Chapter 47

742 33 4
                                    

Chapter 47: Invested

Malalim na ang gabi at nandito pa rin ako sa office table. Naka pajama at white tshirt, basa at magulo ang buhok dahil bagong ligo habang mariing tinititigan ang mga papeles sa kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan.

Bumuntong hininga ako at napasandal sa swivel chair. I rest my head and closed my eyes. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayong gabi. At mas lalong bukas dahil nga kailangan ko siyang kitain.

Pero ano nga ba ang nirereklamo ko? Ibibigay ko lang naman ang papel at papipirmahan sa kaniya tapos ay aalis na agad. Sa totoo lang, ayaw ko na rin naman siyang makita dahil panigurado akong kung ano ano na naman ang mga sasabihin niyang hindi ko na naman inaasahan. At masakit iyon. Ayaw kong ipakita sa kaniya na may pinagsisihan ako na isang bagay sa mga naging desisyon ko.

I'm guilty when he said that I was crook. Cause it turned out fooling him by saying that I've got an amnesia when it's not. Sigurado akong pipigain niya ako hangga't sa bumigay ako at ayon ang ayaw kong mangyari. Ayaw kong humantong sa maisusumbat ko ang lahat ng pagsasakripisyo at paghihirap ko.

I've sacrificed my life here in Philippines, my college life, my time with family, my friendship with Harvey, Roxana and... Gabriel. Noong nasa New York ako ay araw araw akong binabagabag ng mga kaisipan na paano kung hindi ako umalis, paano kung tumawid ako at nakipagkita sa kaniya?

Magiging maayos kaya ang lahat kung nagpaka selfish ako? Hindi.

Nagising ako kinabukasan dahil sa pagtunog ng digital clock ko na sinabayan pa ng pagtawag ni Teodus.

"Hello?" malat pa ang boses ko at nakapikit pa ang isang mata, nilingon ko ang kurtina ng balkonahe at nakitang tirik na tirik na ang araw kaya mabilis akong bumangon.

"Man! Ano na?! Nasa Manila ka pa rin? It's already 7am!" bulyaw ng pinsan ko at kapag ganito ang boses niya, marami siyang ginagawa sa opisina at abala.

"On the way na ako..." I lied as I stood and remove my clothes.

"You liar. Nasa 2030 ka na, Ryu. Hindi na uso ang ganyang palusot. You know, Felizardo made an app para mawala na ang excuse na yan. It's useful---"

"It's invading privacy." agap ko at binuksan na ang shower. Nilapag ko ang cellphone sa sink.

"No. You can choose kung sino lang ang bibigyan mo ng karapatan para malaman nila ang location mo..." sagot niya.

Nagsa-shampoo na ako ng buhok kaya nakapikit pero napadilat nang may maalala.

Eli once mentioned that thing to me back then and I couldn't believe...he's stick to his plan and dreams despite the changes.

"Hindi mo nakita pero kinuha ko ang code mo kaya nalalaman ko kung nasaan ka in case of emergency or something might happen who knows, right? Ang useful ng app na ginawa niya. Well, lahat naman useful at nagagamit ng halos lahat ng tao sa mundo. He's the uppermost game and app developers!" he bragged Eli's achievements.

Naalala ko na noon, kung ano ano ang sinabi niya kay Eli noong mga high school palang kami pero ngayon? Puring puri ah!

"At sino ang nag-install ng app na yun sa cellphone ko?" tanong ko. Nagtapis na ako ng tuwalya at humarap na sa salamin para mag-shave kahit kaunti palang naman ang balbas ko.

Teodus laughed. "Si Dion for sure. Noong nasa Boracay tayo? Lasing na lasing ka non kaya pinagtripan ni Dion cellphone mo..."

"Ang gagong iyon talaga. I'll drop the call coz I need to prepare. Minamadali mo ako pero dinadaldal mo ako, no? Focus on your job, man!" giit ko.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon