Chapter 49: Violent (R|18)
He's confusing me. Kung ipapaliwanag ko na ba ang lahat ay hahayaan niya na akong maka-uwi? Hindi naman talaga dapat sa ganito mauwi ang lahat. Hindi ito ang inaasahan ko pero ito ang ginagawa niya.
"I'll cook." presinta ko at nagpunta na sa kusina.
Tinignan niya ako bago siya dahang dahan na tumango.
"I'll go to my table for some works. Tawagin mo nalang ako kung luto na," aniya sa isang relax na boses na ngayon.
I forced to smile and nodded at him. Bago siya umakyat ay nagkatitigan muna kami at para bang malapit na siyang ngumiti pero pinipigilan niya.
I'll cook some rice and food. Sa pagluluto ko ay lagi nalang akong namamangha dahil ibang iba na talaga ang mga kagamitan ngayon. Very high tech and modern na para na akong taong bundok dito.
Nagluluto kaya siya since wala naman siyang kasambahay? Posible. Pero kung titignan ang lahat ng appliances ay bagong bago pa at parang hindi nagagamit. Sinakop ng mga katanungan sa buhay niya ang buong isipan ko hanggang sa natapos na akong magluto.
"Eli! Dinner is ready!" sigaw ko at tinanggal na ang black apron na suot. Narinig ko na ang pagbaba niya sa may hagdan kaya binilisan ko ang pagtanggal ng apron pero masyadong mahigpit ang pagkakabuhol ko!
"Shit..." I murmured while trying so hard to untie this fucking apron!
"Let me..." I heard his voice behind me. Kinabahan ako at napalunok.
Napapikit ako nang maramdaman ang hininga niyang tumatama sa batok ko. Nasa likod ko siya at sobrang dikit sa akin kahit tinatanggal lang naman ang tali kaya hindi magkamayaw ang pagwawala ng puso ko. He's shit! This love is crazy! Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ganito pa rin ang nararamdaman ko kapag masyado siyang malapit.
"Let's eat," he uttered and he's done finally!
Sa isang long wooden table ay nilapag ko ang mga niluto kong pagkain. Tinitignan niya ako habang naghahain ako at noong nilingon ko siya ay nagulat ako dahil sa kauna unahang pagkakataon mula noong nakita ko siya, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumisi! And... He's so fucking handsome!
Mabilis siyang nag-iwas at pekeng umubo. Pinilit niya na ibalik ang ayos ng mukha bago ako hinarap. The table has eight chairs at ang pangit kung uupo ako sa may kabisera dahil ang layo namin. Kaya naman umupo nalang ako sa may tabi niya.
Nagkatinginan kami. "Let's e-eat..." I said.
Tumango siya na may nakatagong ngiti sa labi at nagsandok na ng kanin. He was about to put some rice on my plate when he saw me staring at him. Para siyang natauhan kaya naudlot ang paglalagay niya at binigay nalang sa akin ang bowl of rice para ako na ang magsandok sa sarili.
"Salamat..."
Ngayon ay nagsandok naman siya ng sweet and sour fish. Noong nilagay niya ang isda sa pinggan niya ay kinuha ko ang isang tasa ng sauce para lagyan ang isda niya. Pinapanood niya na naman ako sa ginagawa ko at kahit hindi ko siya tinitignan, ramdam ko na kagat niya ang labi dahil pinipigilan ang mangiti.
"T-Thanks..." he swallowed hard.
Nagsimula na kaming kumain at kahit hindi niya sabihin, halata naman na masarap ang niluto ko dahil sunod sunod ang pag-subo niya.
"Sarap?" hindi ko na napagilan ang magtanong.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango tango. "Sarap..." he then smirked meaningfully.
I couldn't help but... to adore him. Parang ang dating Felizardo Reyes ang kaharap ko ulit ngayon nang masilayan ko ang ngiti niya. Ngiti na parang matagal na hindi dumalaw sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Memories in the Roads (Street Series #3)
Romance📍Nuestra Street Ryu Concepcion, the matured, smart and wise son never expected that he will met a boy who's opposite to him. He met Felizardo Reyes on a hot summer in Casa Poblacion. He already knew his gender identity and he discovered more when...