Chapter 3

701 32 8
                                    

Chapter 3: Understand

Nagmamadaling bumaba ang mga pinsan ko na akala mo'y mga kabayo. Saktong pagbaba namin ay lumabas din si Hydrolin sa kusina kaya sama sama na kaming nagpunta sa kung nasaan si Eli.

Paglabas ng mansion ay tanaw ko na ang ilang babae na siguro nasa mga lima sila. Nakapasok na sila sa loob ng mansion at parang kung ano ano ang sinasabi nila kay Eli na mag isa silang hinarap.

"Nasaan ba ang mga guards at bakit hinayaan sila na makapasok?" giit ko.

"Nag aagahan ata. Tara tulungan natin si Eli!" ani Dion sabay sugod silang tatlo wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod.

"Cheater ka Felizardo! Nililigawan mo si Joanna habang jowa mo na si Trisha!" ang isang babaeng maliit.

"Umiiyak na ngayon ang bestfriend namin! Anong gagawin mo?!" gatong ng isang babae.

Nang nakalapit na kami kay Eli ay bigla nalang natahimik ang mga babae at parang nahiya at namula.

"Una sa lahat, wala naman kaming relasyon ni Trisha ah? Mutual understanding lang kami at hanggang doon lang yun..." Eli said cooly.

Kalmado pa rin siya kahit na binubungangaan na siya ng mga babaeng nasa harap niya.

Napakurap ang mga babae at napalunok na parang tuluyan nang nahiya dahil na rin siguro sa presensya naming apat.

"Iyon naman pala eh. Bakit kayo sugod nang sugod ha?" sabat ni Hydro.

"Huwag kang mangialam dito, Condevilla! Ghoster ka rin eh!" ang isang matangkad na babae naman.

"Ha? Kailan pa?" anas ni Hydro.

"Alam niyo, girls. Mababait itong mga kaibigan ko kaya ano ba mga sinasabi niyo, ha?" singit ni Teodus at lumapit sa kanila. Nakita ko naman kung paano siya tignan nang masama ni Hydro.

"Uhm...k-kasi... A-ano..." utal utal na sila dahil na-intimidate ata sa kagwapuhan ni Teodus.

"Bakit hindi si Trisha ang pumunta rito at bakit kayo pa, ha?" gatong ni Dion.

Hindi na nakapagsalita ang mga babae dahil sa umepal kong mga pinsan kaya pumapel na rin ako.

"Kung totoo ang sinasabi niyo, mali nga ang ginawa ni Eli pero kung tama naman ang sinasabi ni Eli, mali na basta basta nalang kayo sumugod dito..." I said calmly and casually.

Napatitig sila sa akin at napalunok ng ilang beses na para bang kinakabahan. I know that I have the intimidating aura or vibe that's why I understand them.

"Papuntahin niyo si Trisha sa bahay namin, huwag dito at doon kami mag uusap. Puwede na kayong umalis..." ani Eli.

Hinatid ng tatlo ang mga babae kaya kaming dalawa lang ni Felizardo ang natira. Tinignan ko si Eli at nagulat ako dahil nakatingin na rin siya sa akin.

Ngumisi siya at naglakad na kaya sumunod naman ako.

"Grabe. Dami mong chicks ah!" halakhak ko habang sinusundan siya at sigurado akong sa rancho ang punta niya dahil hawak niya pa ang pagkain ng mga manok. Naudlot siguro ang ginagawa niya dahil sa mga babaeng dumating.

"Hindi naman. Mabait kaya ako! Masyado lang silang madrama at seryoso..." saad niya.

Tumango ako roon. "Pero totoo nga ba yung sinasabi nila sayo?" I interrogate him.

Nasa rancho na kami at pinagpatuloy niya na ang pagpapakain sa mga manok habang ako ay nasa gilid niya, pinapanood ang ginagawa niya.

Tinignan niya ako. "Mukha ba akong nagsisinungaling?"

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon