Chapter 29

499 24 3
                                    

Chapter 29: Moments


Kasing liwanag ng umaga ang kaniyang ngiti, ganoon din ang ginawa ko at nagkatitigan pa kami ng ilang minuto bago bumangon at maghanda na sa pag alis.

"Ako naman ang magmamaneho," presinta ko habang kumakain kami ng breakfast.

Nakatitig siya sa akin habang umiinom ng kape which is weird. Ang tahimik niya lang at nakatitig lang sa akin sa buong agahan namin.

"Y-Yeah... Sure..." he said and swallowed hard.

I looked at him firmly. Nang makita niyang ako naman ang nakatitig sa kaniya ay nag iwas naman siya ng tingin. What's up with him?

And after we ate breakfast we started to conquer the road once again and the scenario repeat on the next days.

Halos isang linggo rin kaming nawala sa Casa Poblacion at ngayon lang nakabalik. Binababa na ni Eli ang mga gamit namin at inaabot niya sa akin ito. Nasa tapat na kami ng bahay nila. Napansin ko rin na parang parehong naging tanned ang balat namin.

"Namumula ka na naman..." puna niya kaya tinignan ko ang mukha sa salamin.

Heck, my face is blushing! Pero ganito talaga ang reaksyon ng mukha ko sa tuwing summer at dumagdag pa ang pagbibilad namin sa araw.

"Yeah. Anong gagawin mo buong maghapon?" tanong ko nang natapos na niyang ilabas ang gamit namin.

"Magpapahinga tapos lilinisin ko si Yuli," he said and he tapped our car.

"Okay. See you tomorrow then?"

He smirked and his eyebrows nodded.

"Thank you, Ryu. Sobra sobra akong nag enjoy..." he uttered the drill. Dahil lagi nalang siyang nagpapasalamat sa tuwing nakauwi na kami galing sa roadtrips.

"You're welcome. I enjoyed a lot too..." I smiled happily.

Nagtanguan kami sa isa't isa at hinatid niya pa ako sa mansion gamit ang bisikleta niya at nanibago na naman ako dahil ang tahimik niya na naman.

Pagpasok ko sa kuwarto ay naghubad na ako ng T-shirt at diretso agad sa kama dahil napagod din ako nang sobra sobra. At buong maghapon ay tulog lang ako, nagising lang ako noong mag gabi na dahil tinawag ako ni Dion para sa dinner.

"Wow. Natutulog na ng nakahubad kasi maganda na ang katawan! Baba ka na, kakain na tayo!" masayang bungad ni Dion nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Ngumiwi ako at nag unat unat pa sa harap niya para ipagyabang ang katawan ko dahil lagi niya akong tinutukso noon. Ngayon ay pumalakpak pa talaga siya.

"Yeah. Susunod na ako..." giit ko at pinagsaraduhan na siya ng pinto.

After I took a bath and wear a comfy clothes I went downstairs. Like usual, kaming magpipinsan lang ulit ang magsasabay sabay na magdinner.

"Where's Teodus?" I asked. Dahil kaming tatlo lang ang magsasabay.

Nilalapag na ng mga kasambahay ang iba't ibang putahe. Natawa si Dion sa tanong ko.

"Nasa Maynila. Sinamahan si Tita. Kawawa nga dahil hindi siya makakasama sa birthday ni Hydro bukas..." halakhak niya.

Ngumiwi ako at naglagay na ng kanin. Nga lang, napatingin ako kay Froilan dahil tulala ito at parang tinatamad pa itong kumain.

Nagkatinginan kami ni Dion. Nginuso ko si Froilan kaya tinignan niya na rin at siniko pa ito.

"Fuck! Nakakagulat ka naman!" Froilan almost yelled shockingly.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon