Chapter 7

559 30 6
                                    

Chapter 7: Enough

"Huwag ka nang bumalik sa Casa Poblacion! Malapit na rin naman pasukan eh," si Gabriel sa kalagitnaan ng activities namin.

Nandito kaming lahat sa school at noong nalaman na namin ang section namin ay nagkaroon ng dry run at orientation. Binigyan na rin kami ng bagong set ng uniform pati para sa PE at sa sinalihan kong club.

Ngayon ay nasa campus kami para sa bawat activities na required naming salihan. Kasama ko ang mga kaibigan ko na mabuti nalang ay kaklase ko ulit sila ngayong taon.

"May two weeks pa bago magpasukan, Gab. Besides, I am enjoying there so what's the point of going home when I have a lot of time to spend there?" I said.

"Ayaw mo lang sumama sa mga trip namin eh! Kill joy mo talaga, Ryu!" singit ni Harvey.

Pinatong ko na ang huling blocks para matapos na ang ginagawa naming building structure.

"Last year sinamahan ko lahat ng outing natin ah! Gusto ko lang muna mapag-isa ngayon," I reasoned which I think, not true.

Hindi naman ako mag isa sa Casa Poblacion. In fact, I'm with my cousins and I'm with him. I was just lonely when I'm on my room the whole day but many days passed, I'm with him. And I was happy and contented so far. Hindi iyon ang inaasahan ko na mangyayari sa bakasyon ko pero masaya ako dahil iyon ang nangyari.

I met him on a hot summer in Casa Poblacion and we talked about so many things even if it's sometimes, we have different point of view to a topic. But the important is, we understand each other's perspectives at all times.

"Siyempre iba yung ngayon---" natigil si Harvey nang pinukol siya ng isang kakase namin at hindi lang siya ang natamaan ng plastic bottle, ang gawa rin namin!

Nagulat kaming lahat at umakyat agad ang galit sa akin. Tinignan ko nang masama si Gio, ang feeling superior/siga sa classroom o sa buong school at sa likod niya ang mga alagad niyang akala mo mga kuko.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Harvey at sinalubong niya sila Gio, sumunod naman kami ni Gabriel sa likod ni Harvey.

"Bakit mo chinachat girlfriend ko?! Naghahanap ka ba ng gulo?!" Gio said loudly.

Nagtagis ang bagang ko at kumuyom ang kamao ko. Ayaw ko sa lahat ay yung nadadamay ang pinaghirapan ko dahil sa kalandian nilang yan.

"Bobo ka ba?! Siyempre nagtanong sa akin, alangang hindi ko sagutin!" buwelta ni Harvey, galit na galit.

Mabilis siyang kinuwelyuhan ni Gio pero bago pa sila mag abot ay tinadyakan ko na si Gio sabay tadtad ng suntok sa mukha niya. At doon na nagsimula ang rambulan sa campus.

"You stupid! Anong karapatan mong idamay ang gawa namin, ha?!" sigaw ko, galit na galit at nasapak na ako ni Gio kaya nagdugo ang labi ko.

Uminit pa lalo ang ulo ko kaya mas malakas ko siyang tinulak sabay sapak.

"Ba't ka ba nakikialam, Ryu?! Kinukunsinti mo kaibigan mo?!" aniya kaya mas lalo akong nagliyab dahil hindi ako ganoon. Nagpapalitan kami ng suntok pero mas marami akong ganti sa kaniya dahil magaling akong umiwas at siya pa ang nakahiga sa sahig.

"Boys! Stop it! Go to disciplinary office! Now!!!" one of the teachers said as the guards started to stand between us to wean and to separate us.

Bumangon ako at inayos ang kuwelyo. Masama pa rin ang tingin ko kay Gio habang pinupunasan ko ang dugo sa labi ko.

Si Gabriel at Harvey ay parehong may galos din pero hindi naman malala dahil nagtatake kami ng taekwando kaya may ilang kaming idea. At for sure matatanggal na kami roon kapag nalaman ng trainer namin ang nangyaring gulo.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon