Chapter 18

474 24 0
                                    

Chapter 18: Life



It was like my responsibility or an obligation that pushed me to the edge. And I don't understand everything, why the hell I'm doing this.

"I'll pay for everything. Pero kung magbabayad siya, tanggapin niyo pa rin..." paalala ko sa kahera na kasabwat ko na ngayon.

"Ha? P-Paano---"

"Maybe one thousand or less than per day. Basta babaan niyo lang ang presyo---"

"Itatabi po namin ang bigay niya at ibibigay sayo?" ang kahera na nakangiti na dahil nakuha ko na ang loob niya.

"No need. Sayo na yun as a tip. Pero kapag nalaman ko na malaki ang siningil mo, yari ka ah!" giit ko dito. Kung kausapin ko siya ay parang magkaedad lang kami kahit nasa mid twenties na itong kausap ko.

"Okay, Sir! Maasahan mo ako riyan," anito at sinukbit ang buhok sa tenga at biglang nagpabebe kaya mabilis na akong umalis dahil baka maging personal pa ang tanong niya.

Kumain kami ni Eli at binigyan pa nga kami ng lamesa habang pinapanood pa rin ang ginagawang sasakyan. Nakatitig lang ako kay Eli habang ngumunguya, siya naman ay hindi na natanggal ang tingin sa sasakyan.

"Huy. Kain muna..." saway ko rito.

He smirked. "Sorry. Obvious na obvious siguro yung excitement ko no?"

Tumango tango ako. "Halatang halata. Ganyan ka ba kasabik na mag roadtrip?"

He nodded enthusiastically. "Oo! Grade seven palang nananaginip na ako nang gising at pinapangarap ko nang makarating sa iba't ibang lugar..." here we comes again to his stories but to be honest, it's not boring when he's being talkative lika this. In fact, I like it.

"Dapat noon palang sinabi mo na sa akin. Kahit yung sasakyan muna ang gamit natin at kasama si Lolo Zardo!" I stated that he immediately opposed.

"Ayaw ko ng ganoon. Gusto ko, sariling sasakyan. Sariling ipon ko," he said firmly.

I just shrugged it off and continue eating while listening to his nonstop stories.

Days keep on flowing like a waterfall and each day was passing with a joy and contentment in my heart. Who would ever thought that I will love this place not just because its peaceful and serene, but I enjoyed what I'm doing here...with him, sometimes.

Katatapos lang namin maglaro ng video games ni Eli sa kuwarto ko at umalis na rin kami nang natapos. Mahigit isang linggo na ang lumipas mula noong pinagawa ang sasakyan at ngayon ay puwede na namin itong kunin.

"Sinunod ko ang gusto mong kulay, Ryu. Neutral colors favorites mo di'ba? Pero hindi ko pa alam ang final results, kaya hindi lang ikaw ang mamangha. Ako rin." daldal niya.

And for the second time, we chose not to use a car nor motorcycle. We need to commute once again even if half of me, isn't comfortable but I have no choice.

Pero naging maayos naman ngayon ang pag-commute namin. Smooth lang at ngayon ay pareho kaming kinakabahan habang papalapit na kami sa repair shop.

"Ang lamig ng kamay ko oh," Eli blathered then he held my hand.

Nagulat ako roon kaya mabilis kong binitawan ang kamay niya na mabuti nalang ay hindi niya napansin dahil nalaglag na ang panga niya at halos lumuwa na ang mga mata. Natigil siya sa paglalakad kaya natigil din ako at nang tignan ang tinitignan niya ay namangha rin ako.

It was the car! A new renovated car and it looks so vintage and classic! I have never thought that it would ended up like this. It's so beautiful and overwhelming.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon