Chapter 16

551 17 3
                                    

Chapter 16: Car




"Ryu?" nagising ako dahil sa isang katok. Pero ang nagpagulat sa akin ay nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon.

Mabilis akong bumangon at inayos ko pa ang kama ko bago siya pagbuksan ng pinto. Pagbukas ko ay bumungad ang guwapong si Eli na medyo naging singkit ang mata dahil siguro bagong gising. May hawak siyang tray at nandoon ang breakfast ko kaya nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok na siya.

Nilapag niya ang tray sa may coffee table sa sala ko pagkatapos ay nilibot niya ang tingin sa buong kuwarto ko, binuksan ko naman ang kurtina kaya lumiwanag ang buong paligid.

"Kumain ka na ba?" I asked him as I drink water.

"Katatapos lang. Ang laki pala talaga ng kuwarto mo? May sarili ka pang sala!" ngisi niya.

"Mas malaki pa dito ang kila Dion..."

Dahil wala naman akong study area dito kaya nga sa library ako namamalagi kapag nag aaral. Sa kuwarto ni Dion at Teodus ay mayroon.

"Napagod ka ba kahapon?" tanong niya. Umupo na ako at ginalaw na ang breakfast.

"Medyo sumakit paa ko. Bakit ba kasi tayo naglakad? May sasakyan naman..." hinaing ko.

Kahapon kasi ay sumama ako sa kanila dahil makikipaglaro sila ng basketball sa kabilang barangay at medyo malayo ang nilakad namin papunta at pabalik. Nag-enjoy naman ako dahil katabi ko noon si Jorie at Hydro kaya may kausap ako kahit papaano.

"Ganoon talaga. Parang warm up na rin kumbaga. Galing kong maglaro no?" he bragged.

I smirked and raised a brow. "Hmm. Pwede na. Not bad,"

"Parang pilit pa ah..." he chortled.

Natawa kami pagkatapos ay natahimik. Nilibot niya ulit ng tingin ang buong kuwarto ko at hindi ko napigilan ang mapansin ang bawat detalye ng mukha niya at ang pangangatawan niya.

He became more physically fit. He became taller than before and he's more attractive now. His handsomeness is no joke. Napansin ko na mabalbon siya na bagay naman sa kutis niyang parang kape pero mas matimbang ang creamer. Tinignan ko ang kamay niya at maugat ang mga iyon, very boyish. Then I saw his ring and how it perfectly suit on his long finger.

Nakaupo na siya sa harap ko at hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umaalis. Pero okay lang naman, mukha kasing kaya siya nagtagal ay may gusto siyang sabihin.

"Uhm, wala ka naman gagawin mamaya di'ba?" he said. I knew it.

Umiling ako. "Wala naman. Bakit?"

"Samahan mo ako," aniya sa mas malalim na boses.

"Saan naman?"

"May kukunin lang tayo,"

"At ano naman iyon?"

Napapikit siya at napangisi dahil ang dami kong tanong. "Basta samahan mo nalang ako. Malalaman mo rin kapag nakapunta na tayo. Okay?" aniya at tumayo na.

"Mamayang hapon ba?"

He nodded. "Oo. Ubusin mo muna yan bago ka bumaba ah," bilin niya at lumabas na sa kuwarto ko.

I nodded and the remaining hours I just a read a books coz I missed it so much, I didn't have a chance back then cause of I'm so busy and really serious in studying but now, I have a lot ot time and I can't wait to spend it here.

Pagkatapos naman magtanghalian ay sumama lang ako sa mga pinsan ko na manood ng movie at maglaro ng video games hanggang sa sumapit ang hapon at naligo ulit ako bago bumaba dahil nakita ko na si Eli.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon