Chapter 45

595 28 11
                                    

Chapter 45: Love

My eyes landed at him. Nagtaas ng kilay si Teodus at binigyan ako ng isang mapaglarong ngiti. He licked his lips and laughed and I have an idea that he knew what's happened between me and Eli.

Nilapag ko ang papel sa harap niya. Kinuha ko ang kape at tumayo para harapin ang buong siyudad na tanaw mula dito sa opisina ko dahil sa malaking glass wall. Sumimsim ako at hindi ko alam kung dahil ba sa kape kaya pumait ang sikmura ko o sa ibang bagay.

"Are you serious? Is that legit?" I asked him.

"Yes, it is. Alangan namang bigyan kita ng mga pekeng pangalan..." he responded sarcastically.

"Hindi naman ganyan karaming tao ang nakausap ko ah? I've had a meetings with a few investors pero bakit ang dami ng nakalagay diyaan at... at..." hindi ko matuloy, napainom nalang sa kape at huminga nang malalim.

"Me and Dion also find you an investors coz the more the better. At isa pa, malaki rin ang tiwala nila sayo dahil isa kang Venturero-Concepcion. Maraming naniniwala sa kakayahan mo kaya sumugal sila..." paliwanag niya.

"But I can do this by myself, hindi naman ako nanghihingi ng tulong---"

"Erase your pride---"

"It wasn't pride! It was being independent!" katwiran ko dahil iyon naman ang totoo.

He smirked. Nag-iinit na ang ulo ko pero siya ay parang nakikipaglaro pa rin or he just could maintain his cool.

"Look, Ryu. Ganyan din ako noon. So believe me, kahit ayaw mo ay kakailanganin mo talaga ang tulong ng iba. Ganoon sa industriyang pinasok mo..." he clarified.

Bumuntong hininga ako at padabog na umupo sa swivel chair ko. I massage my temple while reading the names of all the investors. Marami nga ang nadagdag at ilan doon ay galing sa mga naglalakihang kumpanya sa bansa. Hindi naman dahil sa tinulungan nila ako kaya ako galit, dinahilan ko lang 'yon. Pero ang totoo talaga ay dahil...

Pinikit ko ang mga mata ko at tinabi na ang papel sa gilid ko. Tumawa si Teodus at tumayo na sabay ayos ng kaniyang suit.

"Chill yourself, man. Be professional, don't involve your personal feelings..." he blathered before he leave my office while laughing!

I knew it! Alam niya nga ang tungkol sa nangyari sa amin ni Eli at kung alam niya nga...dapat ay inalis na niya ang pangalan ni Eli. Tinignan ko ulit ang listahan at nakita ko kung gaano kalaki ang investment niya. Napalunok ako dahil sa laki ng halaga! Seven digits!!! Is he serious?

"By the way, bukas na nga pala ang meeting mo with them..." sumilip ulit si Teodus.

"What? Bakit ang bilis at bakit ikaw ang nagdedesisyon?" irita kong sagot.

Ngumisi siya. "Did you forget already? Dinala ng sekretarya mo at iyon ang pinirmahan mo kanina! Gotta go, I have a date with my baby..." paalam niya at tuluyan nang nawala sa paningin ko.

Hinilamos ko ang mukha at mukhang wala na talagang magagawa dahil anong karapatan kong magreklamo gayong nagsisimula palang ako!

Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kuya is calling that's why I calmed myself first before I answered.

"Yes, brad?" bungad ko.

"I'm at the hospital. Puntahan mo ako and don't you dare tell this to Mom and Dad." he said and immediately ended the call nang ganon ganon lang!

Mabilis kong tinabi ang mga papeles pagkatapos ay lumabas na agad ng kumpanya while dialing my brother coz shit my anxiety is attacking me! Ganoon lang ang sinabi niya na wala man lang dahilan!

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon