Chapter 22

537 20 2
                                    

Chapter 22: Love


We stayed at the edge of the cliff until the sunset and I swear, this is the most memorable day for me. As the sun slowly lose it shines, I looked at him.

"Grade ten na tayo this year. May napili ka na bang strand para sa grade 11?" I probed.

He's seriously looking at the view, it feels like he's indulging it that's why I decided to shut my mouth and let him. Kinain ko nalang ang crosant and coffee we bought before we went here.

He breathed heavily. "Yup. ICT ang kukunin ko, tanungin mo kung bakit---"

"No need. I expected it already. Marami kang alam sa computer at mahilig ka sa mga online games and technology so I knew that you will choose ICT..." I simpered.

His jaw dropped but he smirked. "Kilalang kilala mo na talaga ako, no?"

Tumango tango ako. "Siyempre. You talked a lot so..."

"Ikaw rin naman, kilalang kilala ko na. ABM kukuhanin mong strand, no?" sambit niya.

Natawa ako at tumango. "You're right."

We both laughed and sighed. Tinignan muli namin ang nakalubog ng araw pagkatapos ay sabay pa kaming napatingin sa isa't isa.

"Ryu..." tawag niya at humarap sa akin.

Nagtaas ako ng kilay sabay higop sa kape.

He smiled seriously. "Huwag mo akong iiwan ah..." he stated.

I froze and it was like my heart stop beating and my mind occupied. He said it very serious and with sincerity. He's not wishing, he's begging.

He licked his lip. "We're best friends, di'ba? Sana...hanggang college o hanggang paglaki natin. Ganito pa rin tayo at kilalanin pa natin ang isa't isa. Dahil sa totoo lang, mas lalo kong nakilala ang sarili ko noong nakilala kita. Nasubukan ko rin ang lahat na inakala kong imposibleng mangyari pero pinapakita mo na lahat ay posible at lahat may paraan. Special ka sa akin, special pa sa special. Tandaan mo yan..." he said rejoicingly.

He smiled and he pinched my nose. Napakurap ako at napalunok. Parang pakiramdam ko, tumigil ang lahat. It feels like there's unfamiliar feelings and emotions that attacked me as of now.

"Tulala ka? Naiyak ka ba sa sinabi ko? Totoo ang lahat ng iyon, Ryu. Kaya maiintindihan ko kung iiyak ka ngayon. Gusto mo yakap? Tara dito!" he blathered and I thought he was joking but my heart jumped when he pulled me closer then he hugged me.

Parang nawalan ng hangin at hindi na ako humihinga. Maya't maya ang paglunok ko dahil sa kabang nararamdaman na dulot ng hindi ko malamang dahilan.

Hinagod niya ang buhok ko pagkatapos ay bumitiw na siya pero bago iyon ay tinignan niya ang labi ko at nabigla ako nang hawakan niya iyon sabay tingin sa mata ko. Then he smirked handsomely.

"May dumi lang..." aniya sabay punas sa labi ko.

Para akong natauhan bigla galing sa panaginip kaya mabilis kong tinampal ang kamay niya at marahang tulak sa kaniya kaya natawa siya.

"Ang landi mo..." bigla kong sabi kaya nagpakawala siya nang mas malakas na tawa.

Napangisi rin ako at napainom na sa kape.

"Grabe ka naman! Ganoon talaga ako kahit sa iba kong kaibigang lalaki, hindi lang sayo! Kiss pa kita diyan eh..." he teased that made me shocked.

"What?! Hinahalikan mo mga kaibigan mong lalaki?" I asked shockingly and he just laughed louder.

"Hindi ah! Pero kung gusto mo, bakit hindi?" he laughed and winked before he bit his lip, nang aakit!

Hinampas ko ang braso niya. "Do you love guys?!"

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon