Chapter 10

513 21 1
                                    

Chapter 10: Independent


Tumayo ako sabay punas ng luha. Wala na siya sa paningin ko pero ang galit ko ay nandito pa rin. Ang lakas ng loob niyang gawing alas ang mga kinuwento ko sa kaniya kahit na wala naman iyong kinalaman sa pinagtatalunan namin.

This is why I never talked to much about myself, they will used it as a cards that soon will stacked on you. And I regret that I told him those things.

Akala ko, iba siya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I am wearing a white polo tucked in to my black pants and a white sneakers. Tinuro ko sa driver ang mga maleta ko na ibababa nila. Sinuot ko na rin ang wrist watch ko at may naalala habang sinusuot ito.

I guess our 'friendship' will end here. I thought he was really different because I've found the different way of comfort of a friend. Ang gaan gaan ng loob ko sa kaniya at ang tanga tanga ko na hinayaan ko ang sarili ko na magpadala roon. Sa una pa lang, alam kong marami na kamimg pagkakaiba pero hindi ko pinansin iyon dahil naiintindihan naman namin ang isa't isa.

Pero ngayon, hindi niya ako naintindihan kahit pilit kong pinapaintindi o sadyang sarado ang utak niya pagdating sa pagibig. Nalunod na ba agad siya sa pagmamahal ni Joanna? Ang babaw niya naman kung ganoon. Ang inaalala ko lang naman ay yung kaligtasan niya pero bakit ako pa ang pinagmukha niyang masama?

And a thought that me liking Joanna is making me sick. That's disgusting. Kahit kailan, hinding hindi ako magpapaloko kahit na gaano ko pa kamahal ang isang tao. Hindi ako magpapabulag sa pagibig na yan dahil alam kong ikakasira ko lang iyon. Bakit ko pipiliin ang bagay na makakasakit sa akin? Well, bahala na siya. It's his choice. At least, binalaan ko siya kaya hindi na ako makokonsensya kung may mangyari man sa kaniya.

Dapat pala noong una, hindi ko na siya pinakialaman kung ayaw niya pala ng ganoon. Ginawa ko lang naman iyon dahil magkaibigan kaming dalawa pero mukhang... guni guni ko lang ang lahat. I'm being delusional that we were friends coz for him, I am not his friend. He treated me like a friend but never considered me as one. And it hurts that my thoughts were all wrong.

Nakahanda na ang sasakyan at nasa loob na ang mga bagahe ko. Paglabas ko ng kuwarto ay nandoon ang tatlo kong pinsan na naghihintay sa akin.

"Dapat kasi dito ka na tumira eh!" giit ni Froilan sabay yakap sa akin.

Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Sumagi sa isipan ko ang pagtira rito dahil hindi na rin masama, payapa at masaya naman. Pero kung siya lang rin naman ang makikita ko tuwing umaga ay hindi na lang.

"Magbabago pa isip niyan!" si Teodus naman ang yumakap sabay tapik sa balikat ko then I also hugged Dion.

"Balik ka ah! Kailan?" ani Dion.

"I don't know. Baka hindi na..." payak ang tawa ko.

"Ha? Paano sa birthday ni Lolo? Sa August na yun!" giit ni Dion.

"Oo nga pala. Malayo pa naman so..." I shrugged.

Sinamahan na nila akong bumaba at marami pa silang sinabi kaya medyo natagalan bago ako pumasok sa sasakyan. Hindi na rin ako nagtangka na tumingin sa paligid dahil baka makita ko pa siya. Pagkatapos kong magpaalam sa mga pinsan at sa ibang kasambahay at kusinera ay tumulak na kami.

Pinilit kong magbasa ng libro habang nakikinig sa music sa kalagitnaan ng biyahe but my mind were occupied. Sinara ko ang libro at tinanggal ang airpod. Sinubukan kong matulog pero yung nangyari pa rin kahapon ang naiisip ko.

I thought, he understand when I said that for me, love is overrated. And it was, yes! But I never judged a lover! I'm not bitter also! Iyon lang naman ang sa tingin ko sa panahon ngayon pero hindi ibig sabihin non ay ayaw ko na sa mga mag boyfriend-girlfriend.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon