Chapter 31

522 23 2
                                    

Chapter 31: Sedan

"Don't mind them, Ryu. By the way, your room in Santa Rosa is now fully renovated. Iyon na muna ang asikasuhin mo and your car is coming too next week kaya mag ayos ka na rin ng mga lisensya mo..." taliwas na sagot ni Daddy sa tanong ko.

Tanghaling tapat ay nandito ako sa opisina niya sa may San Pedro para malaman kung anong plano o hakbang nila para sa Casa Poblacion.

"Baka sila ang may pakana nito, Dad?" I said what's bothering me lately.

Napatingin sa akin si Dad. He sipped on his tea before he leaned on his swivel chair then he massage his temple. Ngumiti ako dahil parang pinag iisipan niya ang sinabi ko.

He sighed. "Imposible. That was just your hunch, Ryu. Mahirap mang bintang..." he answered after a long thinking.

"Yes, It was just my hunch but who knows, right? They are acting strange, Dad! Kung talagang abala sila sa medication ni Lolo Graciano, wala sila rito ngayon pero nandito sila!" I stated my conclusion.

Dad sighed once again. "Stop it, Ryu. Your conclusion has a point but still, it makes no sense..." saad niya kaya bumagsak ang balikat ko. Nagtiim bagang ako.

"They are scary too. I remembered when I was a child---"

"What?!" nagulat at natigil ako nang sumigaw si Daddy.

Tumayo si Daddy at naglakad papunta sa akin. Umupo siya sa harap ko at kita ko na ang takot at pangamba sa mga mata niya habang tinitignan ako. Napalunok ako.

"Y-You remembered your childhood?" he asked nervously.

I blinked and slowly nodded. "Lahat naman siguro naaalala ang parteng iyon, Dad---"

"But you are different!" he said firmly kaya medyo natakot ako sa tono ng boses niya.

Dad sighed heavily. Napahilamos pa siya sa mukha at bakas sa mga mata ang problemadong iniisip. What's the problem, then? I don't understand.

"What do you mean by different?" I asked, now that my curiosity become higher.

Hinarap ulit ako ni Daddy. "Listen, Ryu. Don't overthink and don't you dare to force yourself to remember your past! Or don't tell me...your cousins were saying something to you?" aniya.

Mabilis akong umiling. "No, Dad. Hindi naman sila nagkukuwento which I find it strange. May problema po ba?" tanong ko.

Napalunok si Dad at umiling iling. "Wala. Just listen to me okay? Don't try to remember those childhood memories of yours. Please!" he pleaded.

Kumunot ang noo ko pero unti unti rin na tumango. Umalis ako sa opisina ni Dad na maraming tanong sa isipan. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya at hindi ko alam kung may kabuluhan iyon. But still, I will choose to listen like I've always doing.

(6 weeks later...)

"Where's Yuli?" tanong ko kay Eli.

"Nasa talyer. Di'ba sinabi ko na sayo kagabi?" sagot niya habang patuloy na nililinis ang motor.

Nandito kami sa garahe ng bahay nila. Nakaupo ako sa gilid habang pinapanood siya sa ginagawa. Sunod sunod ang naging roadtrips namin kaya naglaan kami ng isang linggo para magpahinga at asikasuhin muna ang ibang personal na bagay.

Dumating na ang motor ni Eli na bigay ng kaniyang Tita sa ibang bansa. Malayo nga naman kasi ang Casa Poblacion sa Santa Rosa kaya kakailanganin niya ng motor.

He's topless and his body is wet and shining that's why hindi ako makatingin sa kaniya dahil naiilang ako roon. Kagat labi pa siya habang pinupunasan ang motor na tapos na niyang sabunin ng dish washing liquid.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon