Chapter 5: Dreams
Walang tigil ang pag iyak ko at ni Teodus na habang tumatagal ay lumalakas lang ito dahil sa patuloy na daloy ng takot at kaba sa sistema ko.
Bumaba na ang dalawang bata matapos nilang mapatulog ang dalawang lalaking kumuha sa amin.
"Hawak ka sa akin, hindi kita bibitawan..." boses ng isang lalaki at hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil hinaharangan na ng luha ang paningin ko.
Suminghot ako at inalis ang luha sabay pikit. Maya maya lang ay pinatong ko na ang kamay ko sa kaniya at nang nakatapak na ako sa lupa, huli na nang malaman kong malambot ang natapakan ko kaya dumulas ako at akala ko...
Katapusan na ng buhay ko pero mabuti nalang ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko kaya napakapit ako sa isang sanga.
"Kumapit ka nang mahigpit. Hindi kita bibitawan, Ryu... Kapit ka lang ah!" patuloy niya at puro tango lang ako.
"Hihilahin na kita..." dagdag niya at maya maya lang ay naramdaman ko nang hinihila niya na ako kaya ang ginawa ko ay tinulungan ko rin ang sarili kong umangat.
Hingal na hingal ako nang makatungtong sa kalsada. Tanging takot lang ang nararamdaman ko. Napaupo na ako dahil sa labis na panghihina at pagbuhos ng luha.
Tumabi sa akin ang batang lalaki at hinagod ang likod ko. "Ligtas ka na, ligtas na tayo..." he whispered.
Tumango ako at maya maya lang ay tuluyan na akong nawalan ng malay at bumagsak nalang ang ulo ko sa balikat niya.
"Ako na po, Lolo..." I heard his voice and he touch me.
Unting unting dumilat ang mata ko at ang una kong nakita ay ang mukha niya at ang matang may pag aalala. Nagulat siya nang makitang gising na ako pero patuloy niya pa rin akong hinila kaya napaupo na ako at mabilis kong sinapo ang ulo.
He bent just to level my sight. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at bakas pa rin sa mata niya ang labis na pag aalala.
"Ayos ka na ba, Ryu? Nandito na tayo sa mansion..." Eli whispered.
Inalis ko ang kamay ko na nakaharang sa mata ko para tignan siyang mabuti. He swallowed and tried to flash a smile but his eyes are telling me that he's still worrying about me.
"Ryu!" my mom arrived.
Tumayo na si Eli at tumabi para bigyang daan ang Mommy ko. Mabilis akong niyakap ni Mommy at sa nakita ko rin si Daddy na kausap na si Lolo Zardo at Eli.
"Ayos ka na ba, anak?" ang nag aalala kong ina at tinignan ang lahat ng anggulo ng mukha ko.
"I'm okay now, Mom. Don't worry---"
"No! You're pale, hijo!" she contradicted.
Narinig ko na rin ang mga yabag at boses ng mga pinsan ko para makiusisa sa akin. They are all look worried about me that's why I smiled to assured that I'm feeling better now.
"What happened, Tita?" Teodus asked.
Naka jersey sando pa sila at pawis na pawis. Mukhang naglalaro sila ng basketball pero natigil nang malamang nandito na ako at nalaman siguro nilang nahimatay ako kanina.
"Kuwento ko sa inyo, iwan muna natin si Ryu..." si Eli at pinili niyang paalisin ang mga pinsan ko at nagawa niya naman iyon pero bago sila mawala ay nilingon niya ako. Ngumiti kami sa isa't isa.
"Tinawagan ko na si Dra. Santos, papunta na siya rito. Let's bring him to his room," Dad said and he carry me like a baby.
Gusto kong magreklamo at sabihin na ipasan nalang ako pero ngayon pa talaga ako magrereklamo gayong natataranta na silang lahat dahil sa nangyari sa akin.
BINABASA MO ANG
Memories in the Roads (Street Series #3)
Romance📍Nuestra Street Ryu Concepcion, the matured, smart and wise son never expected that he will met a boy who's opposite to him. He met Felizardo Reyes on a hot summer in Casa Poblacion. He already knew his gender identity and he discovered more when...