Chapter 32

503 19 1
                                    

Chapter 32: College

"Ang gara mo talaga, Ryu. Nakakatampo ka..." Gabriel being dramatic.

Nandito ako sa Maynila para kuhanin ang ilang mahahalagang gamit ko dahil sa susunod na linggo ay pasukan na. Kaya binisita rin ako ng dalawang kaibigan ko.

"Oo nga! Akala ko ba hanggang college?" si Harvey.

Bumuntong hininga ako. "Well, nagbabago ang isip ng tao. Ayaw niyo naman sa Santa Rosa eh?" sambit ko at sinara na ang luggage.

"Huh? Hindi naman iyon ang usapan natin ah? Noong highschool palang sabi natin sa Harvard or Yale tayo? Tapos ikaw sa Santa Rosa?!" hinaing ni Gabriel.

"I've changed my mind. Isa pa, huwag niyong minamaliit ang university na papasukan ko ah! Hindi porke sa Ateneo kayong dalawa!" bulyaw ko sa mga ito.

Pareho silang bumuntong hininga at ngayon palang ako tutulungang maglinis! Nag rant pa talaga sila sa akin bago tumulong!

"We'll pay a visit nalang. Pero, habang buhay ang tampo ko o kahit sa susunod na buhay! Magtatampo ako kasi sinira mo plano natin!" patuloy pa rin si Gabriel.

"Whatever. Plano lang ang nagbago, okay? Kaibigan ko pa rin kayo! Pero kung kakalimutan niyo ako---

"Ang drama nito!" binato ako ni Harvey ng damit. I smirked and shrugged. Sila nga itong madrama!

"Hindi yan mangyayari, Ryu. Kahit pre-law ang kinuha kong course at si Harvey ay pre-med. Gagawa kami ng oras para sayo!" sambit ni Gabriel.

"Woah. Aasahan ko yan? Punta lang kayo sa bahay anytime. May sasakyan na rin naman kayo di'ba?" giit ko. Tumayo ako at nagpunta sa kusina para maghanda ng pagkain. Kailangan na namin kainin ang lahat ng stocks ko sa ref para hindi masayang or yung iba ay ibibigay ko nalang sa guard at driver namin.

"Yup. Dalhan ka namin ng babae?" Harvey jeered.

"Shut up. Hanapan niyo muna ang mga sarili niyo!"

Napatayo si Harvey at lumapit na rin sa kusina't umupo sa stool. "I have a girlfriend..." he smirked arrogantly then he bit the apple.

Lumapit na rin si Gabriel, gulat ang mga mata. Nabigla rin naman ako pero inaasahan ko na yun. Gabriel and Harvey are both immaculately handsome like a male models of Calvin Klein. Pare pareho lang kami ng tangkad pero mas malaki ang katawan nila sa akin. Naging parte na kasi ng daily routine nila ang gym samantalang ako ay tumigil muna. Gabriel's skin color is more brighter than Harvey pero maputi naman silang pareho.

"Ikaw ba, Gabriel...wala pa rin?"

Gabriel sighed and he snatched the apple from Harvey's hand. "Wala pa. Mahal ko pa eh..."

Kaya gulat namin siyang nilingon ulit ni Harvey. "You mean Roxana?! You still love her?!" si Harvey.

Gabriel nodded like a puppy. "Yeah. Sinabi ko sa kaniya na maghihintay ako at hayaan niya akong ligawan siya sabi niya ako raw bahala..." saad niya.

"Oh. Akala ko wala na..." kumento ko.

"Nope. Mayroon pa, nag uumapaw na nga eh," aniya at madramang hinawakan ang dibdib.

"Sabi ko sayo di'ba subukan mo munang layuan at maghanap ka ng babae para makalimutan mo siya? Gayahin mo ako!" Harvey said.

"No. I've tried that pero... siya pa rin." he said seriously.

Natahimik kaming dalawa ni Harvey. Napatitig naman ako sa niluluto ko at iniisip na naman ang sinabi niya. Dahil paano kung maging ganoon din ang kahinatnan ko?

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon