Chapter 48

727 26 3
                                    

Chapter 48: Understand

I didn't give my answer. Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita ng kahit ano. Bakit ba kasi kailangan niya pang itanong ang bagay na yan. Sinusubok niya ba ako?

Tumawa siya at dinilaan ang ibabang labi. "Hindi ka makasagot. So ako pa rin---"

"Hindi na. Anyway, should we proceed to contract signing? I'll have work in Manila so I need to go back as soon as possible." putol ko.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin. Nag-iwas naman ako at inubos nalang ang pagkain. Akala ko'y dito na nagtatapos pero bumalik pa kami sa bahay niya!

"Pabalik balik tayo? Bakit hindi mo nalang pirmahan ang kontrata nang matapos na?" giit ko nang nakita kong huminto na sa tapat ng bahay niya ulit.

"You're running away from me again, huh? Yung totoo lang, Ryu. Minahal mo ba talaga ako?" tanong niya ulit pero mas galit na ngayon. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at tatanggalin ko na sana ang seatbelt pero pinigilan niya!

"What's your problem? Sinagot ko na ang tanong mo, Eli! At hindi ako nagpunta rito para sa ganyang bagay. I'm here for business purposes so be formal!" bulyaw ko sa harap ng mukha niya at marahan siyang tinulak. Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok na sa vicinity ng bahay niya.

Narinig ko naman ang mabibigat niyang hakbang na nakasunod sa akin na para bang galit na galit.

"Sign these papers---"

"I won't if you will not tell me why the hell you ran away from me before, Ryu!" untag niya kaya nilapag ko ang papel sa lamesa bago siya hinarap.

"Hindi ko kailangang sagutin yan, Eli. Tapos na yan at ilang taon na ang lumipas---"

"Pero sa ilang taon na lumipas, iyon lang yung tanong na bumabagabag sa utak ko! At gusto kong marinig ang sagot na galing mismo sayo, Ryu!" galit niyang utas at humakbang palapit na siya namang pag-atras ko.

My tears emerge as I see the anger and sorrow on his eyes. I looked away coz it's painful.

"I have love---"

"You never love me before! It was a one sided love, Eli! Ako lang ang nagkagusto sayo at kahit kailan hindi mo ako nagustuhan---"

"Yun ang akala mo! Kung sana tinuloy mo ang pagtawid at hindi ka tumakbo, edi sana nasabi ko na sayo kung gaano kita kamahal, Ryu!" agap niya na nagpagulat sa akin.

It was just a thought for me but now that he said, it was true that he loved me before. Ngayon ko lang nalaman at iyon siguro ang tinutukoy niyang mahalagang bagay na sasabihin sa akin kaya kailangan naming magkita.

He snatched my hand aggressively. "At sinabi mong hindi na ako pero ano 'to?" giit niya. Napatingin ako sa may daliri ko sa kung nasaan ang singsing niya.

Nagkatinginan kami. Naluluha na ako samantalang siya ay galit na nakatingin pero sumisilay na rin ang luha sa mata.

Many years passed na hindi ko namalayan na nakasuot pa pala sa daliri ko ang singsing. Pero sino ang niloloko ko? May mga gabi na tinititigan ko nga ito habang iniisip siya. Habang inaalala ang mga memories namin. Ang totoo, hindi ko lang talaga tinanggal.

Mabilis akong tumalikod dahil tumulo na ang luha ko at ayaw kong makita niya iyon. Naglakad ako at huminto sa harap nang makapigil hiningang tanawin. Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang pagpupunas ng luha.

"So you still love me all these years?" he followed me.

"Ryu!" sigaw niya nang hindi ako sumagot.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon