Chapter 38

492 24 4
                                    

Chapter 38: Us

Nang tumingin ako sa side mirror ng kotse ko ay nakita kong nakasunod si Eli gamit ang kaniyang motor!

He's following me that's why nervousness devouring my whole body and my heart started to throb also. Mas binilisan ko ang andar ng sasakyan at mabuti nalang ay walang traffic dahil hindi ko alam ang gagawin kung mag-aabot kami sa daan.

Kung uuwi ako sa bahay, for sure doon din ang punta niya. Kaya ang ginawa ko ay nilihis ko ang daan para mawala ko siya at nagtagumpay naman ako roon. Ngayon, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

It's Harvey calling.

"Hello, Harvey?" I answered, nanginig pa ang boses ko.

"Where are you? Busy ka ba?" he asked.

"N-No... Not totally. Why?"

"Good! Then, umuwi ka ng Maynila. We need to celebrate!" he said energetically.

"Celebrate what?"

"Huh? Hindi mo alam? It's Roxana's birthday! Inutusan niya ako na tawagan ka!" anito. Medyo nabigla ako roon dahil hindi ko naalala.

"U-Uhm... Yeah sure!" I decided impulsively.

"Great! Gabriel pupunta raw si Ryu!" balita nito kay Gab at mukhang magkasama pa sila ngayon.

Wala na akong nagawa kundi ang umuwi ng Maynila pero uuwi muna ako sa mansion namin doon para maligo at magpalit ng damit.

I sighed and slowly tapped the steering wheel then I licked my lips. It's crazy that I am going far because I don't want to talk to him coz it's gonna be awkward for sure!

Bakit ba kasi bigla nalang akong umamin sa ganoong paraan? Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob, umamin na agad ako! Pero hindi ba iyon ang hinihintay ko? Kaya dapat magaan na ang loob ko ngayon dahil sa wakas, matapos ang ilang taon, nakaamin na rin ako. Pero bakit parang bumigat pa ito?

Because it's not appropriate? Kulang ang ginawa ko at dapat ba nag-usap kami nang masinsinan? And shit why I am running away now! Hinampas ko ang manibela pero napanghihinaan na ako ng loob na bumalik.

Napamura ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Eli! Napalunok ako at hindi na pinansin iyon. Nag-focus nalang ako sa pagmamaneho pero maya't mayang tumutunog iyon na para bang hindi niya tinatantanan! Then after more attempts of him calling me, he bombarded me with his messages.

Eli:

Ryu, magusap tayo.

Ryu, bakit ka lumalayo? Kailangan natin magusap.

Thoryusop! Duwag ka na ba ngayon? Mag-usap tayo!!!

Ryu!!! Ryu!!! Ryu!!!

Tangina naman, Ryu, ano ba! Nasaan ka? Nandito ako sa tapat ng bahay niyo!

Sabi ni Dion hindi ka pa raw umuuwi? Saan ka nagpunta?

Sumagot ka naman hoy. Huwag mo akong pagmukaing tanga.

Ryu. Please.

Because of guiltiness, I turned off my phone. I shut my eyes and breathe heavily. Dapat pala hindi ko nalang binasa ang mensahe niya dahil nakonsensya lang lalo ako. At ngayon pa talaga? Kung kailan nasa malayo na ako?

"Tangina... Bakit ba ikaw pa." I mumbled to myself as I wiped my tears.

Umiyak lang ako habang nagmamaneho dahil akala ko sa simpleng pag-amin ay magiging maayos na ang lahat. Pero mukhang kailangan talaga naming mag-usap para maging klaro ang lahat.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon