Chapter 11

514 24 0
                                    

Chapter 11: Cheat


"Ryu, we're here..." marahan akong tinapik ni Mommy kaya nagising na ako mula sa mahabang pagkakatulog habang nasa biyahe.

Tumango ako at nagunat unat na. Binuksan na ng driver ang pintuan ng SUV at ang mga kasambahay na nakahilera ang bumungad. Kinuha nila ang aming mga maleta.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong vicinity ng mansion at wala namang nagbago, laging malinis at maayos. The workers are working properly with an open heart that's why our mansion are always clean and pleasant.

"Where are the boys, Manang?" tanong ni Mommy sa kasambahay nang nasa sala na kami.

"May pasok po, Maam. Pero si Teodus natutulog po ata," sagot nito.

"Oo nga pala't whole day ang pasok nila rito," si Dad.

Lagi namang mailap ang tao rito sa mansion pero for sure sa linggo ay puno ito ng mga bisita. Biyernes palang ngayon at pagkauwi ko galing school ay nagpahinga lang ako saglit tapos umalis na rin kami at nakarating kami rito mag aalas singko.

"Pero pauwi na rin po ang mga yon, Sir..." si Manang.

"Ganoon ba? Paghanda mo nalang kami ng tsaa, Manang. We'll rest here..." utos ni Mom.

"Okay po..."

Nasa sala lang kami at nagpapahinga. Sariwa kasi ang hangin dito dahil bukas ang double doors kaya ang hangin na nagmumula sa rancho ay pumapasok dito. Tanaw rin namin ang papalubog ng araw hanggang sa umingay na nang dumating ang mga pinsan ko.

"Uy! Tita? Tito? Ryu?" gulat pa sila nang makita kami sa sala.

Si Dion at Froilan ay nakauniform pa at bukas ang dalawang butones ng polo, bad boy na badboy ang datingan samantalang si Teodus ay nakapambahay at halatang bagong gising.

"Natanggap niyo na ba ang suits niyo, boys?" tanong sa kanila ni Dad.

"Yes, Tito. And I love the designs!" si Teodus.

"I know you would love it. Ako ata ang pumili ng mga iyon," Dad said proudly.

"I love mine too, Tito Althor. Mabuti nalang at iba iba kami ng kulay!" si Froilan.

"Yes, of course. How about you, Dionisio?" ani Dad kay Dion.

"I like it too."

Kinausap lang sila ng mga magulang ko at kung ano ano ang pangaral na sinabi ni Mommy sa kanila ganoon din si Daddy hanggang sa sumapit ang hapunan at sabay sabay kaming lahat kumain.

"Dapat kasi rito ka nalang tumira, Ryu! Tignan mo itong si Dion, dito pinatira ni Tita Cat!" Teodus teased Dion.

Tinapunan siya ng masamang tingin ni Dion.

"It's because Dion's too playful and didn't know seriousness. Si Ryu ay puro pag aaral naman ang inaatupag sa Maynila kaya kahit gusto namin ng Tito Althor niyo na rito siya mag aral ay wala kaming magagawa dahil sinusunod naman kami ni Ryu," ani Mom.

I smirked arrogantly to all of them.

"Well, Mama and Papa send me here because they don't have any time when it comes to me..." sambit ni Dion.

"Dionisio!" saway ni Dad.

"What? I'm just stating the fact, Tito..." Dion defended.

I can sense the tension in the air but Dionisio's still calm.

"Hindi mo lang sila naiintindihan. We're all busy in running our business that will benefit you soon. So try to understand them," Dad nagged him.

"Pero bakit kayo nabibigyan niyo ng oras at atensyon si Ryu?" anas ni Dion.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon