Chapter 14: Dream
"Merry Christmas and Happy New Year, everyone! See you next year!" our teacher remarked that's why all of my classmates hooted.
"Bukas na ang christmas party, hindi ka talaga aatend?" ulit ni Gabriel at puro lang ako iling dahil paulit ulit sila.
"Hindi nga. Kulit ah,"
"Sama nalang kami sa Casa Poblacion?" aniya.
Binatukan ko siya. "Sumama ka sa pamilya mo!" giit ko rito dahil pinipilit niya talaga na umalis kami gayong christmas holidays so we should spend our time with our family.
Kumain muna kami ng mga kaibigan ko sa labas at pagkatapos noon ay umuwi na ako sa condo ko para mag ayos ng mga damit dahil mamaya na ang alis namin papuntang Casa Poblacion.
Sa kalagitnaan ng pag-iimpake ko ay tumawag si Mommy at sinabing hindi sila makakasabay sa akin kaya no choice at ako lang ang mag isang uuwi roon.
"But I gave them noticed that you're coming. Malinis na raw ang kuwarto mo. I'm sorry, hijo... Pero susunod naman kami roon ng Dad mo," ani Mommy.
"It's okay, Mom. I'll understand. Just take care both of you and Dad,"
Nang natapos na ang tawag ay naglinis naman ako at ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa mag-hapon na. Humilata lang ako sa sofa nang natapos maglinis at tumingin tingin lang sa social media while watching a series and eating at the same time coz cleaning and packing made me hungry and exhausted.
Napabangon nga lang ako nang may kumatok. Kumunot ang noo ko at kung sino man iyon ay panira siya. Ang ganda ganda na ng pagkakahiga ko at ang ganda na ng esksena sa pinapanood ko tapos biglang kakatok? How disturbing!
Umayos ang mukha ko nang makita kung sino ang kumakatok nang sumilip ako sa peephole. It was her, the girl next door, Roxana. That's why I have no choice and I opened the door then I smiled to her.
"Hi! Nagluto ulit ako." aniya sabay lahad ng isang tasa na may lamang champorado.
"Woah. Thanks. Nabubusog ako sa mga binibigay mo these past few weeks, huh? And in fairness, you cooked well." daldal ko bago kunin ang champorado.
"Talaga? Thanks for the compliment. At siyaka, ilang beses mo na rin naman akong tinutulungan, bumabawi lang..." aniya sabay angat ng glasses niya.
I nodded and smiled. "Thank you ulit."
Tumango siya. "Your welcome." then tumingkayad siya para tignan ang loob ng unit ko.
"You're leaving? Tapos na ba ang christmas party niyo?" usisa niya nang nakita siguro ang mga maleta.
"Ah, hindi pa pero hindi naman ako aatend," payak kong sagot.
"Oh. I see. You like being alone, don't you?" she smirked.
"Well, yes."
"Ako rin naman. But I gained more friends this year so I chose to go to our Christmas party," kuwento niya at tumango lang ako.
"Ganoon ba. Enjoy your party then and happy holidays!" I greet in advance.
She nodded and smiled. "Happy holidays to you and your family. Sige, maiwan na kita! Ingat ka!" aniya at tumango kami sa isa't isa bago siya bumalik sa unit niya.
She's talkative today huh. It seems like she want to ask me or know me but my response were pretty bored and simple and she noticed it that's why she'd killed the conversation.
I felt bad. Babawi nalang ako sa kaniya next year since she's friendly and pretty obvious that she want us to be friend.
Lumipas pa ang ilang oras at nang natapos na akong magpahinga ay naligo na ako at nagbihis na saktong dumating na ang driver kaya pinababa ko na ang mga maleta ko habang nagbibihis ako.
BINABASA MO ANG
Memories in the Roads (Street Series #3)
Romantizm📍Nuestra Street Ryu Concepcion, the matured, smart and wise son never expected that he will met a boy who's opposite to him. He met Felizardo Reyes on a hot summer in Casa Poblacion. He already knew his gender identity and he discovered more when...