Chapter 39

516 19 4
                                    

Chapter 39: Awkward

Nanlalabo ang mata ko dahil sa humaharang na luha nang tignan ko siyang umalis at unti unti nang nawala sa paningin ko.

I wiped my tears and sighed. This day was emotionally exhausting. Lumabas na rin ako habang sumisinghot singhot pa pero wala na namang luhang tumutulo.

Nang lumabas ako ay alam kong iilang estudyante ang napatingin sa akin dahil galing ako sa lugar kung saan ginagawa ang mga kabalbalan ng iilan nang patago. At akala siguro nila ganoon din ako dahil galing ako roon pero wala na akong pakialam pa. Masyado nang mabigat ang dibdib ko at gusto ko nalang umuwi siyaka umiyak nang umiyak.

"Ryu! Saan ka ba galing---" natigil si Clarence nang makita ang itsura ko.

"U-Umiyak ka ba?" tanong niya.

Malungkot akong ngumiti. "P-Pagod lang. Kayo na muna sa ngayon, gusto ko lang magpahinga..." sambit ko.

Tumango siya at tinapik ang balikat ko. "Sige. Ingat ka ah! Rest well..." he smiled.

"Salamat. Pakisabihan nalang si Carl," habilin ko at nilagpasan na siya.

Nang nakasakay na sa kotse ay sinandal ko ang ulo sa may steering wheel at humagulgol muna ng ilang minuto bago matulin na pinaandar ang sasakyan.

Hindi ko alam kung anong iniiyak ko gayong inaasahan ko na dito naman talaga babagsak ang lahat. Pero ang bumabagabag sa akin ay kung bakit ganoon ang mga mata niya. Bakit parang nasasaktan din siya sa nangyayari sa amin pero naisip ko na may karapatan siyang masaktan dahil pagkakaibigan namin ang nakasalalay dito. He's treasuring our friendship that's why he's hurting too coz he didn't want us to end in this way.

Pero kahit anong gawin mo para hindi mangyari ang mga gusto mo, mangyayari pa rin ito. May posibilidad lang na hindi mangyayari kung hindi kami nagkakilala. Kung hindi kami nagkasundo.

Mas maganda nga ba kung hindi nalang kami nagkakilala? Siyempre hindi! After all, I'm grateful coz I found him. It's just stupid love that lead us to this moment.

Nakalubog na ang kalahati ng katawan ko sa may bath tub. Pinikit ko na rin ang mga mata ko pero bakit ang mata niya ang nakita ko imbes na dilim. In those eyes, there's pain and sorrow. Kapag nagtagal ang tingin mo, masasaktan ka rin.

Iniisip ko nalang ngayon ay kung saan siya nagpunta at...bakit niya ako niyakap nang mahigpit bago siya umalis? Napadilat ang mata ko sabay kuha ng cellphone sa may tabi. I was about to click Eli's number when I stopped. Sa huli, hinagis ko ang cellphone sa kung saan para matigil na ang kahibangan.

That hug. What's the meaning of it? Is it the sign of goodbye? Is that the beginning of us, drifting apart? And that thought is hurting me more.

Sige, Ryu! Saktan mo pa ang sarili mo! You're the person who has so many standpoint and beliefs but what happened to you? Love scattered you and your beliefs.

Lumipas ang ilang buwan na hindi kami nagkakasama pero lagi ko siyang nakikita. Iniiwasan ko nalang at alam kong ganoon din ang ginagawa niya dahil kung hindi niya nga ako iniiwasan, siya pa ang pupunta sa akin at kukulitin ako

Napapadyak ako at napabuntong hininga dahil sobrang bagal ng usad ng pila rito sa cafeteria. Hinihintay na kasi ako ng mga kagrupo ko sa library pero dahil nagugutom ako sapagkat kanina pa ako walang kain dahil abala sa mga schoolworks ay naisipan kong bumili sa gitna ng pagkakaabala.

Dalawa ang row ng pila at aksidenteng nadapo ang tingin ko sa katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Eli iyon. At mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin pero ako ay ngayon lang siya nakita.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon