin dahil dun. Muling nagsalita ang doktor.

"Sigurado ho akong sobrang lakas ng impact ng pagkabagok ng ulo niya kaya siya na-comatose. Under observation ngayon ang pasyente for 2 weeks. Hindi niyo siya pweding mabisita sa loob ng kwarto niya. I-a-update ko po kayo about sa kalagayan niya from time to time." Tumango lang kami ni Lea sa kanya. At saka nagpasalamat. Nagpasalamat din ito at saka umalis. Biglang napahagulgul ng iyak si Lea at tinulungan ko siyang makaupo sa upuan. Kahit ako naiiyak din sa nabalitaan namin pero pinilit kong maging malakas para sa asawa't anak ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Kung sino mang gumawa nito sa anak ko sinisigurado kong pagbabayaran niya 'tong lahat. You can't get away with this coz I won't let you. Sisiguraduhin kong magsasama kayo ni Satanas sa impyerno!

Dae Eun's P.O.V

Kanina pa akong di mapakali at palakad-lakad dito sa labas ng ER. Nung lumabas na yung doktor agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila ni Tito. Nakita kong nanginginig na ang buong katawan ni Tita Lea kaya ito napakapit sa braso ng asawa niya. Maya-maya'y nagsalita na ang doktor.

"I bet you are the parents of the patient." Tumango lamang si Tito bilang sagot nito sa doktor.

"Didiritsahin ko na kayo mister at misis. Maraming sugat ang natamo niya at marami-rami ding dugo ang nawala sa kanya. Nasa kritikal po ang anak niyo. At na-comatose po siya." Biglang nanigas ang buo kong katawan sa narinig. Comatose? Ibig sabihin di pa siya magigising ngayon? Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Awa, takot, lungkot ang tanging bumabalot sa aming lahat dito. Nagsalita ulit ang doktor.

"Sigurado ho akong sobrang lakas ng impact ng pagkabagok ng ulo niya kaya siya na-comatose. Under observation ngayon ang pasyente for 2 weeks. Hindi niyo siya pweding mabisita sa loob ng kwarto niya. I-a-update ko po kayo about sa kalagayan niya from time to time." Nagsitanguan na lamang sina Tito at Tita sa doktor at saka sila naupo. Nagpatuloy pa din sa pag-iyak si Tita habang niyakap ito ni Tito. Bakas sa mga mata nila ang sobrang kalungkutan at pag-aalala para sa anak nila. Habang tinitignan ko silang dalawa, bigla na lang ako nakaramdam ng galit. Gusto ko mang sumugod agad sa gumawa nito sa kanya pero di ko sila maiwan-iwan kasi dalawa lang kaming nagbabantay dito sa ospital. Baka may biglang susugod dito sa ospital at mapahamak pa lalo si Vyeil. Ayokong mangyari yun. Kaya hinayaan ko nalang si Prime na mag-asikaso sa plano.

----------------------------------
Hi readers :) mag-ingay naman kayo oh? Please? :D di ko alam kung papano to i-improve eh. So please po leave comments and vote each chapter :)

Di ko pa po alam kung when po yung next update ko eh. Hehehe. Sensya na po.

Kung may questions kayo just visit this page. RitaJaneRodriguez - rjane510 or just click this link http://www.facebook.com/rjane510officialpage


The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon