Chapter 8

527 26 1
                                    

Chapter 8: Foolish

Nang matapos kaming magtanghalian  kasama ang mga pinsan ko ay lumabas ako ng mansion at naupo sa may bench na tanaw ang rancho.

Para akong giraffe dito dahil kung saan saan na ako lumilingon at sumisilip para hanapin siya pero hindi ko siya makita. Bumagsak ang balikat ko at napangiwi. Ni hindi ko man lang siya nabati. Kung bigyan ko kaya siya ng regalo?

Kaya nga hinahanap ko siya dahil magpapasama ako sa malapit na mall at nang mabili ko man lang siya ng regalo. But he's nowhere to be found. Then I realized its lunch time so probably he's with his family at their home.

"Hi, Ate Vera! Alam niyo po ba kung saan ang bahay ni Eli?" tanong ko sa isang kusinera nang lumabas ito para ihatid sa akin ang dessert ko.

"Sa may Nuestra Street, bandang gitna." sagot niya sabay ngiti.

I smiled. "Thank you po..." sabi ko at mabilis na kinain ang minatamis na saging at umalis na rin kalaunan.

"Kuya Ed, may bike ba tayo riyan?" tanong ko sa isang driver.

"Aba'y siyempre! Pero itong bike nalang ni Sir Teodulo ang gamitin mo dahil hindi niya naman ito nagagamit," aniya at nilabas na ang bike sa garahe.

Mabilis ko itong pinadyak palabas sa mansion at mabuti nalang ay may mga street sign kaya hindi ako maliligaw. Nang nakapasok sa Nuestra Street ay walang tao sa labas dahil tanghaling tapat pero may natanaw akong naglilinis ng bike at habang papalapit ay nakilala ko na kung sino iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Ryu? A-Anong ginagawa mo rito?" gulantang niyang tanong sabay tingin sa bike na gamit ko.

Bumaba ako at ginilid ko ang bike. Tinignan ko ang bahay nila at halos magkakapareho lang ang bahay dito sa street nila, iba iba lang ang kulay. Then I looked at him and smiled. He's topless, just his jersey short.

"Happy birthday!" bati ko.

He blinked and remained statue. "Nagpunta ka r-rito para batiin ako?" aniya.

Tumango ako. "Yup. Sorry if I forgot. Samahan mo ako sa mall?" aya ko.

Nabitawan niya ang hawak niyang basahan at napalunok. Natawa naman ako sa gulantang niyang reaksyon na para bang hindi siya makapaniwala.

Suminghap siya at nagsimula na niyang ligpitin ang mga ginamit niya.

"Pero kahapon pa ang birthday ko, Ryu. Hindi ngayon." he said coldly.

"I know. Edi belated happy birthday!" pambawi ko.

Kunot noo niya akong tinignan at tumama ang sikat ng araw sa mukha niya kaya mas lalong nagliwanag ang kagwapuhan ng mukha niya.

He has a thick brows and long lashes with his brown eyes that are very attractive and it looks like a deep precipice which is dangerous if you fell.

"Bakit kasi ngayon ka lang umuwi. Alam mo bang inaasahan kita sa birthday ko? Balak ko pa naman na ilibre ka kahit sa fast food lang," sambit niya at napangiti ako dahil para siyang nagtatampong bata.

"Nawala rin sa isip ko eh. Sobrang busy kasi sa school at may pinuntahan pa kaming business event. Coz you know... I like business topics," paliwanag ko.

Malungkot siyang tumango at tumayo na rin sabay pagpag sa kamay.

"Tapos na rin naman eh. Ano pang magagawa ko," he just shrugged.

"Kaya nga samahan mo ako sa mall eh," banggit ko ulit.

Tinititigan niya ako. "Ano naman gagawin natin doon?"

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon