Epilogue

1.2K 41 25
                                    

Memories in the Roads: Epilogue

                      Felizardo Reyes

"Sa bakasyon ang roadtrip natin. May problema ka ba roon?" sagot ko sa tanong ng kaklase ko.

"Hmm. Wala naman." iling niya kaya tumango ako at sinuot na ang bag pagkatapos ay lumabas na sa classroom namin.

"Saan naman tayo pupunta, Eli? Hindi puwede sa malayo ah!" bumuntot sa akin si Ken.

"Hindi tayo lalagpas ng Laguna, Ken. Kaya huwag kang mag-alala dahil hindi lang naman ikaw ang papagalitan, magagalit din sa akin si Lola." giit ko.

"Talaga? Excited na ako sa roadtrip!" aniya.

Nakababa na kami mula sa buiding ng grade eight at pupuntahan ko na sana ang bisikleta ko pero hinila ako ni Ken.

"Eli! Si Joanna oh!" giit niya sabay turo kay Joanna, ang aking crush.

Hindi ko maiwasan ang ngumiti nang masilayan ang kaniyang ngiti. Wala ng araw pero bakit nagliwanag pa rin ang buong paligid nang dahil sa kaniyang matamis na ngiti?

"Uy! Laway mo tumutulo!" hinampas ako ni Ken kaya natauhan ako.

Ngumisi ako at kinagat ang labi. Napahawak ako sa batok pero mabilis na tumayo nang tuwid nang nilapitan ako ni Joanna.

"Hi, Eli!" bati niya at parang kaharap ko na ang isang anghel.

"H-Hi! Ang ganda mo..." sambit ko kaya naghiyawan ang mga kasama niya at namula naman siya.

"Salamat..." she said and she put her hair behind her ear. Hindi ko na rin tuloy maiwasan ang kiligin at batukan si Ken dahil kinikilig ako.

"Makabatok naman 'to! Parang timang amputa!" hinaing niya pero wala na akong pakialam dahil para na akong lumulutang ngayon.

Ganoon nalang kabilis lumipas ang panahon at sa isang iglap ay bakasyon na agad at kasama ko na ang mga maiingay kong kaibigan.

"Eli! Smile!" ang bestfriend ko na si Brandean na inaabala ang pagmumuni muni ko. Pero kahit candid ang kuha niya, guwapo pa rin naman ako.

"Huwag mong burahin. Send mo sa'kin pang profile ko!" ngisi ko at tumingin nalang ulit sa kalsada.

"Gege. Ituloy mo na yang pag-eemote mo riyan!" saad niya at ibang kaklase nalang namin ang pinag-tripan na kahit natutulog ay pinicturan niya pa rin.

Hindi ko alam ang dahilan pero may kakaibang saya na naibibigay ang tanawin sa akin o siguro dahil kapag nasa roadtrip ka, hindi lang isang tanawin ang makikita mo kundi paiba-iba. At iyon ang gusto ko. Ayaw kong manatili sa paulit ulit na bagay dahil mabilis akong mabagot kaya nga marami rin akong kaibigan. Posible ring dahilan siguro kaya gustong gusto ko ang roadtrip ay dahil noong bata ako ay sinasama na ako ng mga magulang ko at tinuturing naming bonding ang roadtrip.

Malungkot akong ngumiti habang inaalala ang lahat ng mga sitwasyong kasama ko pa ang mga magulang ko. Noong nasa elementarya, hindi naman talaga ako friendly. Tahimik talaga akong tao at wala akong pakialam kung wala akong kaibigan dahil masaya na ako sa mga magulang ko. Hindi matutumbasan ang binibigay nilang pagmamahal sa akin kaya nga kuntento na ako at hindi na naghahanap ng pagmamahal na mula sa kaibigan o sino pa.

Pero noong nabaril si Papa at namatay sa sakit si Mama, hindi lang nagdilim ang paligid, hindi lang sumama ang ihip ng hangin at dumilim ang kalangitan. Marami rin ang nabago sa akin kaya mula noon ay hindi na ako makuntento sa isang kaligayahan lang, gusto ko marami at nagmumula sa iba't ibang tao. Gusto kong paiba-iba ang tanawin na matatanaw at hindi iisa lang.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon