Chapter 9

545 27 2
                                    

Chapter 9: Bitter

They both look happy. Hinahawi pa ng lalaki ang buhok ni Joanna at namumula na ang mga pisngi nito. Matutuwa pa sana akong tignan sila kung wala siyang nilolokong tao.

"Huy! Sino tinitignan mo?" si Eli na lilingunin na sana ang tinitignan ko pero mabilis kong hinawakan ang baba niya para sa akin siya mapatingin.

Nagulat siya sa ginawa ko. Bigla kong pinunasan ang labi niya para ayun nalang ang gawing dahilan.

"May dumi..." I reasoned.

"May tissue naman, bakit pa kamay mo pa pinang punas mo!" aniya at kumuha ng tissue para ipagpatuloy ang pagpunas sa bibig niya at yung daliri kong pinangpunas ko.

Tapos ay napakurap si Eli, gulat sa ginawa ko pero mabilis naman din siyang nakabawi at nagpatuloy na sa kuwento niya. Iniwasan ko nalang ang tumingin sa kay Joanna para hindi na rin tignan ni Eli.

"Private school ka nag aaral diba?" he questioned.

"Yup," sagot ko.

"Ano bang ginawa niyo? Ang tagal pa ng pasukan ah? Or parehas ba tayo ng petsa ng pasukan?" he inquired.

"Well, mauuna kami. At siyaka ganoon talaga sa school bago magpasukan. Hindi ba may ganoon rin kayo? What do you call it?" I said as I sliced the burger steak. Nilagyan ni Eli ng straw ang inumin ko.

"Brigada Eskwela," he smirked.

"Oo, yon! Pero activities ang sa amin eh, like team building at ibang games na sinusukat strength at attitude namin," I explained.

He nodded that's why I continue my story because he's listening attentively. Hanggang sa naubos ang pagkain namin ay nagkukuwento pa rin ako tungkol sa nangyari sa nakalipas na araw pati na rin sa pinuntahan naming business event.

"Gusto mo talaga ang mga business topic no?" tanong niya.

I nodded enthusiastically. "Sobra! Nagustuhan ko na rin kasi iyon lagi ang inaatupag ng mga magulang ko at naririnig ko ang usapan nila Daddy so, nahumaling na rin ako. Ikaw ba? May naisip ka na bang course sa college?" I asked while I am sipping on my coke.

Pasimple rin akong tumingin sa banda ni Joanna at nagulat dahil nandoon pa rin sila! What the heck? Hindi pa ba sila tapos kumain? Kung tapos na ay dapat umalis na! Wait, tapos na rin pala kami pero hindi pa kami umaalis dahil napapasarap ang usapan namin ni Eli. At mukhang ganoon din si Joanna at ang boyfriend niya.

"Hindi ko pa alam eh. Wala pa akong desisyon pagdating sa ganiyan," sagot niya.

"Okay lang yan. Matagal pa naman eh. Pero sa senior high? Anong strand ka?" I keep on asking para malibang siya at hindi na kung saan saan tumingin!

He sighed and smiled. "Wala pa rin,"

Napakurap ako sa sagot niya pero tumango rin dahil mabilis siyang naintindihan. Hindi naman din required na kailangan mayroon na kaming napili. Mahaba pa naman ang proseso bago kami makatungtong sa senior high. May two years pa so I understand him.

"Nalaglag yung kutsara ko. Kukuha lang ako para makain ko na itong sundae ko---"

"Ako na kukuha!" pinigilan ko siya sa pagtayo kaya kumunot ang noo niya pero umupo na ulit kaya tumayo na ako at naglakad na sa kung saan nakapuwesto ang mga kubyertos.

Nang naglalakad na ako pabalik ay nakita kong kalalabas lang ni Joanna kasama ang boyfriend niya. Umalis na sila sa wakas!

"Oh." inabot ko na ang kutsara sa kaniya sabay tingin sa sundae niyang tunaw na!

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon